Chap. 5

1426 Words
Pagkatapos ng gabing iyon, pinatulog ni Paola ang anak niyang si b***t sa banyo para parusahan dahil sa pagsisinungaling na patay ang mga magulang niya at walong taong gulang na pala ito. Yakap-yakap ni b***t ang unan niya at nakahiga sa bath tub habang humihikbi sa iyak ay tinawagan na lang niya ang lola at lolo niya. "Lala! Pinatulog ako ni Mommy dito sa banyo!" hagulgol ng bata. "Ano? Ginawa niya iyon? Huwag kang umiyak, anak. Parurusahan namin ang ina mo! Napakawalang kuwenta niya. Kaunting tiis lang at uuwi din kami diyan. Magre-retire na sa trabaho ang Abbie mo!" sigaw ng ina ni Paola sa cell phone. Nagulat na lang si b***t nang mabuksan ang pinto nang hatinggabi. Tila namumula ang mga mata ni Paola at magulo ang buhok habang lumuluha. "Hindi kita matiis, b***t. Tara, huwag ka na lang diyan matulog at sa kuwarto ko na lang ikaw matulog." Mas lalong napaiyak si b***t at agad napatayo sa kinauupuan niyang bath tub saka napayakap nang sobrang higpit kay Paola. Agad niyang dinala ang anak sa loob ng kuwarto niya. "Paola! Paola! Nakakatakot dito sa kuwarto mo! Ang daming mga nakakatakot na retrato at mga manikin. Doon na lang ako sa loob ng banyo matutulog!" "Hanep ka rin, ano? Walang bawian! Dito at dito ka matutulog, letse! Pagkatapos nating magdramahan kanina, uurong ka? At saka, tama si Ma at Pa! Responsibilidad kita kaya dito ka matulog sa tabi ko!" "Mayroon naman pong isa pang bakanteng kuwarto sa kabila, Paola, eh!" sigaw ng bata. "Mas hindi kita papayagan doon sa kabila dahil kapag sinabi kong dito ka, dito ka na. Understand? Siya nga pala, aalis ako at ikaw na ang bahala sa bahay," wika ni Paola. "Bakit?" "Rakista ako sa gabi. May gig ako." "Pwede akong sumama, Paola?" "Hindi pwede ang bata roon. At saka, pwedeng Ate na lang? Wala ka kasing modo kapag Paola." "Ayoko! Paola ang gusto kong itawag sa iyo! Is that clear? Mag-aalas-dose na! Matutulog na ako." Sa sobrang inis ni Paola ay hinubad na niya ang tsinelas niya. "Sige! Isa pang Paola diyan at tsitsinelasin ko na iyang airport mong noo!" Naluha ulit si b***t na napatigil sa pagdadaldal. Pumasok na si Paola sa loob ng banyo para maligo, ngunit ang di niya alam, inilagay ni b***t ang dalawang unan sa kama para kunwari ay siya iyon na tulog na. Pagkalabas ni Paola sa banyo ay nakita niya ang kama at ang unan na tinalukbungan ng kumot. "Buti naman at natulog ka nang tiyanak ka," nakangiting sinabi ni Paola na inaakalang si b***t iyon. Pagkababa niya sa hagdanan ay dahan-dahan siyang sinundan ni b***t hanggang sa makarating na sila sa labas ng bahay. Mautak na bata si b***t kaya di talaga siya nagpahuli sa ina. Nagtatago siya kapag tumatalikod si Paola at lumilingon-lingon. Nang naroon na si Paola sa harap ng kotse niya ay bigla siyang napahinto. "s**t, yung electric guitar ko, naiwan ko! s**t na-amnesia na naman ako. Putragis!" Agad iniwan ni Paola ang kotse kaya't pumasok sa loob si b***t. Pagbalik ni Paola ay ipinasok niya roon ang dala niyang electric guitar saka siya sumakay at pinalarga na ang kotse. *** Nakarating na siya sa bar kung saan siya tumutugtog. Bumaba na rin siya habang nasa loob pa rin si b***t at iniwan ito. Makalipas ang isang oras ay tila nagsisisi na ang batang babaeng si b***t dahil ang init na sa loob ng sasakyan. Lahat pa ng makita niyang galing doon sa lugar kung saan pumasok ang mama niya ay mga nagsusuka at mukhang clown dahil makakapal ang eyeliner at parang isinubsob sa harina. Mga nakikipaglaplapan, nagyoyosi, at sa kanyang utak ay tila nakipaglampungan sa kanal dahil sa itim na lipstick ng mga tao. Kasama rin doon si Paola na mama niya. Kaya nagtataka ang bata kung anong klaseng lugar ang napasukan ng mama niya. Biglang pumasok si Paola kasama si Rainer sa loob ng kotse. Pagkaupo nila at hahalikan na ni Paola ang boyfriend ay bigla siya nitong pinigil. "What?" "Ayokong makipaglaplapan sa iyo. Gusto ko, before marriage!" "Hindi naman s*x eh! Kiss lang, diyos ko naman! Lalaki ka ba o bakla? At saka, girlfriend mo ako, 'no!" sigaw ni Paola. "Sabi kasi ng mama ko, mas mabuti pang huwag dahil baka mauwi tayo sa s*x?" alibi ni Rainer nang bigla silang may marinig. "Ano yung s*x?" Narinig nila na boses bata. Pagtalikod nila sa backseat ay halos atakihin na sa puso si Rainer pagkatapos niyang makita si b***t. "Oh God! Who are you and what are you doing in my girlfriend's car, little girl!" tanong