CHAPTER 18 CASSY’S POV HINDI ako makatulog nang maayos dahil sa sinabi ni Nanay Tanya kanina. Parang sirang plaka na paulit-ulit ito sumasagi sa isip ko na hindi tunay na anak si Dylan. Obvious naman siguro ‘yon, Cassy hindi ba? I mean look at Nanay Tanya, parang ang layo naman ng mukha niya sa mukha ni Dylan. Mabilis kong kinuha sa drawer ang King and Queen Coffee sachet at pinagmamasdan ko si Dylan do’n sa picture na iyon. “Ang layo nga nila ni Nanay Tanya. Mukhang may lahing American si Dylan. Saka nag puti rin niya at kayumanggi si Nanay Tanya—ang layo ng hitsura nilang dalawa,” aniko sa sarili ngunit napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang litrato na iyon. I don’t know, maybe gandang-ganda ako sa picture namin. “Mukha naman kaming bagay, hindi ba?” Nang ma-realize ko nang sa