“ATE Beth, ano po ang nagyari sa kamay niyo? Bakit nagkasugat ʼyan? Nagkusot ka ba ng labahin?” nag-aalalang tanong ni Lorrene kay Beth. “Lorrene, wala ito. Nanibago lang siguro ako sa sabon.” “Anong wala? Ate Beth, magsabi ka sa ʼakin ng totoo, bakit nagkusot ka? Sabi ko naman sa ʼyo na sa washing machine mo labhan ang mga damit namin at huwag mo lang ilalagay sa dryer ang mga silk na damit. Bakit may sugat po kayo?” muling tanong niya ngunit biglang nagsalita si Ashley kaya mabilis nitong naagaw ang kaniyang atensyon. “Bakit ba ang ingay mo, Lorrene? Nanonood ako ng tv, eh. At ano naman kung nasugatan man ʼyang katulong mo, kasalanan ba ʼyan ng mga dmait ko? Katulong siya, ʼdi ba? Bakit siya nagrereklamo?” Kumulo ang dugo ni Lorrene nang marinig ang sinabi ni Ashley. Mabilis niya ito