bc

Marupok na Puso

book_age18+
11
FOLLOW
1K
READ
dark
second chance
dare to love and hate
drama
bxg
humorous
heavy
betrayal
affair
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Tasha grew up witnessing how her parents fight, kung paano ito magsakitan sa harap niya. She witnessed how her mother endured the pain of being cheated, kung paano halos nawalan ng confidence ang ina niya dahil sa pagiging babaero ng tatay niya. Kaya ipinangako ni Tasha na hinding-hindi siya tutulad sa kanya ina. She build up a wall around her to make sure that love will not able to get in. To her, love will just make people dumber and she is a smart person.

Tasha already decided that she will be single for the rest of her life. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang masaksihan niya ang lovestory ng pinsan niyang si Avon. Akala niya na magiging katulad din siya ng kanyang pinsan. Makakahanap din siya ng taong mamahalin at ipaglalaban siya sa katauhan ni Kristoff. Pero paano kung sa paglipas ng panahon ay nalaman niyang nagiging katulad na pala siya ng kanyang ina? Paano kung naging martyr na rin pala siya. Hanggang saan aabot ang pagiging marupok ng puso niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Hi, Tasha! Kumusta? Ang ganda natin ngayon, ah?” I rolled my eyes as soon as I heard the greeting. Hindi ko alam kung pang-ilang lalaki na iyon na bumati sa akin. At gaya ng iba, hindi ko rin iyon pinag-interesan pa na lingunin at batiin pabalik. I just want my peace, not that I can get it from this place. But the sound of the loud music combined with people’s chattering, somehow distracts me from the pain that I’m feeling. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng bar. Kahit na nga ba medyo dim ang lugar at tanging nag-iikutang disco balls lang sa dance floor ang ilaw ay kitang-kita ko mula sa aking kinauupuan ang masasayang mukha ng mga tao. May nagsasayawan, nag-chi-chikahan sa kani-kanilang table at mayroon ding mga couples na hindi inabutan na ng l!bog sa katawan at hayun! Nagchu-chukchakan na sa gilid! Nakapangalumbaba ako sa bar counter kung nasaan ang bartender. Tiinitigan ko ito habang gumagawa ito ng exhibitions habang nagmi-mix ng drinks. Nakakatuwang panoorin pero dahil bitter ako ngayon, I feel numb. “Mukhang ang lalim ng iniisip natin, Tash, ah? Mahina ang benta?” Sinamaan ko ng tingin si Roy, ang bartender. Mukhang tapos na itong magpakitang gilas sa dalawang chikababes na katabi ko kanina. Halos lumuwa na ang mga dibdib nito at makita ang singit sa sobrang hapit at ikli ng suot ng mga ito. I rolled my eyes. “Ako na naman ang nakita mo, Roy. Hindi porket Natasha Sundance ang buo kong pangalan ay nagpapautang ako ng mga ganoon. Bakit tapos ka na bang magpakitang gilas sa mga chikababes at ako na naman ang pinagtri-tripan mo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Regular ako sa bar na ito at naging ka-close ko na rin si Roy na siyang co-owner ng The VIP Bar. Kaya kampante itong asarin ako. Kaya rin maraming nakakakilala sa akin dito. “Napakapikunin mo talaga, Tash. Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend, eh. Highblood mo masyado,” anitong lumapit sa akin. May hawak itong white towel na ginamit nitong pangpunas sa tall glass na siyang hawak rin nito. “I don’t care. Saka mukha ba akong naghahanap?” Kinuha ko ang tall glass na nasa harap ko na may lamang ladies drink. Padabog akong sumipsip sa straw na naroroon sa baso. Marahan akong napapikit nang malasahan ang matamis na lasa ng orange juice. Umaanghang iyon nang humagod ang inumin sa lalamunan ko. Ah, this is why I like tequila sunrise. ‘Yon nga lang traydor ang inuming ito. “Mukhang hindi nga. Kanina ka pa binabati ng mga kalalakihan dito pero wala ka man lang pinansin. Kaya ka napagkakamalang snob, eh,” anitong pailing-iling pa. Inilagay nito ang pinupunasang baso sa ilalim ng bar counter pati na ang hawak na white towel. He put his hands on the counter and leaned forward. “For sure they just want a booty call. Saka wala akong pakialam sa kanila. Wala akong panahon. ‘Di ko nga rin ma-gets kung bakit nagtitiyaga ka na kausapin ako. Eh, ang dami-daming gustong magpapansin sa iyo rito.” Roy just gave me a boyish smile. Humalukipkip siya habang nakatingin sa akin. “Asus, pasalamat ka na lang na pinapansin kita. Besides, where’s the fun in that? Kung bakit naman kasi ‘di mo napapansin ang ibang kahulugan ng pagpapalipad hangin ko sa iyo. You’re so dense.” Mahina akong napatawa. Ilang beses ko na rin napapansin ang pagpapalipad hangin ni Roy. Hindi ko lang talaga pinapansin dahil wala akong interes. Ayokong haluan ng monkey business ang pagkakaibigan namin. Kung tutuusin, gwapo si Roy. Pangahan ang mukha nito na nakadagdag sa charisma nito. May matangos itong ilong. Ang medyo brown nitong labi na halatang sanay humithit ng sigarilyo ay parang laging naghahalina para mahalikan. Nakadagdag pa sa appeal nito ang kilay na medyo makapal at may hiwa pa sa gitna, lalo na ang itim nitong buhok na ipinusod nito. Kung sa iba ay napaka-attractive nito. ‘Yong tipong parang bad boy kung ang itsura lang at pananamit ang pagbabasehan. Lagi na lang kasi itong nakasuot ng black t-shirt, tattered jeans, at vans. May nakakabit pa na maliit na kadena mula sa lagayan ng belt hanggang sa bulsa ng likod ng pantalon nito. May tattoo pa ito na dragon na halos lukupin ang buong kaliwang braso. Inubos ko ang laman ng baso at inilagay iyon sa counter. Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. “Ewan ko sa iyo, Roy. See you when I see you.” Kinindatan ko siya at isinukbit na ang shoulder bag sa kanang balikat ko. Sumaludo lang siya sa akin at hindi na nagsalita. Ako naman ay nagpasya nang maglakad palabas ng bar. Dalawang shot lang ang nainom ko, but I still decided not to go home. Maybe sa isang hotel na lang ako magpapalipas ng gabi. For sure, nag-aaway na naman sina Mommy at Daddy. Sawang-sawa na akong makinig sa bangayan nila. Ayoko rin naman na pumunta kina Avon lalo na at nakainom na ako. No one knows I’m going to a bar and I want to keep it hidden. Naglakad na ako papunta sa parking lot. Malamig na ang simoy ng hangin. Napayakap pa ako sa sarili nang lumakas ang ihip ng hangin. Tiningnan ko ang suot kong relo sa kanang pulsuhan ko. It’s midnight. I sighed. Ang tagal ko palang tumambay sa VIP. Medyo kakaunti na rin ang tao sa labas kaya nagsimula na akong lumakad nang mabilis. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng aking black Mercedes Benz nang maagaw ang aking pansin sa maliit na komosyon sa parking lot. Medyo malapit lang ito sa kinapaparadahan ng sasakyan ko kaya at sa tulong na rin ng mga street light ay nakilala ko ang isa sa mga salarin ng komosyon na iyon. Kristoff? Nang mapagtantong siya nga iyon, agad akong naglakad palapit. This is the first time that I have seen him so violent. Wala naman kasi sa triplets ang bayolente. Pero si Kristoff, bawat suntok nito ay may kasamang gigil. May kaaway itong dalawang lalaki at walang habas na nakikipagsuntukan sa mga ito. Umatras ako at patakbong bumalik sa bar. Lumapit ako sa guard at bouncer na naroroon para humingi ng tulong. Hindi naman ako natatakot na madehado si Kristoff, mas takot ako sa lagay ng dalawang lalaking kasuntukan nito. “Manong, tulungan niyo po ako! May nag-aaway po sa parking lot!” sigaw ko sa dalawang lalaki sa may entrance. Agad kong nakuha ang atensyon nila. Kinawayan ko sila at hindi na hinintay na sumagot. Nilingon ko pa sila para masigurong sumunod sila sa akin. Patakbo ulit akong pumunta sa parking lot. Buti na lang talaga at naka-sneakers ako kaya hindi mahirap tumakbo. Naka-black spaghetti strap sleeveless at tattered jeans. Kaya madali lang sa akin ang kumilos. “Kristoff!” tili ko nang makita ko siyang bumagsak sa aspalto. Mukhang hindi niya nailagan ang suntok na iyon ng kalaban. Dahil sa tili ko, napatingin sa akin ang dalawang lalaki. Nanlaki ang mga mata ila nang makitang may kasama akong guard at bouncer ng VIP. Walang sabi-sabing nagtakbuhan ang mga ito. Agad kong nilapitan si Kristoff at ang dalawang kasama ko naman ay hinabol ang dalawang lalaki. Nanatiling nakahiga si Kristoff sa aspalto. Binundol ng kaba ang puso ko. Paano kung napuruhan siya? Paano ko ipapaliwanag na nakita ko siya sa bar? Hindi rin ako makakapagsinungaling dahil alam kong kahit dalawang baso lang ang nainom ko, amoy alak at amoy bar pa rin ako. And I don’t want anyone to know my bar escapades. Kahit na nga ba pumupunta lang ako doon kapag nag-aaway ang parents ko. Although I’m not doing anything unnecessary, I don’t want anyone to know about it. Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Bukod tanging kami na lang ni Kristoff ang tao. Hindi pa rin bumabalik ang guard at ang bouncer. Hindi pa rin ako nakalapit nang tuluyan kay Kristoff. Hindi pa rin siya gumagalaw. Natatakot ako. Baka mamaya binawian na pala siya ng buhay. Takot pa naman ako sa patay! Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nakita ko ang puno na nasa ‘di kalayuan ng sasakyan ko. Pinuntahan ko iyon at napangiti nang may makita akong maliit na sanga na halos dalawang ruler ang haba. Pinulot ko iyon at patakbong binalikan si Kristoff. Ganoon pa rin ang itsura niya. Nakabulagta sa aspalto at nakapikit ang mga mata. Nangingitim ang gilid ng labi niya at may tumulo pang dugo sa bibig niya. Tinusok-tusok ko ang dibdib niya gamit ang napulot kong sanga. Mas lalo akong binundol ng takot noong hindi man lang siya gumalaw. “OMG! Patay ka na ba, Kristoff?” nag-aalala kong tanong. Patuloy ko siyang sinundot-sundot sa dibdib. Nagbabakasakali akong magising na siya. Nag-squat ako sa tabi niya at tumitig sa kanyang dibdib. Good. Umakyat-baba pa rin naman ito. “Kristoff, hoy!” bulyaw ko sa kanya sabay sundot nang madiin sa dibdib niya. “Knock it off, Tasha!” aniyang dinakip ang sangang pinangsundot ko sa kanya. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Marahas niyang hinablot iyon at itinapon. Masama agad ang tingin niya sa akin nang dumilat ang mga mata niya. “I’m not dead, okay?” I rolled my eyes. Tumayo na ako at nagpagpag ng pantalon kahit wala naman iyong dumi. “Pasensya naman. ‘Di ka kasi gumagalaw. May dugo ka pa sa bibig, akala ko natuluyan ka na.” “And if I am, you will just poke me with a stick instead of calling an ambulance? Kung naghihingalo na pala ako kanina ay baka natuluyan na talaga ako—“ “Sus, dami mong satsat. Buhay ka naman. Pasalamat ka nga tinawag ko ‘yong guard at bouncer para tulungan ka. Akala ko pa naman sa mga kalaban mo ako mag-aalala. Kaso napupuruhan ka rin pala. Inilahad ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya. “Tayo na! May balak ka bang matulog diyan sa aspalto? Tindi rin ng trip mo, ano? Saka ano ang ginagawa mo rito?” “Ang dami mong tanong.” Umirap siya sa akin pero inabot naman ang kamay ko at bumangon na. Umupo lang siya at tumingin sa langit. “‘Di ba pwedeng namnamin ko muna ang lamig ng aspalto? Saka balak ko mag-stargazing.” Tumingin rin ako sa langit at napasimangot. Makulimlim ang langit at mukhang nagbabadyang umulan. Ano’ng stargazing ang pinagsasabi nito? “Ano’ng tinira mo..katol? Kita mong makukimlim ang langit, eh. Ewan ko sa iyo, Kristoff.” Napailing ako. “May sasakyan ka ba?” Umiling siya. “Mauna ka na may dadaanan pa ako,” anito sa pinakamalungkot na boses. Magtatanong pa sana ako dahil mukhang may pinagdadaanan siya. Saka baka balikan siya noong mga nakaaway niya. Kaso nga lang ay nagsimula nang pumatak ang malalaking butil ng ulan. Agad kong itinakip ang mga palad ko sa ulo ko. “Umuulan na. Halika na!” Hinawakan ko siya sa kanang braso niya at hinila patayo. Sunod-sunuran lang din siya sa akin. Para akong may hatak-hatak na bata na halos ayaw gumalaw. Mukhang napipilitan lang siyang sumunod sa akin. Ako pa ang nagbukas ng pinto sa kanya sa front seat. Pati ang pagsara ay ako na rin. “‘Wag mong sabihing ako na rin ang magkakabit ng seatbelt mo?” nakataas ang kaliwang kilay na tanong ko sa kanya, pagkaupong-pagkaupo ko sa driver’s seat. Tamad na tumingin siya sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago pa niya ikinabit ang seatbelt. Pagkatapos noon ay nakapangalumbaba siyang tumingin sa labas ng bintana. “Saan kita ihahatid?” tanong ko ulit ng pihitin ko na ang kambyada. Nilingon niya ako at matamang tiningnan. Biglang bumilis ang puso ko sa tingin niyang iyon. Tila hinahalukay ang tiyan ko na ‘di ko mawari. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam nang ganito. Dati ko na namang kilala si Kristoff pero iba ang dating sa akin ng tinginan niyang iyon. Para iyong nagsusumamo at tila hinihigop ang pagkatao ko sa tinginan niya. It was my first time seeing him like this. And I don’t know what happened to me. It felt like I was in a deep spell. And before I knew it, I just found myself driving to the nearest hotel, checking in with him.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.7K
bc

His Obsession

read
88.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook