CHAPTER 17 CASSY’S POV “CASSY!” excited na sigaw ni Charlene sa akin pagkuwan ay hinagkan ako. Humiwalay siya ng yakap at hinarap ako. She looks so happy. Ano ba mero’n? “Grabe sikat ka na! Halika ka may ipapakita ako sa’yo,” aniya nang hinalin ang pulso ko palabas ng TVC building. “Nakikita mo ba ‘yon?” Pagtuturo niya sa likuran ko kaya umikot ako at nanlaki ng mata dahil nakakabit ang poster namin ni Dylan sa malaking billboard na ‘yon. “Omg! Charlene!” mangha kong sabi habang nakatingala sa itaas. “You won’t believe mo. Halos lahat ng billboard dito or everywhere in Manila nakikita ko mga mukha niyo ni Dylan.” Humarap ako kay Charlene at nginitian ko siya nang marinig ko ‘yon. “Talaga?” “Oo!” Sa totoo lang, hindi ko pa pinapanuod ang advertisement namin sa King and Queen Coff