Kinaumagahan pagkagising ko ay walang duty sa OJT kaya feel kong pumunta muna sa university. Kaya agad akong naligo, nagsipilyo, at nagpaganda saka tinawagan si Rainer.
"Sorry, hindi ako pwede. Kasama ko yung nanay ko at nag-birthday ako sa Jollibee."
"Babe, seryoso ka? Sa edad mong iyan? 25 ka na tapos nagbi-birthday ka pa at sa fast food pa? Ano iyan? Children's party?"
"Paola, iyon kasi ang sabi ni Mama! Ayaw ni Mama sa McDo! Sorry talaga, di kita maihahatid sa uni n'yo. Promise, babe, babawi ako next time."
Nakakabuwisit kaya ibinaba ko na ang linya. Utang na loob naman. Okay pa sana kung sa McDo siya nag-birthday, pero bakit sa Jollibee pa! Ayoko sa present boyfriend kong si Rainer dahil saksakan ng pagka-Mama's Boy. Nadulas nga siya isang araw nang sinabi niyang pinaliliguan siya ng Mama niya at nilalabhan ang mga brief niya kada linggo.
Wala akong choice kundi pumunta na lang ako roon mag-isa at ginamit ko ang kotse kong Jaguar. Letse! Ang mahal pa naman ng gasolina! Kuripot ako eh. Pero hindi sa mga mahal ko.
***
Pagkababa ko sa uni, nakaka-nostalgia talaga. It's been a year. I am now 26 years old at hinihintay ko lang ay makapasa ng board exam para maging licensed nurse.
Si Maryan, naroon sa America, nagpatuloy ng pag-aaral habang buntis dahil gusto niyang maka-move on sa asawa niyang nawala. Si Kaye naman, buntis na naman sa pangalawang baby kaya on-off ang pag-aaral sa uni. Gustuhin man niyang tapusin ang kolehiyo at magka-diploma eh hindi natutuloy dahil biglaan na lang siyang nangingitlog, kaya ayun! Si KC naman ay magkasama sila ng asawa niya at four months nang buntis.
Ang dami nagbago. Maliban lang kay Ritchie. Palala nang palala at pakalbo nang pakalbo. Nagiging kahawig na niya si Boy Abunda.
Pagkaupo ko sa may canteen table ng uni, kinuha ko agad ang aking Black Bat na flavored yosi. Naupo naman sa harapan ng table ko si Ritchie.
"Hey, girl! Grabe! Tayo na lang natitira, bakla! Buti, di mo ako iniwan!"
"Kaya nga, bakla! Oh, wait! Si Agustina iyon ah? Yung pinsan mo. Papalapit sa atin at may mga kasama," pagtataka ko at grupo pa silang mga may dating ang fashion?
Nang nasa harapan na nila kami ay nagpakilala at nagmayabang sa amin ni Ritchie ang isang mukhang baby prostitute.
"Look who's here! Ang isa sa mga member ng palaos na grupo ng university natin na Fancy Girls! Si Miss Paola Contis Salsalani!" pagyayabang niya.
"Bakit kilala mo ako? At sino ka? Bawas-bawasan mo yung makeup mo. Para kasing sinubsob ka sa harina," usal ko.
"s**t naman! Di mo ako kilala? This is ridiculous! By the way, I'm Amber. The leader of the newest bitches in this campus and we are the RGB. Kami ang pinakanangunguna at pinakasikat na girl group ngayon dito sa DJEB university at talo na namin kayong mga Fancy Girls pagdating sa kasikatan dahil pulos na kayo mga kabayong bundat at trying hard! Saan ang leader n'yo ngayon? Di ba, biyuda na at sa America na raw nag-aaral! Maryan is her name, right?"
Medyo nag-init ang ulo ko sa baguhang ito. Kung makaasta ay wagas. Name pa lang niya, name ng nangangahoy dahil Amber daw. Parang lumberjack.
"I'm taking the course of graphic designer, and this is my minions. Agustina, Riza, and Sheryln!" usal ulit ni Amber na parang may pake ako.
"To tell you frankly, ang baduy ng name n'yo. Parang kulay sa Adobe Photoshop. Di na ako magtataka kung retokada ka dahil parang Photoshopped ang mukha mo. Pulos siguro kayo filtered dahil puro fake. Kung di ako nagkakamali, si Riza ay yung pinagpipilitang pumasok sa grupo namin dati na halos mangisay sa pagpo-pole dancing sa kuwento ni Kaye, right?" Sa sobrang pikon ni Riza, aatakihin niya sana ako ng sampal ngunit bigla siyang pinigilan ni Amber.
"Mind her, Riza. Huwag kang pumatol sa palaos na grupo. Don't you know whats RGB means? It means Ragdoll Got Balls," bulalas na naman ni Amber sa akin.
