Chapter 3

1643 Words
Klanx's point of view Nagising ako sa ingay sa labas dahil paulit-ulit na may kumakatok kaya napabangon ako at napabangon din si Sydney sa higaan niya. Sa sofa lang ako natulog dahil hindi pa ako sanay na may katabi ako. "Sino 'yong kumakatok?"tanong sa akin ni Sydney kaya may bigla akong naalala na pupunta pala dito ngayon ang Tatay ko at gustong makilala ang asawa ko kaya napatayo ako at sinabihan ko si Sydney na dito lang siya sa kwarto "Hindi ka lalabas dito sa kwarto mo Sydney hangga't hindi ako pumasok dito naiintindihan mo?"sabi ko sa kanya at napatango na lamang siya at sinet ko ang phone ko sa apps na nilalaro niya at binigay sa kanya "Maglaro ka muna habang hindi pa umaalis ang bisita na 'yon." sabi ko sa kanya at napatango lang siya at lumabas na ako ng kwarto ko. Nag ayos muna ako ng buhok ko at inamoy ko ang sarili ko kung amoy babae dahil malakas ang pang amoy ng Tatay ko na 'yon. Pumunta na ako sa may pintuan at binuksan ang pinto at laking gulat ko ng si Maxx at si Papa ang nandoon at napangiti sa akin si Maxx kaya napangiti din ako. "Ang aga niyo naman yata?"sabi ko sa kanilang dalawa at pumasok nalang bigla si Papa kaya naiwan kaming dalawa ni Maxx dito na nakatayo "Bakit ang aga niyo naman yata?"bulong ko sa kanya at tinignan ko si Papa na tinitignan ang kabuuang bahay ko "Nagpumilit 'yan kaninang umaga dapat nga si Xetho ang isasama niya eh!"sabi niya sa akin kaya napapikit na lamang ako at pumasok na si Maxx sa loob. "Nasaan ang asawa mo?"tanong sa akin ni Papa kaya iniba ko ang topic "Upo muna kayo Pa! Ipaghahanda ko kayo ng pagkain."sabi ko sa kanya at hindi niya ako pinansin kaya lalo akong kinabahan dahil baka sabihin niya gusto niyang makita ang asawa ko. "Gusto ko ang asawa mo ang mag luto ng agahan niyo."sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napatampal ako sa mukha ko paano ba 'to? Nagulat ako ng makarinig ako ng yabag ng paa at narinig ko ang pagsigaw ni Sydney galing sa itaas at nagulat ako ng makita ko siyang pababa ng hagdanan. "Lanx! Sino ba 'yong bisita bakit ayaw mong makita ko?"sabi niya sa akin. Bakit ganun 'yong pananalita niya at bakit parang naging seryoso? "Ah!--"binunggo ako bigla ni Maxx kaya nainis ako sa kanya, puta! Baka landiin pa nito ang asawa ko "Ako nga pala si Maxx Senfarco kapatid ng asawa mo! Ito naman si Papa ang tatay namin!"sabi niya kaya lalo akong napahawak sa ulo ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko ngayon "Ikaw ba si Sydney Addison?"tanong ni papa kay Sydney at parang naintindihan naman ni Sydney 'yon "Opo ako nga po bakit niyo po ako hinahanap?"tanong ni Sydney at lumapit sa Tatay ko kaya lalo akong nakaramdam ng kaba dahil baka kung anong sabihin ni Papa. "Ito ba ang asawa mo Klanx?"tanong sa akin ni Papa at tumango naman ako at pinalapit niya ako doon at pinagdikit kaming dalawa. "Mukhang bagay naman kayo at approve na kayo sa akin! Ipagluto mo ako ija!"sabi ni Papa kay Sydney kaya kumuno't naman ang noo ni Sydney sa sinabi ni Papa kaya inilayo ko na siya doon "Ah! Ano kasi pa wala pa kaming nabibiling mga pagkain. Ngayon pa lang namin balak mag grocery!"sabi ko at nagtakha naman si Papa kaya nagulat ako ng biglang humarang si Maxx sa pagitan namin "Oo nga pala Papa nakalimutan kong sabihin sa inyo na sasamahan ko 'tong dalawa sa apg grocery!"sabi ni Maxx kaya nakahinga ako ng maluwag buti naman at safe na ako sa mga kamay ni Papa "Ganoon ba o sige mauna na din ako may aasikasuhin pa akong trabaho ikaw nang bahala sa anak ko ija!"sabi ni Papa kay Sydney at tumango naman siya na akala mo naintindihan niya talaga eh nuh. Nang makaalis na si Papa ay naiwan dito si Maxx sa amin dahil nga baka mabuking kami at hindi pala totoo ang pinagsasabi namin sa kanya "Pasalamat ka life saver mo ako!"sabi ni Maxx at si Sydney naman nakatingin lang sa may pintuan kaya hinarap ko siya "Hindi ba sabi ko sayo huwag kang lalabas sa kwarto mo kanina?"pagalit ko sa kanya at ngumuso naman siya sa akin "Nalowbat na ang phone mo kaya lumabas ako para icharge sana eh kaso narinig ko ang boses mo na may kausap ka kaya naging behave ako."sabi niya sa akin kaya kumuno't ako ng noo marunong din pala siya mag behave? "Paano mo nagawang hindi magisip bata ha?"tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin kaya napapoker face ako "Sabi kasi sa akin ni Papa mag bebehave ako pag may bisita kaya ginawa ko 'yon hehe!" sabi niya sa akin kaya napangiti nalang ako sa kanya at tumingin naman ako kay Maxx na kanina pa nakatitig kay Sydney kaya humarang ako sa harapan ni Sydney "Balak mo bang agawin sa akin 'to?" tanong ko sa kanya at ngumisi naman siya sa akin kaya napangisi din ako sa kanya "Hoy! Mas gwapo pa ako sayo hindi siya ang mga tipo ko ito naman akala