Klanx's point of view Nakatitig lang ako sa paper works ko at hindi ko alam ang gagawin ko dahil iniisip ko palagi si Sydney kanina ko pa gustong galawin ang telepono dito at tawagan siya kung okay lang siya hayss. Hindi din ako nakakain dahil hindi ko pa tapos ang mga gagawin ko sa office dahil nadidistrak ako sa kakaisip ko kay Sydney. Bakit ang lakas agad ng tama ko sa babaeng 'yon? "Sir ito na po ang ibang paper works." binigay sa akin ng katrabaho ko ang sandamakmak na paper works kaya lalo akong napahawak sa ulo ko. "Aish!! Hindi ako makaisip!" sabi ko at napakamot pa ako sa ulo ko at ginulo ko ang buhok ko. "Okay lang kayo sir?" tanong sa akin ng ka trabaho ko at tumango lang ako at nag simula na ako mag sulat ng mga ibang idadagdag ko sa paper works na ipapasa ko din sa nakaka