Dahil baliw na si Rainer sa pagbawi niyang muli sa dati niyang kasintahan ay gumawa siya ng paraan para masalisihan niya ang DNA result ni Paola. Habang naliligo ang kanyang ina, pinasok niya ang kuwarto nito at pinalitan niya ang brown envelope ng minanipula niyang DNA test. Naibigay na rin ang pekeng resulta kay KC na nakalagay sa brown envelope. "Ito na ang resulta ng DNA test ng kaibigan mo," supladang pag-abot ng ginang. "Naku! Maraming, maraming salamat po. Ano ulit ang pangalan n'yo? Kasi ang ganda-ganda n'yo." "Just call me Doc Penelope. Salamat sa compliment but I have no time para magpabola sa babaeng gaya mo. Also, I am sorry but you and your friend Paola, I both hate your guts!" Tumalikod na ang matanda na ikinataka ni KC. Wari'y alam nito ang pangalan niya at si Paola per