naagawa ng lollipop! hahahaha!" sabi niya at sabay tumawa ng malakas kaya itinulak ko siya "Umuwi kana baka masapak pa kita dito!"sabi ko sa kanya at tumawa naman siya habang lumalabas ng bahay namin Pagkalabas ni Maxx sa bahay namin ay agad kong tinignan si Sydney na nakatingin sa akin kanina pa kaya nagkatitigan kaming dalawa. "Kumain ka nalang ng natirang pagkain sa ref natin kailangan ko nang pumasok late na ako"sabi ko sa kanya at tumango naman siya kaya tinap ko ang ulo niya "Sa susunod susundin mo ang mga sinasabi ko sayo." sabi ko sa kanya habang naglalakad ako papuntang banyo Naligo na ako at pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng banyo at tinignan ko ang paligid kong nasaan si Sydney at naabutan ko siyang naglalaro ng Blowing bubble doon sa may playground na sa kanya. Napangiti ako ng nakangiti siya habang naglalaro niyon kaya kinuha ko ang phone kong nakalagay sa may lamesa at kinuhanan ko siya ng picture. Nilagay ko siya sa wallpaper ko at umakyat na ako sa taas para mag bihis, pagkatapos kong magbihis bumaba na din ako para magpaalam sa kanya na aalis na ako. "Sydney!" "Bakit?!" Nakita ko siyang bumaba sa tinutungtungan niya at lumapit sa akin na basa pa ang mukha niya dahil sa bubbles na pinaglalaruan niya kaya pinunasan ko 'yon "Aalis na ako papasok na ako sa trabaho dito ka lang ah huwag kang lalabas" sabi ko sa kanya at tumango naman siya at tinap ko na ang ulo niya sabay aalis na sana ako ng hawakan niya ang sleeves ko. "Iyong goodbye kiss?"tanong niya sa akin kaya agad na naginit ang pisngi ko at bigla niya akong hinalikan sa may pisngi. "Bye bye!"sabi niya sa akin kaya napangiti ako sa kanya at tuluyan na akong lumabas ng bahay at sumakay na ako ng kotse at nagmaneho na ako. Habang nag mamaneho ako ay napatingin ako sa daanan at ang daming batang nag lalaro sa kalsada kaya napangiti na lamang ako dahil ganoon din ang ginagawa ni Sydney sa bahay namin ngayon. Nakarating na ako ng kompanya at sinalubong kaagad ako ni Mr. Addison kaya napahinto ako as harapan niya at yumuko ako para mag bigay ng galang "Kamusta ang anak ko?"tanong niya sa akin "Okay naman po maayos po ang kalagayan niya."sabi ko sa kanya at tumango tango naman siya at niyaya niya na akong pumasok sa loob Hindi ko inakalang tataas ang posisiyon ko sa pagiging assistant manager pataas na sa posiston niya kaya magkatabi na kami ng opisina. Dahil ba 'to kay Sydney? Umupo na ako sa swivel chair at habang binabasa ko ang paper works ko ay may nag bubulungan sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanila at umiwas kaagad sila ng tingin sa akin. "Hindi ba siya si Klanx Senfarco? asawa ng anak ng manager natin?" "Oo siya nga! Isip bata ang asawa niya hindi ko alam kung bakit pumayag 'yan!" "Tanga 'yan dahil habol niya lang ay ang posisiyon na binigay sa kanya ngayon" Nainis ako sa mga pinagbubulungan nila kaya napatayo ako at nagulat ang lahat. Sa lahat ng ayaw ko ay 'yong pinagsasabihan nila si Sydney na 'isip bata' na kahit sinasabi ng puso ko ay hindi naman "She's not childish! Can you just work or else i'll fired you all!"sabi ko s kanila at agad naman silang umiwas ng tingin sa akin at nag sibalikan sa mga ginagawa nila. Kaya napaupo na ako at napabalik ako sa ginagawa ko pero bago ko 'yon mabasa ay may nag bubulungan nanaman sa gilid ko "Hindi ba 'yon ang anak ng manager?"laking gulat ko ng marinig ko 'yon kaya napatayo ako at napatingin sa entrance at laking gulat ko ng si Sydney may hawak na stuff toy at parang hinahanap ako. Bakit may dala siyang parang pagkain? Agad akong napatakbo at lumapit sa kanya para hindi siya makita ng ibang katrabaho ko at kumuno't naman ang noo niya dahil sa ginawa ko "Bakit pumunta ka dito? Paano mo nalaman dito?"tanong niya sa akin "Nagpahatid ako sa bodyguard hehe! Nakalimutan mong dalhin kanina pa 'yan sa ref malamig na kaya ininit ko ulit!"sabi niya sa akin at nanlaki ang mga mata ko ng maamoy ko ang bango ng ulam kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti siya sa akin "Wag kanang mag alala sa akin magpapahatid ako sa bodyguard ulit hehe sige bye bye! Ingat sa pag uwi Lanx!" sabi niya sa akin at tumakbo siya na parang bata kaya wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa office ko at ilagay 'yon doon. Tumingin ako sa nakalagay na stick note doon. Aba't marunong pala 'yon mag sulat? Napangiti ako ng may 'yon Fighting Lanx! i love you -Wife? Natawa ako dahil may question mark pa 'yong 'wife' na sinulat niya kaya wala na akong nagawa kundi ang kainin ang pagkain na dinala niya sa akin. Masarap naman at hindi sunog ang pag kakainit niya. I really told to myself that she's not childish. She's just sick and i need to know that. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD