Pagpasok ni Denver sa kwarto naabutan niyang nakahiga si Maxine sa kama.Nakatagilid ito pero napansin ni Denver na yumuyogyog ng bahagya ang balikat nito. "Tahan na Maxine, babalik pa naman kami dito ei.Tsaka iiwanan ko naman iyong phone tapos tatawagan kita palagi," sabi niya dito. "Okey lang po ako Kuya, nabigla lang po ako kasi aalis na kaagad kayo," humihikbing sabi nito. Giniya nya ito paupo. At ng nakaupo na ito yinakap nya ng mahigpit. "Ako man Maxine, nagulat rin. Pero wala tayong magagawa," sabi niya dito habang tinatapik tapik ang likod nito. Hindi ito sumagot patuloy lang sa paghikbi. "Tahan ka na ha, mamasyal nalang tayo kesa magmokmok dito sa kwarto," sabi nalang niya dito. Napatingin ito sa kanya. Sabay bitaw sa pagkakayakap ni Denver. "Tayong dalawa lang, hindi n