Chantria
I was enjoying my rest on our way to Maldives. Tahimik lang sa loob ng eroplano at tanging hangin lang ang naririnig ko. Kanina pa kami nasa himpapawid at hindi ko na namalayan kung ilang oras na rin kaming nasa ere. I was about to sleep pero naudlot ang pagpapahinga ko dahil sa gulo nitong katabi ko.
"Can you please calm your butt, Aiyara?" I exclaimed, calling Chanel by her second name, which by the way, she hated the most.
She glared at me. "My butt is always calm, Yvonne," she retorted. But well, I don't really hate my second name, so I didn't take it as an insult.
"You've been fidgeting on your seat ever since we took flight. Alam kong excited ka pero pwedeng kumalma kahit saglit lang. Doon ka na sa Maldives magwala."
She snorted. "I'm not fidgeting. I'm simply taking selfies. What's wrong with that?"
"Then, can you please take a selfie calmly? How can you be so fidgety just capturing your espasol face?"
"What?" she exclaimed. "My face is not espasol!"
"Yes, it is."
"No, it's not."
We continued bickering and slapping each other's hands when someone beside me spoke. "If you're going to continue making noises, I will kick you off this plane right now."
Chanel and I immediately stopped slapping each other. Pero hindi pa rin natigil ang pagbebelatan naming dalawa. Pero nang maramdaman kong dumilat si Leigh dahan-dahan ay pumikit na lang ako at nagkunwaring matutulog.
Hindi ko na alam kung ano ang ginawa nitong katabi ko sa kanan. Bahala na siya. Basta lagot siya sa 'kin mamaya.
Ito na yata ang pinakamatagal na flight sa tanang buhay ko dahil isang araw at ilang oras ang ginugol namin sa sasakyan para lang makapunta sa Maldives from Canada. Halos umapoy ang puwetan ko dahil sa tagal ng byahe. But I know that our three days stay will be worth it, for sure.
"I told you we should have ridden dad's private plane," Chanel whined. "I feel like my butt's about to explode!"
"You don't have a butt, Aiyara," I teased.
Umakma siyang babatuhin ako ng handbag niya pero nagtago na agada ko sa likod ni Leigh bago bumelat. She couldn't do anything but glare at me and raise her middle finger towards my direction.
Natatawa na lang ako habang kinukuha ang maleta ko. Tatlong araw ko rin siyang maaasar sa lugar na 'to. But of course, that's not my main goal. I need to enjoy this vacation as much as possible. I can't wait to go to the beach and flex my new built abs na halos ilang taon ko ring pinaghirapan.
"So," ani Chanel, "we're staying at Meeru Island Resort and Spa. It's an island on the easternmost tip of North Male Atoll in the Maldives–"
Carleigh looked back at her. "Chanel, shut up. We don't have to hear that. Just tell us how to get there."
She pouted before leading us outside to our ride. Hindi ko maiwasang hindi matawa dahil lagi siyang ganito. It's good that she knows a lot of things about something we didn't know. Pero hindi naman niya kailangang sabihin sa 'min 'to lahat. Bukod sa minsan, alam na namin ang mga impormasyon na 'to ay nasa internet naman halos lahat ng sinasabi niya.
We know that she can memorize almost everything she sees for the first time, but no need to flex it all the time, especially not to us.
Huminga ako nang malalim at ninamnam ang amoy ng beach nang makarating kami sa isla. Kinailangan pa naming magsuot ng sunglasses dahil sa sobrang liwanag ng paligid. Ang tagal ko ring nakulong sa bahay kaya pakiramdam ko ay hindi kaya ng mata ko ang sobrang linaw ng isla na 'to.
Asul na asul ang tubig kaya halos kita ko na ang ilalim ng dagat kahit noong nakasakay pa lang kami sa private yacht namin. Maganda rin ang panahon at asul na asul ang langit. Para tuloy magkarugtong ang dagat at langit dahil sa kulay nila.
"Sorry, girls," ani Chanel habang dala-dala ang bagahe niya. "I think this is where we part ways. I'll enjoy my vacation, you enjoy yours. Ciao!"
Pipigilan ko na sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Napangiti na lang ako habang pinanonood siyang rumampa papunta sa tutuluyan namin.
Siguro nga ay maganda na rin 'to. Ilang taon na kaming magkakasama at halos lahat ng gawin ng isa ay ginagawa ng lahat. There's nothing wrong about doing something on our own. Minsan kasi ay nakakaumay rin talaga ang pagmumukha ng mga kakambal ko.
Hinarap ko si Leigh na katatapos lang kunin ang bagahe. "What about you?" tanong ko.
"I'm going to the spa. You?"
"I'm definitely going swimming. Enjoy!"
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nauna na sa cabin namin. Tiyak ay kung nasaan na si Chanel ngayon at nagba-vlog.
But it's not the time to worry about her. Mamaya ko na siya pagti-trip-an dahil hindi lang iyon ang pinunta ko rito. I need to enjoy this! Minsan lang kami makapunta sa isla na 'to at minsan lang din kami mag-travel nang ganito kalayo.
Suot ang pula kong two-piece bikini ay lumabas ako ng cabin. Suot ko rin ang straw-hat ko na medyo hinahangin kaya kinailangan ko pang hawakan. Inayos ko ang sunglasses ko bago nagtungo sa dagat. And when my feet touched the cold water, I can't help but sigh.
It's been a while since I've gone to a beach. Bukod sa busy kami sa school ay hindi naman kami talaga mahilig magpunta sa beach. We prefer hiking on our vacation. Kaya naman sobrang na-excite kami sa gift ni dad.
May mga beach din naman sa Canada pero iba pa rin kapag nalalayo sa lugar kung saan kami lumaki. At isa pa, umay na rin kami sa simoy ng hangin doon. Gusto namin ng bagong atmosphere at bagong hangin na malalanghap.
Halos buong maghapon yata akong nagbabad sa ilalim ng araw. Hindi masakit sa balat ang araw pero hindi ko pa rin sinagad at baka magka-skin cancer pa ako. But with just that, halos pansin ko agad na nag-tan ang balat ko.
Nang matapos ako ay tumayo na ako at naglakad pabalik sa cabin. Bigla akong nagutom at hindi sapat itong dala ko. I also need to see what happened to my twins lalo na si Chanel. Baka mamaya ay kung saan-saan na 'yon nagpunta and worse, baka lasing na. She's prone to accidents and unexpected incidents. Baka may makaaway pa siya rito.
On my way to the cabin, I stopped on my track when a guy pointed at my face. "You!" he exclaimed.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakaturo sa sarili ko. "Me? What about me?"
Nagmartsa siya palapit sa 'kin at pansin kong medyo hindi maganda ang mood niya. Nakakunot ang noo niya sa 'kin at kulang na lang ay umusok ang ilong niya dahil sa galit sa 'kin. I don't even know him!
"Acting like you don't know me, huh?" He smirked. "After what you did at the bar, there's no way you would forget about me. You embarrassed me in front of everyone!" Nang makalapit siya sa 'kin ay napatingala ako dahil sa sobrang tangkad niya. I think he's about six feet. I'm not small, but he's still hovering over me.
Napakurap pa ako sa pag-aakusa ng lalaking 'to na ngayon ko lang naman nakita. "Excuse me? Do I know you? And F.Y.I., I haven't gone to the bar ever since I stepped foot on this island. Maybe you mistook me for someone else. You know, I have–"
"Don't lie, young lady," he cut me off. "What happened at the bar is something no one can forget. And there's no use lying that you can't remember. I know people like you."
This time, ako naman ang halos umusok ang ilong dahil sa kaniya. "Really? What kind of person I am, then?"
He smirked again. "Gold diggers."
Before I could even react, the guy was already lying on the floor. Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa gulat at pagkalito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. But one this is for sure, what he said hurt like hell. Kahit na alam ko sa sarili kong hindi naman ako isang gold digger ay ang sakit pa rin sa kalooban.
No one has said those words to me before.