Klanx's point of view
Papunta kami ni Sydney ngayon sa lumang bahay ko dahil sinama ko siya. Ang sabi niya ilibre ko daw siya ng pagkain ngayon at natawa nga ako dahil ang suot niyang damit ay 'yong dora tapos nakabag pa siya ng maliit at nakarubber shoes na kulay pink tapos may sumbrero pa siya at nakasalamin pa na parang glasses.
"Talaga bang ganyan ka manamit?"tanong ko sa kanya at tumango siya habang nag lalaro ng apps doon sa phone ko
"Oo pag may lakad kami nila Mama at Papa ganito ang suot ko hehe bakit ayaw mo ba?" tanong niya sa akin at umiling naman ako at tumingin sa dinadaanan pero kahit ako hindi makapananiwala sa nakita ko sa labas kanina. May kotse ako at buti nalang marunong ako mag maneho
Dahil dati tinuruan ako ni Maxx kung paano mag maneho buti pa nga 'yon may kotse ako talaga ang wala dahil ang sabi ko sa Tatay ko na ako lang ang mamumuhay sa sarili ko kaya ayan, ako nga lang ang tumayo sa sarili kong mga paa at ngayon may asawa ako kaso nga lang childish
Nakarating na kami sa lumang bahay ko at nag parada ako sa maluwag na puwesto at nang makahinto na lumabas na ako ng kotse at pinagbuksan ko pa ng pinto si Sydney at agad naman siyang bumaba at tumingala para tignan ang bahay ko
"Dito ka nakatira dati?"tanong niya sa akin
"Oo mahirap lang kasi ako." sabi ko sa kanya at tumango tango siya at pumasok na kami sa loob at pagbukas ko ng pinto ay may bumaksak sa amin dalawa kaya agad kong niyakap si Sydney para ako lang ang tamaan.
"Dapat pala doon ka nalang sa labas muna at antayin ako."sabi ko sa kanya at narinig kong tumawa siya ng kaunti at mahina lang 'yon at ako lang ang nakarinig.
"Ang bango mo Lanx hihi"sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napakalas na ako ng pagkakayakap ko sa kanya at nakita kong namumula ang pisngi niya kaya naramdaman ko ang pag init ng tenga ko at pinag pupulot ko na ang mga librong nakakalat sa sahig.
Naalala ko may pag ka isip bata nga siya pero alam ko sa loob niya may pagmamahal na nabubuo doon at baka mahalin niya ako at malaman niyang asawa ko na talaga siya at--
Puta! Bakit ko ba iniisip kaagad ang kama na 'yan? Alam kong maganda at sexy si Sydney pero hindi ko siya pagsasamantalahan hangga't hindi namin nacoconfirm ang sarili namin nararamdaman sa isa't isa
"Tulungan na kita diyan Lanx!" sabi niya sa akin at pinag pupulot niya ang mga libro at parang nabibigatan siya kaya inagaw ko 'yon sa kanya
"Bumalik ka nalang sa kotse, ayokong napapagod ka." sabi ko sa kanya at naisip ko at saan lupalop ko nasabi ang mga ganyang linya? Takte naiinlove na yata ako sa kanya.
Tumango siya at sabay halik saakin sa pisngi kaya napahinto ako sa pag aayos ng librong nakakalat at mga papel at napatingin ako kay Sydney na papalabas ng bahay ko at biglang nag init ang buong katawan ko.
Shit naman! Bakit ang lakas nang tama ko kaagad sayo? Ganyan ba talaga epekto ng mga isip bata? Magaling din mag mahal at mag lambing? Umiling iling ako at nang matapos ko nang mailigpit lahat ng libro ko ay kinuha ko ang ibang damit ko sa aparador at lumabas na ako ng bahay.
Nakita ko siyang nakatayo doon sa hindi kalayuan kaya lumapit na ako sa kanya at binunggo ko siya kaya napanguso siya sa akin at ngumiti lang ako sa kanya ng malawak.
"Kakain na ba tayo?" tanong niya sa akin at tumango ako.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ko sa kanya habang pinapasok ang mga gamit ko sa loob ng kotse
"Sa Jollibee!"sabi niya like seriously? Isip bata nga talaga siya kaya hayaan ko nalang pagbigyan, asawa ko 'yan eh.
Pumasok na kami sa loob ng kotse at inayos ko pa ang seatbelt niya sabay ngiti niya sa akin at nag laro ulit siya ng apps sa phone ko kaya nag simula na ako mag maneho.
Habang nagmamaneho ako napapatingin ako sa kanya at tinititigan ko minsan ang labi niya dahil sobrang kissable nito at pula nito kaya napaiwas ako ng tingin ng tumingin siya sa akin.
"May dumi mukha ko?"tanong niya sa akin at umiling naman ako.
"Wala, mag laro ka lang diyan."sabi ko sa kanya at nang makarating na kami sa Jollibee ay hininto ko na ang kotse at lumabas na ako at pinagbuksan ko ulit siya at kinalas ang seat belt niya.
"Here i come Jollibee!" narinig kong sabi niya kaya napangiti na lamang ako.
Pagpasok namin sa loob bigla niya akong hinila kaya nag tinginan ang mga tao sa amin at may tinuturo siya na may kasamang laruan ang bibilhin ko.
"Gusto ko niyon Lanx! Bilihan mo ako dali!"sabi niya sa akin at napangiti lang ako
"Sige maghanap ka na nang mauupuan natin." sabi ko sa kanya at tumango naman sabay takbo na parang bata kaya natawa ako ng mahina
Ako na ang susunod na magoorder at inorder ko ang tinuro niya at ang sabi wala na daw stock ng manika na 'yon kotse kotsehan na lang daw ang meron kaya wala na akong nagawa kundi ang kunin ang kotse kotsehan na 'yon.
Hinanap ko siya at nakita ko siya doon sa may tapat ng aircon at kumaway pa sa akin at paglapag ko ng tray at bigla siyang nagulat at kinuha ang laruan na binili.
"Bakit ito ang binili mo? Sabi ko 'yong manika eh!!"pagdadabog niya kaya napatingin dito lahat ng tao at hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa pagdadabog niya
"Wala na daw stock 'yong manika kaya ayan nalang daw pwede naman 'yan eh laruan din 'yan."sabi ko sa kanya at bigla siyang umiyak ng sobrang lakas kaya halos marinig ko na ang bulungan ng mga tao.
"Girlfriend niya ba 'yan?"
"Gaga mag boyfriend/girlfriend talaga!"
"Isip bata ba 'yong babae?"
Tumingin ako kay Sydney na umiiyak pa rin kaya wala na akong nagawa kundi ang halikan siya para manahimik siya at gulat na gulat siya sa ginawa ko at pag kalas ko ng halik sakanya hindi na siya umiyak.
"Mamayang pag uwi natin mag lalaro tayo kaya huwag kanang umiyak."nauutal ko pang sabi 'yon at napahawak ako sa labi ko at tumingin sa mga tao na ngayon hindi na kami pinagbubulungan.
Parang nasaktan kasi ako ng marinig ko ang salitang 'isip bata' para bang ako 'yong nasasaktan at hindi si Sydney. Oo asawa niya ako at hindi na normal ang nararamdaman ko para sakanya
"Talaga!?"sabi niya at pinunasan ang pisngi niya gamit ang kamay niya kaya ngumiti ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya
"Oo kaya kumain ka nang marami para marami kang energy okay?"sabi ko sa kanya at tumango naman siya at nang makarating na dito ang order namin ay agad siyang kumain.
Habang kumakain ako tinignan ko siyang kumain bata siya kung kumain nakakalat na sa pisngi niya ang ice cream na inorder ko pati ang ketchup meron din sa mukha niya kaya pinunasan ko 'yon gamit ang thumb ko at napahinto siya
"Kain ka lang." nakangiti kong sabi sa kanya at pinakita niya ang chicken na wala nang laman at buto na lang kaya ngumiti ako sa kanya at uminom na siya ng softdrinks.
*Burps*
"Excuse me." bulong ko at kumuno't naman ang noo niya ng sabihin ko 'yon dahil alam kong hindi naman niya alam kung pano mag excuse pag didighay.
