Chapter 2

1513 Words
“I’m sorry. Nasaktan ba kita?” Nakatulala akong nakatingin sa ceiling nang marinig kong sabihin iyon ni Kristoff. Para akong nagising sa mahabang pagkakatulog at ngayon ko lang na-realize ang kagagahang ginawa ko. Mahigpit akong napakapit sa comforter na nakatakip sa akin hanggang dibdib. Sobrang bilis ng pangyayari. Diyos ko! Hindi naman ako marupok pagdating sa lalaki, pero hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. Natagpuan na lang namin ang aming mga sarili sa isang kwarto, magkasalo sa isang kama at kapwa hubad sa ilalim ng kumot! Que horror! “Okay lang. Masakit pero keri lang. ‘Di mo man lang ako in-inform beforehand na ‘di ka lang sobrang gifted kung hindi sobrang gifted pa!” Paharap akong tumagilid sa kanya. Putek ang sakit! Mukhang wasak na wasak na talaga ang pearl of the orient ko! I winced. Buti na lang at hindi niya nahalata. Mukhang natulala rin siya sa nangyari sa aming dalawa. Natagpuan ko siyang nakaunan sa kanang braso niya at nakatitig din sa kisame. Mas lalong nag-form ang muscles sa biceps niya. Nakakaenganyo tuloy iyong pisilin. Ang kumot ay nakatakip lang hanggang bewang niya kaya kitang-kita ko ang tila washboard niyang tiyan. Napailing ako nang palihim. Ang macho talaga ng mama! Biglang may na-realize ako. Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin nang matalim sa kanya. Mahigpit kong kipkip ang kumot sa dibdib ko. “Hindi mo naman ako ginamitan ng kung anu-anong anik-anik, ano? O kaya ginayuma? Or worst binasahan ng libritos?” pangongompronta ko sa kanya. Padaskol na lumingon siya sa akin. Magkasalubong ang mga kilay niya na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo sa paraan ng pagkakatingin niya. “Ano’ng pinagsasabi mo?” “Hindi naman ako kaladkarin, Kristoff. As a matter of fact, you should know that kasi ikaw ang nakasira ng hymen ko. I don’t know, but I guess you know that when it comes to your kind, medyo aloof ako. Pero my, God! What happened?!” nanlalaki ang mga matang reklamo ko sa kanya. He grinned. Kitang-kita tuloy ang mapuputi at pantay niyang ngipin na halata namang alagang dentista. He lifted his head and used his palm to support it. “Then, I guess you just couldn’t resist my charms.” Napabangon ako sa sobrang gulat. The nerve of this guy! Pero agad ko ring pinagsisihan iyon dahil sumigid ang kirot mula sa perlas ng silanganan ko. Automatic na napahawak ako roon. “Fishtea, ang sakit!” Nag-aalalang napabangon na rin si Kristoff. Hinawakan niya ang balikat ko. “Are you okay?” ‘Ayon na naman ang epekto ng hawak niya. Tila may maliliit na boltahe ang dumadaloy hanggang sa kaliit-liitang ugat ko. Isali pa ang mga paru-paru ko sa tiyan. When did I start feeling this way towards him? Ginagayuma siguro talaga ako ng lalaking ito. Napaatras ako nang makita kong ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko. Mga isang dangkal lang ang pagitan. “Ano ba?! Lumayo-layo ka nga nang kaunti.” Itinulak ko siya nang mahina para magkaroon lang ng kaunting space sa pagitan namin. “Kung makatingin ka naman parang kakainin mo ako. Umamin ka! May inilagay ka sa inumin ko, ‘no? Hindi naman ako hörny b***h kaya impossible talagang wala kang ginawang hocus-pocus!” Kristoff rolled his eyes. Huminga siya nang malalim. Tiningnan ako na parang batang paslit na kailangang paliwanganan nang maiigi. “First, hindi kita ginayuma, okay? Malay ko ba kung dati mo na pala akong pinagnanasahan? O baka naman ako ang ginayuma mo? Because right now, just by looking at you, I feel like I’m being drawn into your charms.” Mataman siyang nakatingin sa akin. And I don’t know if it’s just me or what because once again, I feel like I was in a deep spell. Hinihipnotismo ako ng mga mangungusap niyang mga mata na para bang hinihigop ang kaluluwa ko sa tinginan niya. Mas inilapit niya ang mukha niya sa akin. And before I knew it, he was devouring my lips. The scenes of how we ended up on the bed for the first time suddenly flew into my memories. “Saan kita, ihahatid?” tanong ko kay Kristoff. Bahagya ko siyang sinulyapan. Magkasalubong ulit ang mga kilay niya. Nakasandal ang ulo niya sa salamin ng bintana. Nakahalukipkip siya habang nakatingin sa labas ng bintana. Nandoon na naman ‘yong parang sundot sa puso ko nang makita ko ulit ang malungkot niyang mga mata. Ano ba ang nangyayari sa akin? Naipilig ko ang aking ulo at nag-focus na lang sa pagda-drive. Napalingon ako sa kanya nang marinig ko siyang magsalita. “Bring me to La Terraza.” “Huh? Ano’ng gagawin mo doon? May bahay ba kayo doon?