Klanx's point of view Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng may nag kumot sa akin at naimulat ko ang isang mata ko at nakita ko si Sydney na paalis at paakyat ng kwarto at tinignan ko ang paligid ko at may nakahanda na isang kape. Mainit pa ang kape kaya napakurap kurap ako at naamoy ko ang isang bacon at egg at napatayo kaagad ako at nalaglag ang kumot na nilagay niya sa akin. Hindi naman pala ako matitiis nang asawa ko. Bago ko inumin ang kape ko ay tinignan ko muna ang nakalagay na stick note dito sa may lamesa. Kumain kana at wag nang maraming satsat hayaan mo muna ako sa kwarto ko ngayon. - Sydney Aba walang nakalagay na wife ngayon na may question mark at napangiti lang ako dahil wala na pala ang pinagkainan ko ng cake kagabi ibig sabihin ba nito napapatawad na niya ako? Na