Sa sumunod na araw ay tila nakarma si Paola pagkatapos lumabas ang resulta ng board exam dahil wala ang pangalan niya sa listahan ng mga pumasa sa nursing. Sa madaling salita ay bumagsak siya. Naging tulala din siya at nagmukmok. Tila sinalo niya ang ambon. Makalipas ang ilang linggo, habang nakikinig siya sa radyo at malakas ang ulan, biglang tumunog ang paborito niyang kanta ng Cueshé kaya sinabayan niya ito. "Lagi na lang umuulan, parang walang katapusan. Tulad ng paghihirap ko ngayon, parang walang humpay. Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap . . ." Sabay angat niya ang nursing medical reviewer at nagpatuloy sa pagsabay sa radyo. " . . . na limutin ka ay di pa rin magawaaaa." Parang baliw si Paola na kinakantahan ang reviewer. Nabuksan naman ang pinto at sumingit habang sumisigaw