Nang matapos na din akong kumain niyaya ko na siyang umuwi dahil maaga pa ang pasok ko bukas buti nga nakapagpaalam ako ng maayos sa Tatay ni Sydney kung hindi baka mapagalitan pa kaming dalawa.
Nang makauwi na kami sa bahay ay agad na tumakbo papasok sa loob si Sydney at nag tanggal ng sapatos pati na rin sumbrero niya at laking gulat ko ng mag tanggal siya ng damit at short kaya napasigaw ako
"Sydney doon ka sa kwarto natin mag bihis!" sabi ko at kaunting sumilip ako at nakita kong nakapanty lang siya at nakabra lang kaya napapikit ako.
"Bakit? Eh sabi mo maglalaro na tayo kaya magbibihis na ako dito para makapaglaro na agad tayo."sabi niya sa akin kaya lumapit ako sa kanya at nakapikit akong binuhat siya
"Waaaaaaaa bakit mo ako binuhat?!"sabi niya at dinala ko siya sa taas buti nalang kabisado ko na ang mga daan papunta sa kwarto namin at pinasok ko siya doon sa loob at napadilat na ako dahil nasarado ko na ang pinto.
Nakahinga ako ng malalim at pumunta sa sala para uminom ng tubig at pagkatapos niyon narinig ko ang yabag ng paa niya na parang tumatakbo kaya pag lingon ko sa hagdan nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin.
"Tara mag laro tayo ng clay!"sabi niya sa akin kaya napangiti ako at umupo kami sa may lapag at nilatag niya ang isang box ng clay at kumuha siya ng sa kanya.
"Ano gagawin natin sa clay?"tanong ko sa kanya at may pinakita siyang ginawa niya at korteng heart 'yon.
"Heart gawin mo tapos lagyan mo siya ng S at sa akin K."sabi niya sa akin kaya napangiti na lamang ako dahil first letter namin 'yon at ginawa ko nga pag tapos namin gawin 'yon pinicturan namin 'yon.
"Inaantok kana ba?"tanong ko sakanya
"Hindi ka pa inaantok eh, gusto ko sabay tayo matulog."sabi niya kaya napatingin ako sakanya na humihikab na kaya pinitik ko ang noo niya at nagulat naman siya
"Matulog na tayo para sayo aantukin ako."sabi ko sa kanya at napangiti naman siya kaya pumunta na kami sa kwarto namin at humiga kami ng sabay sa kama
Biruin niyo 'yon nasabi ko ang mga salitang 'yon? Saan lupalop ko ba nalaman 'yon at nasabi ko sa kanya 'yon? Talaga bang malakas na ang tama ko sa kanya?
Nakatulog na siya ng ilang minuto kaya tumayo ako at naramdaman kong nag vibrate ang phone ko at nakita kong tumatawag sa akin si Maxx kaya sinagot ko 'yon.
"Ano kailangan mo?"tanong ko sa kanya at lumayo ako sa higaan ni Sydney.
[Nasabi ko na sa Tatay natin na may asawa kana at gusto daw niyang makilala ang asawa mo pero teka bro ang sabi ng manager niyo isip bata 'yon?] sabi niya kaya nakaramdam ako ng inis ng sabihin niya 'yon
"She's not childish, she's just sick."sabi ko sa kanya
[Wee? Totoo ba 'yan baka nainlove kana diyan kuya?]tanong niya sa akin at napatingin ako kay Sydney na mahimbing ang tulog.
"Yes! I like her now so don't you dare call her childish anymore or else i'll forget about you." sabi ko sa kanya at inantay ko pa ang sagot niya
[Gwapo mo talaga kuya! Ikaw na talaga! Sige bukas daw pupunta si Papa diyan sa bahay niyo. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman.]pagkasabi niya niyon ay binaba na niya kaagad ang tawag kaya hindi na ako nakasagot
Paano kung malaman niyang isip bata si Sydney? Baka paghiwalayin kami at malalagot ako sa Tatay ni Sydney nito! s**t kailangan kong maghanda at sabihin kong may sakit si Sydney bukas.
**