Makalipas ang isang linggo . . . Tulalang tinitingnan ni Father Izrael ang hawak-hawak nitong lighter. Di maipinta ang mukha na tila naghihinagpis ang kalooban at nanunubig ang mga mata. Sinindihan niya ito hanggang sa magka-apoy at pilit inilapit ang kanyang isang kamay rito. Nagsisisi siya kung bakit nagpaapekto siya sa tukso na parang yung apoy sa lighter. Kapag mamamatay siya ay diretso na siya sa impyerno at mas grabe pa sa init ng isang apoy ang sasapitin niya roon. Sobra-sobra na ang kasalanan niya sa Diyos. Imbis na manilbihan siya sa simbahan ay bakit pa dumating si Paola sa buhay niya na nagpabago muli sa pagbabago niya. "Kailangan ko nang tapusin ang tungkol sa atin. Hindi na maganda ang ginagawa natin. Sana'y magbago ka na rin at makahanap ka na rin ng lalaking para talaga s