"Aahh! Kaya pala mukha kayong bakla!" Sa sobrang buwisit niya ay aatakihin na niya ako ng sampal ngunit bigla siyang pinigilan ni Ritchie.
"Don't you dare touch her or else, you're dead!" pandidilat ni Ritchie kaya bumitiw na si Amber. Hindi ko alam kung bakit binu-bully nila ako ngayong mag-isa lang ako rito at bumibisita lang sa uni. Wala naman akong atraso sa kanila, so I don't get it? Kaya tinuloy-tuloy ko na lang yosi para magtimpi.
Tiningnan muli ako ni Amber nang kakaiba. Kulang na lang ay lamunin niya ako nang buhay. Binangga pa niya ako para mag-giveway kasama ang mga slut niyang grupo na sina Riza at Sheryln. Mga na-reject dati ni Maryan. Ito naman kasing si Maryan. Tsk.
Nilapitan namin saka binulungan si Agustina na pang-apat sa RGB. Pinsan kasi siya ni Ritchie.
"Sino iyon? Diyos ko! Ang yabang! Bakit niya kami binu-bully?" bulong sa kanya ni Ritchie.
"New student si Amber galing sa Italy. Half-Italian din. Binuo niya ang RGB dahil attention-w***e siya," paliwanag na bulong sa amin ni Agustina hanggang sa iniwan na kami nito at sumunod na patakbo sa mga kasama.
"Muder! Sarap ng kape nila. Parang kapeng barako, Dios mio!" usal ni Ritchie pero di ko na siya pinapansin dahil ayaw bumitiw ng mga mata ko doon sa mga RGB kuno.
Nakita na lang namin sa malayo na may kanya-kanya silang partners na grupo din ng mga lalaki. Si Ethan, Max, at pati yung kakakulong lang na si Amer? Lahat na yata ng basura ng Fancy Girls, sa kanila napunta. Dapat ang pangalan na lang nila, Garbage Collectors. Shetz! Napahilot ako ng ulo bigla.
"Muder! Alis muna pala ako. Puntahan ko si Veda!" paalam ni Ritchie na tila nagmamadali.
"Sino iyon? Iyon ba yung manghuhulang babae na isinulat ni JFstories?" Di na ako sinagot ni Ritchie. Nakipagbeso-beso na lang.
Bigla na lang ako nagulat na yung tasa ni Ritchie ay naubos. Ginawa ko kasing ashtray ng yosi ko iyon tapos tinungga pala niya.
"Hey! Paola?" sabi ng isang boses. Pagkatalikod ko ay si Camille.
"Ano'ng pakay mo sa akin Camille?"
Bigla niyang hinila paharap ang isang batang edad anim na taon na tila takot na takot sa maraming tao sa paligid, ngunit nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya sabay sigaw ng "Mama! Mama! Ikaw ba iyan?"
Sobra akong inakbayan ng batang babaeng iyon kaya pilit din akong umiwas.
"Oh my god! Paola? Anak mo?" laking gulat na tanong ni Camille.
"Hindi ah! Tigilan mo nga ako, bata ka, at bitiwan mo ako!" todo iwas kong pasigaw.
"Eh ikaw naman ang hanap niya. Sabi niya, hinahanap niya si Paola Contis Salsalani dahil yung pangalan daw na iyon ang sinabi sa kanya ng lola at lolo niyang namatay sa shoot-out sa Iran kamakailan."
Pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi niya ay tila nanghina ako. Binalot ako ng kalungkutan. Nanghina ang sikmura at tuhod ko at tila nasaksak ng kung ano ang naramdaman ng puso ko. Bumigat ang paghinga ko at hindi ko man lang namalayan na pumatak ang aking mga luha at natulala ako sa aking nadinig.
"Come on, Paola! Doon muna kayong mag-ina sa bahay ko. Malapit lang siya rito sa university natin. Tara! Hatid ko na kayo sa kotse! Sorry for the news, Paola, kung totoo man ang sinasabi ng batang ito," aya ni Camille.
Di naman ako tumanggi dahil binigla ako ng balita niya.
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ni Camille ay doon ko ibinuhos ang luha ko kaya't naiyak din ang batang iyon.
"What's your name, baby girl?" Tinanong naman siya ni Camille.
"I'm b***t Salsalani po."
"Huh? Seryoso ka?" tanong ni Camille na nagtataka.
Agad nag-init ang ulo ko nang marinig ko iyon. Yung tipong sobra akong naiiyak sa mga magulang ko dahil nawala sila ay napalitan ng pagkasuklam. Iniiwasan at pinagtatawanan ko ang mapapanghing pangalan nina Clit at Halle na mga kaibigan ko ngunit hinigitan naman ito nina Mama at Papa dahil ang ipinangalan nila sa first apo nilang anak ko ay iyon!