ng binata. "I am b***t, Paola's one and only daughter!" sagot naman ng batang babae kaya't nanlaki ang mga mata ni Rainer. Namutla naman sa kahihiyan si Paola na halos hindi alam ang sasabihin at gustong itago ang mukha. "Paola! Totoo ba ang sabi niya?" nagtitimping tanong ng binata. Hindi rin makasagot si Paola at napatungo ang ulo para pigilan ang luha. "Damn it! Answer me? Since when ka nagkaanak?" Mas lalong nilakihan ni Rainer ang boses niya. Nakatungo pa rin si Paola at nakaamin. "Since I was 18. It was a mistake!" At di na niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha. Agad may inabot si Rainer sa kanyang bulsa habang umiiyak ito at ipinakita sa dalaga. "Look! Can you see this? I am even planning to surprise you for a proposal tapos ito ang malalaman ko? Nawalan na ako ng gana. I am not interested to be a stepfather. Ako ang kawawa kapag pinakasalan kita kasi ang gusto ko, ako ang magiging ama ng panganay mo! This relationship won't last! I'm sorry, Paola! Break na tayo!" At itinapon niya ang singsing sa labas ng pintuan ng kotse saka bumaba palabas na nagdadabog. Nakatungo lang si Paola at sunod-sunod na bumuhos ang kanyang mga luha. At nang hahawakan siya ni b***t ay napasigaw siya. "Huwag mo akong hawakan! Kasalanan mo bakit nangyayari ito! Kung di ka pasaway, di ako iiwan ni Rainer!" iyak na sigaw ni Paola. Nanghinayang ang bata. Nagulat na lang si Paola nang bumaba ito sa kotse at tumakbo papalabas. Noong una ay di pinansin ni Paola. Ngunit nang nasa malayo na ang anak niya ay nagulat siyang parang may isinisigaw ito sa malayo na nakangiti pa. Tatawid na sana ito nang biglang may dumaang tricycle at nasagasaan si b***t. *** Isinugod ni Paola si b***t sa hospital habang umiiyak siya. Tanging nakita niya ay ang hawak-hawak ng anak niya—ang wedding ring na itinapon ng nobyo niya. Di niya alam bakit naiiyak siya. Though, she must be happy for the accident because she despised her daughter. Siguro nga ay dahil takot siya sa anumang sabihin ng kanyang magulang. Kahit atheist siya ay naghanap siya ng madadasalan. Dahil walang Mosque sa tabi ay nakita niya itong isang chapel. Pagkapasok niya ay tila kinikilabutan siya bakit niya nagawang pumasok at humingi ng tulong sa kung sinumang panginoon na kinamumuhian niya dahil sa pangambang nadarama sa anak. Hindi niya inaakalang magtatagpo muli sila. Oo, silang dalawa sa ganoong oras. Ganoon pa rin. Matipuno, makisig, pinaghalong Chris Evan and Leonardo De Caprio ang mukha. Kulay pulang mata na mala-bampirang bida ang itsura. Medyo mahaba ang buhok. Ito nga ba talaga ang tatay ni b***t? Pero bakit ganoon? Nakasuot ito ng abito. Parang tinangay ng malamig na hangin si Paola habang papalapit sa kanya ang hunk na pari. Tila may kasama itong buhawing umaaligid dahil halos lamunin lahat nito ang atensyon ng dalaga. Lalo na't papalapit ito nang papalapit sa kanya. Parang lumipad na sa kalawakan ang isip ni Paola habang nakasuot siya ng belo. Sobrang lagkit ng tingin niya sa pari. Parang gusto niya itong gahasain sa paningin dahil nabuo na naman ang pagkabaliw niya sa kagwapuhan nito. "Kumusta, I'm Father Izrael. Ikaw ba yung kaibigan ng kaibigan kong si Brix?" "Totoo palang may bumababang anghel galing sa langit," sagot ni Paola na kulang lang ay maging ice cream ito sa pagkatunaw habang nagniningning ang mga mata. "Huh?" nakangiting sinabi ng pari. "Alam kong hindi ka pari! Ikaw yung nakabuntis sa akin eight years ago!" nakangising sinabi ni Paola na halos tumulo ang laway at grabe kung landiin ang pari sa harapan niya. "Maghunosdili ka! Ako'y taong naglilingkod sa Diyos! May pribilehiyo ako. Paano ako makakabuntis?" "Hindi ako nagkakamali! Tandang-tanda ko ang pagmumukhang iyan! Hindi ka pari! Ninakaw mo nga ang p********e ko sa loob ng bus tapos ninakawan mo pa ako ng purse! Sinungaling!" Sabay sampal ni Paola kay Father Izrael. Nagsitinginan tuloy ang mga tao sa kanila. "Nagkakamali kayo. Patawarin kayo ng Diyos. Matagal na akong nanilbihan sa Diyos. Pitong taon na!" "May ganyang klase bang pari? Pang-Bench model ang dating! Tandaan mo ito, Izrael! Babalikan kita at babawiin kita! Yung anak mo? Ayun, naaksidente! Bahala ka sa buhay mo kung dadalawin mo siya o hindi!" sigaw ni Paola na may pagbabanta saka nilisan ang pari. Nagtaka naman si Father Izrael habang naglalakad si Paola paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD