PAGDATING ni Froilan at Lorrene galing sa opisina, nagtatakang nagkatinginan silang dalawa dahil sa ingay na nagmumula sa loob ng bahay. Naestatwa sa kaniyang kinatatayuan si Lorrene nang makita kung ano ang nanngyayari, hindi niya maigalaw ang kaniyang paa at nanatili lamang na nakatingin sa unahan. Kinintalan siya ng halik ni Froilan saka inakbayan sa balikat. “Lorrene anak, nandito na ang tatay niyo at si Ashley, ang half sister mo.” Hindi nagsalita si Lorrene at tintigan lamang ang kaniyang tatay. “Anak, kumusta ka na? Maraming salamat at pumayag ka na tumira kami dito ng kapatid mo.” Dumako ang tingin ni Lorrene kay Ashley. Napakaganda at sexy nito tinganan sa suot na maikling palda. “Huwag po kayo sa akin magpasalamat, kay Froilan kayo magpasalamat dahil sa kaniya itong bahay,” m