Kabanata 1
TAHIMIK lamang siya habang nakikinig sa mga ilang sundalo na nagkakantahan sa likod ng eroplano na kanyang sinasakyan. Daig pa yata nila ang isang batalyon gayong lima lang naman ang mga ito. Nakasabay niya ito pauwi ng Pilipinas. Mabuti na lang at pa-landing na sila kaya hindi naman na sinita ng stewardess ang mga sundalong banyaga.
Sa katunayan pa nga niyan ay natutuwa pa siyang pakinggan ang mga ito. Natutuwa siyang marinig na nagkakasiyahan ang mga ito. Na para bang walang problemang kinakaharap sa mundo. Napangiti siya sa kawalan at inayos na ang kanyang mga gamit dahil lumapag na ang eroplanong sinasakyan niya.
Nang humudyat na ang piloto at ang stewardess sa pag-welcome sa kanila ay agad din naman siyang napatayo. Kinuha niya ang kanyang mga gamit.
Pagkatapos niyon ay isa-isa nang lumalabas ang mga pasahero. Sumunod din naman siya sa mga ito.
Nang sa wakas ay nasa loob na sila ng airport ay doon lamang siya tuluyang nakahinga ng maluwag.
At last, finally! Ilang oras na lang ay makakauwi na rin siya sa bayan na kanyang sinilangan ang Cagayan De Oro, Misamis Oriental. Makikita niya na rin sa wakas ang kanyang Lola Faustina. Miss na miss niya na rin kasing sumama rito sa Rancho para mag-alaga ng mga kabayo at anihin ang mga iba't ibang prutas na tanim sa Rancho. Hindi naman pagmamay-ari ng kanyang Lola Faustina ang Rancho pero doon ito namasukan bilang isa sa mga taga-silbi ng isang mayamang pamilya. Hindi niya nga lang matandaan ang apilyedo niyong may-ari pero hindi naman niya malimutan ang lugar na iyon. Hanggang ngayon ay tandang-tanda niya pa rin talaga. Kinse anyos siya noon nang huli siyang makapagbakasyon dito sa lugar nila kaya naman ay sabik na sabik siyang bumalik, ngayong nasa edad bente singko na siya.
Hinila niya na ang kanyang maleta at lumabas ng airport.
"Terminal ka!" salubong sa kanya niyong taxi driver.
"Paano po kung pakyawin ko na lang po kayo?"
"Saan ka ba pupunta?"
"Camarayan po," sagot naman niya.
"Sige!" sagot naman ng driver at agad siyang tinulungan na isakay ang mga gamit na dala niya sa likod ng taxi nito.
MAKALIPAS ang mahabang biyahe ulit at sa wakas ay narating din niya ang Barangay Camarayan o mas kilala bilang Camarahan Ridge.
Agad niyang inihanda ang kanyang dalang mga gamit at lumabas ng taxi.
"Welcome to Barangay Camarahan," basa niya sa isang sign board.
Ibinaba naman na niyong tax driver ang ilan pa niyang mga gamit at agad din naman siyang nagbayad ng kanyang pamasahe.
Nang umalis na ang taxi ay laking gulat niya dahil may bumangga sa kanyang isang lalaki. He was wearing sunglass and look so neat and yummy.
"Watch where you're going," anito pa sabay pagpag sa damit nito na wala namang dumi.
"Excuse me!? Ako pa talaga ang may kasalanan!? Ikaw na nga itong bumangga sa akin!" inis niyang sagot.
"So? Don't f*****g cared," he bluntly answer at agad na itong sumakay sa magara nitong sasakyan.
Inis niyang napapadyak. Guwapo sana, bastos naman! Napa-irap siya sa kawalan.
"Neng, asa ka adto?" biglang tanong sa kanya ng isang matandang lalaki habang sakay sa habal-habal nitong sasakyan.
"Kuya, makaintindi kayo ng Tagalog?"
Ngumiti ito.
"Kaayo, kahibaw sad ko managalog," anito.
Napangiti siya.
"Malapit po sana sa Del Puerto Rancho," aniya.
"Ay walay kaso neng," anito.
Napangiti siya at agad din naman na sumakay.
