Episode 3- Pangatlong pasilip

1481 Words
“Hi! Barbie doll.” hindi naman nag abalang mag taas ng ulo si Jupiter na busy sa pag susulat ng notes n’ya. 1 offense na lang kick out na s’ya sa school na yun kaya kailangan muna n’yang mag behave. Na hihiya na rin s’ya sa kuya n’ya maging sa Tita Abby at Tito Dennis n’ya na lagi na lang na kikiusap para sa kanya para wag s’yang ma expel. Ginagamit na ng mga ito ang kapangyarihan para manatili s’ya sa school na iyon. Hindi na moblema ang mga ito sa mga sariling mga anak pero sa kanya na iisa-isa lang na lang na kikiusap ang mga ito. Pero this time penipetition na s’ya ng mga board member ng school na ina ng mga lalaki at babaeng binubugbog n’ya. Hindi naman n’ya sasaktan ang mga ito kung walang ginagawa ang mga ito. Napapikit naman si Jupiter ng biglang mag tulo sa notes n’ya ang softdrinks na ibinugos ni Ezikiel sa ulo n’ya nag tawanan naman ang mga kamasa nito at ilang grupo ng mga babae na mainit ang dugo sa kanya. Pare-parehas silang 4th years student ang kaibigan lang 16 na ang mga ito habang sya is turning 13 pa lang na dapat 1st years high school pa lang dapat kung tutuusin. Automatic na nag layuan ang mga classmate nilang nasa palibot n’ya. Vacant period nila at walang teacher. Hindi n’ya classmate si Kinsley dahil nasa section 3 si Kins habang s’ya ay nasa section 1 dahil sa calibre ng utak n’ya na hindi normal para sa kaedad n’ya. Kailangan n’yang kumalma at wag patulan ang mga ito. “Wow! Mukhang bahag na ang buntot ng barbie doll natin. Bakit naman gusto ko pa naman makipag laro sa’yo ngayon.” “Bakit! Na ubusan ka na ba ng kalarong bob* na tulad mo.” tanong ni Jupiter na tinawanan ng mga ito na isa-isang sinapok ni Ezekiel. “Siguro may gusto ka sa akin ano kunwari ka lang kaya papansin kang masyado. Well! Congratulation you get my attention.” pagak naman na tumawa si Jupiter. “Wala bang salamin sa bahay n’yo?” “Hhahaha! Mayabang ka talaga paano kung halikan kaya kita makapag yabang ka pa kaya?” tanong pa nito na ikinaungol ng lahat ng kasama nito. Napasinghap pa si Jupiter ng ibuhos naman nito ang coke sa katawan n’ya. Papalag na sana s’ya ng isang lata ng softdrink naman ang tumama sa ulo nito na ikinagulat nitong na napamura na tumayo. Mabilis pa sa alas kuwatro na napigilan ni Jupiter ang kamao ni Trigger ng mag cross ang mga braso nila ng binata para pigilan ang pagtama ng suntok nito kay Ezekeil habang ang isang kamay naman n’ya ay may hawak na pentel pen na naka tusok sa ilalim ng baba ni Ezekeil na nagulat na nakatingala na lang na hindi inasahan ang mabilis na pang yayari. “Umalis ka dito.” mariin na banta ni Jupiter na nilingon si Trigger, parehas silang may warning na nito kaya hindi sila puwedeng parehas na mag kamali. Parehas silang graduating ito sa college, s’ya sa high school. Tingin nga n’ya may plano ang grupo ni Ezekeil na mapatalsik talaga s’ya dahil hindi matanggap ng mga ito may isang tulad n’yang hindi takot sa mga ito. Kung ‘di nga lang s’ya na hihiya sa mga taong tumutulong sa kanya kanina pa bali ang spinal cord nito sa kanya. “Wow to the rescue si bakla.” wika pa ni Ezekeil na obviously ginagalit lang si Trigger na namumula na ang mukha. “Subukan mong kumilos Trigger.” matalim ang tingin ni Jupiter sa binata na galit na kumawala at umatras bago umikot saka padabog na kinuha ang bag n’ya at pinag silidan ang mga gamit n’ya sa loob ng bag na isusukbit na sana ni Trigger sa balikat nito na pasimple na inihampas nito sa mukha ni Ezekeil na ikina tumba nito sa sahig na tinulungan naman ng grupo nito na tumayo. “Oooppps! Sarry.” wika pa ni Trigger saka hinawakan s’ya sa braso at nag lakad palabas ng classroom nila habang kume-kendeng at may pag irap pang na lalaman. Kaya nag tatawanan ang mga studyante, usap-usap sa campus na bakla ito may nag leak ng tsismis syempre grupo yun ni Ezekiel pero so far mukhang wala naman na niniwala. “Lagi ka bang binubully ng mga yun?” “Hindi.” pag sisinungaling n’ya dahil ang totoo nag simula ang lahat ng mag take s’ya ng special exam para sa accelaration from 1st year student to 4th year student na naipasa naman n’ya kaya automatic 4th yr agad s’ya ng mag pasukan na ikinagulat ng lahat na sinubukan pa s’ya ng mga teacher noon pero napatunayan n’ya na kaya talaga n’ya. Mula noon pinag iinitan na s’ya ng grupo ni Ezekeil at nadamay lang si Kinsley. Hindi lang mapag tripan ng mga ito masyado si Kins dahil kay Jigger na madalas naka bakod kay Kinsley ng palihim. “Mag bihis ka muna ang dumi ng uniform mo.” ani Trigger ng mag tungo sila sa locker nila. “Ano nanaman ginagawa mo dito?” takang tanong naman ni Jupiter na binuksan ang locker pero meron nanaman dun na isang bulalak at maliit na card na ikinangibit ni Jupiter. “Hahahaah! Ayos may secret admirer ka?” ani Trigger ng makita ang mga iyon. Kinuha naman ni Jupiter iyon at idederetso na sana n’ya sa basurahan ng pigilan ni Trigger. “Anong ginagwa mo?” “Mag tatapon ng basura.” “Anong basura? Lover letter yan ah hindi mo man lang ba babasahin?” “Kaya nga love letter so bakit ko pa babasahin kung alam ko na kung anong naka sulat d’yan.” “Ang sama ng ugali mo Kulasa, matuto ka naman mag appreciate ng admirer pasalamat ka pa nga may admirer ka.” anito na kinuha ang lover letter at saka binuksan para basahin. “You're not my ideal type of girl pero dahil sa’yo na hihirapan na akong matulog. Is this love? Hindi ko pa magawang mag pakilala sa’yo dahil na hihiya ako baka kasi hindi pa ako sigurado sa na raramdaman ko. Gusto ko pag lumapit ako sa’yo ikaw ang magiging 1st girlfriend ko. Tingin ko naman bagay tayo. Soon magugulat ka na lang mag papakilala ako sa’yo, sa ngayon I will be your greatest admirer. Love, braveheart.” basa pa ni Trigger sa sulat na ikinangiwi ni Jupiter na 1st n’yang nakarinig ng ganun love letter. Hindi kasi talaga s’ya nag babasa ng mga love letter nadidiri s’ya may ilang weeks na s’yang nakakakuha ng mga letter na hindi naman n’ya binabasa at deretso sa basurahan. Nag tataka nga rin s’ya bakit alam ang password ng locker n’ya dahil na ilalagay ang letter. “Medyo na kakadiri pero at least may nag kakagusto sa’yo kahit hindi ka naman ka gusto-gusto.” ani Trigger na ibinalik sa loob ng locker n’ya ang love letter na inipit pa nito sa mga book n’ya. “Kulang ka siguro sa tiki-tiki nung bata ka?” ani Jupiter na kinuha ang nakatupi n’yang P.E uniform. Natawa naman si Trigger na sumunod pa rin kay Jupiter hanggang sa pinto ng ladies room. “Ano sasama ka pa hanggang loob.” mataray na tanong ni Jupiter. “Puwede naman.” ngisi naman ni Trigger pero malakas na isinarado ni Jupiter ang pinto na ikinatawa ni Trigger na nasa labas ng pinto habang bitbit pa rin n’ya ang bag nI Jupiter. “May crush ka ba kay Cloud?” tanong ni Trigger sa labas ng pinto na ikinahinto ni Jupiter sa pag bibihis at napatingin sa nakasaradong pinto. Hindi na s'ya pumasok ng cubicle ng ladies room dahil mabilis lang naman s'yang mag bibihis. “Anong pinag sasabi mo d’yan?” “I heard na binigyan mo s’ya ng chocolate the other day." "So?" "Bakit mo s'ya bibigyan ng chocolate kung walang dahilan?" napaisip si Jupiter oo nga naman tapos hindi naman sila close ni Cloud. "Hindi ko kailangang mag explain sa'yo." "Gusto ko din ng chocolate kung mag bibigay ka ng chocolate kay Cloud damayan mo din ako dahil favourite ko din ang chocolate." "Ano tayo close para bigyan kita ng chocolate." tanong ni Jupiter sabay bukas ng pinto ng ladies room at lumabas. Bigla naman hinila ni Trigger ang kamay n'ya at sinandal s'ya sa pader. "Gaano ka close ba ang gusto mo para bigyan mo din ako ng chocolate, is this enough?" "Mag toothbrush ka muna bago mo ako kausapin ng ganito kalapit." ani Jupiter sabay tulak kay Trigger na biglang na concious na hiningahan ang palad sabay amoy. "Kapal naman ng mukha mo hindi naman ako bad breathe, baka ikaw at malapit ang bibig mo sa ilong mo." natawa naman si Jupiter na nilingon ang binata na pilas na pilas ang hitsura ng guwapong mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD