[Chapter 18] NAPAAWANG ANG bibig ko nang tuluyan naming makita ang templo ng guardian ni Sonja na nasa tuktok ng kumpol ng mga ulap. Kumikinang ito dahil sa sinag ng araw. "Tara na," aya ni Sonja bago lumipad palapit sa templo pero kaagad ding napaatras nang umihip ang malakas na hangin. "Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Harley. "Kagaya ito ng nangyari sa templo ni Fauna. You must show your skills, Sonja. Prove your guardian that you are worthy of its protection and power," saad ko. "Sierra's right. Do your best, Sonja," dagdag naman ni Clifford. "Okay." Pumwesto si Sonja sa harapan naming lahat. Ibinuka niya ang magkabila niyang kamay saka hinayaan ang hangin na yakapin ang kaniyang buong katawan. Nakita ko ang pag-ikot ng hangin sa kaniyang magkabilang braso hanggang sa magi