"Ang dami na po pala nagbago dito," aniya pa habang napapatingin sa dinadaanan nila.
"Ay oo, lagi kasi pinupuntahan ng mga turista ang ilang lugar dito kaya medyo napaunlad din ng husto ang bayan," kuwento pa nito.
"Hindi ka tagarito neng?" usisa pa nito.
"Galing po akong abroad, sa Hong Kong, pero dito po ako ipinanganak. Pero purong taga Manilenya po ang Papa ko. Sa Manila po kasi nagtatrabaho ang Papa ko kaya napilitan po ang Mama ko na lumuwas. Pero medyo marunong naman po ako magbisaya. Nakasanayan ko na lang po talaga ang mag-Tagalog kasi lagi ko po kasama ang itay."
Tumango-tango naman ang kanyang kausap.
"Kung ganoon ay sinong kamag-anak pala ang titirhan mo dito neng?" muling usisa nito.
"Kay Lola Faustina Lopez po," sagot niya.
Nilingon siya ng matanda. Bigla itong nalungkot at hindi na sumagot pa. Bigla naman siyang nagtaka doon. Hanggang sa mahinto ang sasakyan.
"Neng, iyan ang bahay ni Faustina," anito nang marating nila ang lugar.
Nagulat siya. Tila yata'y kilala nito ang kanyang Lola Faustina.
"Neng, huwag ka na magbayad," nakangiti nitong ani at bigla na lang umalis nang makababa siya.
Napakamot siya sa kanyang ulo. Bigla yatang nagbago ang ekspresyon niyong matanda. Kumikit-balikat na lamang siya.
"Tao po! Lola Faustina?" malakas na tawag niya.
"Kinsa na?"
Isang may edad na babae ang bumungad sa kanya.
"Magandang umaga po, si Lola Faustina po ba nandiyan?"
Nagulat naman ang kaharap sa kanyang naging tanong niya.
"Hindi mo ba nabalitaan?"
Agad na kumunot ang kanyang noo.
"Dalawang linggo nang patay si Lola Faustina," anito. Nabitawan niya ang kanyang dalang bagahe dahil sa gulat sa kanyang narinig.
"H-hindi po totoo 'yan. Nag... Nagkausap pa kami ni Lola Faustina sa telepono noong..." Nasapo niya ang kanyang ulo. Pilit niyang inaalala kung kailan ba sila nagkausap ng kanyang Lola Faustina.
Nang hindi niya maalala ay wala na lamang siyang nagawa kundi ang humagulhol nang matindi.
Agad siyang nilapitan ng may edad na babae at hinagod ang kanyang likuran.
"Ikaw ba si Hannah? Nasabi sa akin ni Lola Faustina na may darating siyang apo mula sa Hong Kong. Ang huling habilin niya sa akin ay sa iyo ko iwan ang lahat ng mga gamit niya," paliwanag nito.
Hindi siya makapagsalita. Tanging malakas lamang na ungol at pagluha ang kanyang nagawa. Hindi siya makapaniwalang ganito ang aabutan niya. Kaya pala ganoon na lang katahimik ang matandang lalaki kanina dahil marahil ay kilala nito ang kanyang Lola Faustina.
Alam nitong wala na ang kanyang Lola Faustina at marahil ay ayaw din nitong masaktan siya kaya hindi nito sinabi agad ang isang masamang balita.
Tinulungan siyang makatayo ng may edad na babae.
"Maupo ka muna. Ikukuha lang kita ng tubig," anito.
Hindi pa rin siya umiimik. Tila yata'y nawasak ang mga plano niya. Gusto niyang makasama at maalagaan ang kanyang Lola Faustina ngunit hindi na pala niya ito inabutang buhay. Puno siya nang pagsisisi. Sana noong nakaraang taon pa siya nagpasya na umuwi ng Pilipinas pero dahil sa na-extend ang kanyang contract ay hindi niya na nagawang makauwi.
Malungkot niyang niyakap ang kanyang sarili. Kung hindi sana siya pumayag sa extension niya sa abroad, 'di sana'y nakasama niya ang kanyang Lola Faustina sa kahit konting panahon lamang.