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. Isa iyong gated village na karamihan nang nakatira ay may sinasabi sa buhay. Sa entrance pa lang ay mayroon ng at least tatlong security guard na nakabantay. Hindi pa kasama ang mga security guards na nagro-roaming para masiguro ang security ng lugar. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala naman sila bahay doon. Pero baka rin sariling bahay iyon ni Kristoff. If I know, silang triplets ay may kanya-kanya ng sariling bahay. Malihim ang mga iyon pero magagaling kapag pera na ang pag-uusapan. “‘Di ko alam na Marites ka pala, Tash,” aniyang nilingon ako at tinaasan ng kilay. May naglalaro pang ngiti sa mga labi nito pero hindi naman umabot hanggang mata. “Marites na agad? ‘Di ba pwedeng curious lang?” Inirapan ko siya. “Sige po, Kamahalan at ihahatid kita doon.” “Thanks,” simpleng sagot nito. I rolled my eyes and secretly scoffed. Hindi man lang niya napansin na sarcastic ang pagkasabi ko noon. Hindi ko na siya pinansin. Nag-focus na lang ako sa pag-drive. Tahimik lang kami hanggang nasa entrance na kami ng La Terraza. Inihinto ko ang sasakyan sa checkpoint at ibinaba ang bintana. Lumapit naman sa amin ang isang mukhang early forties na guard dala ang flashlight nito na nakabukas na. “Good morning po, Ma’am—ay, Sir Kristoff kayo po pala.” Napalingon ako kay Kristoff. Hindi na ako nagtataka kung bakit kilala niya ang lalaking ito. Sumaludo si Kristoff at bahagyang ngumiti sa guard. “Sige, Ma’am pwede na po kayong pumasok,” baling sa akin ni Manong. “Salamat po.” Kumaway ako kay Manong Guard at pinaandar na ang sasakyan. Lumingon ako ulit kay Kristoff na nakatingin ulit sa labas ng bintana. Nakasandal ulit ang ulo niya roon habang nakahalukipkip. “So, saan tayo?” hindi tumitingin na tanong ko sa kanya. “Keep going straight. At the first intersection, turn right and then left. It will be the fifth house on the left. But don’t park in front of it. Do it in front of the second house,” aniyang parang nang-uutos lang ng katulong. Inismiran ko siya. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lag sa pagda-drive. Gaya nang sinabi niya, ipinarada ko ang sasakyan sa tapat ng pangalawang bahay. Tiningnan ko siya nang hindi naman siya bumaba. Nakatingin lang siya sa ikalimang bahay na para bang may hinihintay. “Hindi ka bababa?” nakataas ang kaliwang kilay na tanong ko sa kanya. “Shh!” Umayos siya ng upo at inilagay pa ang hintuturo sa tapat ng mga labi niya. I rolled my eyes. Mas masahol pa pala ‘to kay Kian. At least ‘yong panganay nila masungit lang pero hindi naman bossy. Pero itong lalaking ‘to daig pa ako sa mga pinapasahuran niya. I scoffed secretly. Infairness din sa village na ito, halatang puro mayayaman ang mga nakatira. Tiningnan ko ang panglimang bahay. Doon ko napansin na kaya pala siya nakatitig doon ay dahil may babaeng lumabas mula sa gate. Infairness ang ganda ng babae at mukhang familiar. I think I saw her somewhere. Saan ko ba nakita ang babae na ito? Then, a realization hit me. Shoot! Ito ‘yong gf ni Kristoff! Ano nga ba ang pangalan ng babaeng ‘to? Feeling ko luluwa na ang mga mata ko sa gulat nang makita kong may sumunod sa babae na parang mga katulong based sa uniform ng mga ito. Tapos may iba ring lumabas na parang parents yata noong girl saka isang babae at lalaki na parang mga kapatid niya siguro. May mga dalang mga maleta ang dalawang katulong at nilalagay iyon sa trunk ng Toyota Civic na kulay silver na nakaparada sa harap ng bahay ng babae. Nagyakapan ang mag-anak bago pumasok ang babae sa backseat ng sasakyan. Maya-maya pa ay umalis na ang kotse. “Wait, ‘di ba siya ‘yong nababalitaang girlfriend mo raw? Saan siya pupunta? Break na kayo?” agad kong tanong kay Kristoff. Napatingin pa ako sa sasakyang dumaan sa tabi namin hanggang sa hindi ko na ito makita pa. “Are you busy?” “Ang random mo. Kung busy ako, eh ‘di sana hindi ako ang kasama mo ngayon.” I rolled my eyes. “Tara samahan mo ako.” “Saan?” “To mend my broken heart…”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD