Kinabukasan. Madaling araw ng maalimpungatan si Denver, may kumakatok kasi sa pinto at napagtanto niya na ang kanilang Lola iyon. Nagkukumahog sa pag aayos ng sarili si Denver, wala kasi siyang anumang saplot at ganon din si Maxine. Kaya ginising niya ito at inutusang magsuot ng damit. Hindi naman kasi niya akalain na napakaaga pala ng mga itong darating. Madilim pa nga sa labas. Nang matapos magbihis, nagtungo na si Denver sa may pinto para pagbuksan ang mga ito. Nagmano siya sa mga ito. "Nasaan si Maxine hijo?" tanong ng kanyang Lola. "Natutulog pa po Lola, napuyat po kasi siya kagabi kakalaro ng games sa cellphone ko," sagot niya dito. Nakatulog talaga ulit si Maxine matapos magbihis, halos kakatulog lang kasi nilang dalawa kaya antok na antok pa talaga ito. "Nagpuyat ba i