Pagkauwi nina Paola at KC sa bahay at pagkapasok nila sa loob ay nagulat sila nang salubungin sila ng isang babaeng balingkinitan ang katawan, sobrang puti, at maitim ang buhok, kaso may putok at wala siyang suot na damit kundi bra at panty lang na sobrang laki ng balakang. Parang puwet ni Nikki Minaj ang tumbong. Nagulat si KC nang lapitan nito si Paola sabay beso with sounds na rinig sa kabilang bahay. "Habibi, how are you! I miss you!" anang babae. "Abn em al awal?" gulat din ni Paola. "Besty! Kilala mo? Sino iyang mestisang iyan? Ang ganda-ganda sana niya. Totoo ba yung pilikmata niya? Ang haba-haba. Kaso ang baho ng putok, diyos ko! At saka, bakit naka-bra lang iyan at naka-panty sa loob?" pagtataka ni KC. "Ahh . . . bes, siya si Najma. Hindi iyan mestisa. Wala iyang dugong Pinoy