Chapter 6

1281 Words
Chantria Ilang segundo bago ko mapagtanto kung ano ang nangyayari. Carleigh was already beating up the guy who called me a gold digger. May mangilan-ngilan nang nanonood sa kanila ngunit wala ni isa ang umaawat. That was my cue to stop my twin before she could kill this man. Kailangan niyang matutunan kung paano kontrolin ang galit niya when it comes to me and Chanel. Matagal ko na ‘tong napapansin pero hindi ko lang pinagtutuunan ng pansin noon. But she tends to be reckless when it comes to us. Sa tuwing may nambu-bully sa ‘min ay lagi siyang to the rescue. Dati naman ay hindi siya bayolente. Nitong mga nakaraan ko lang napansin na halos lahat ng patungkol sa ‘min ay ginagamitan niya ng pisikal. And I know, this isn’t good. “Leigh, stop it! Baka mapatay mo ‘yan.” I held her fist before it could land on the guy’s face again. Sayang. Gwapo pa naman ang isang ‘to at mestiso. Kitang-kita tuloy ang dugo sa pisngi at labi niya. But it’s his fault anyway for calling me that no matter the reason. Nilayo ko na si Carleigh sa lalaki at hinayaan ang ibang tao na tulungan siya. Hinawakan ko ang dalawang pisngi ni Carleigh at tinitigan siya sa nag-aalab niyang mga mata. Ayaw pa niya sanang alisin ang masamang tingin sa lalaki kung hindi lang dahil sa ‘kin. “Leigh, look at me.” Tinuloy ko ang pagsasalita nang tumingin na siya sa ‘kin. “I’m okay. Nothing happened to me. He just called me a gold digger, so no need to kill a guy for that. You need to calm down.” Her breath was shaky. “Calm down? He f-cking called my twin a gold digger. No one calls my twin a gold digger! I won’t let anyone.” “I know. I understand.” Inutusan ko siyang gayahin ako at nagsimula kaming huminga nang malalim hanggang sa alam kong kumalma na siya kahit papaano. This is a rare scenario where our saintly sister gets mad. Most of the time, siya ang pinaka-compose sa ‘ming tatlo. And I hate when these things happen. Ayoko makitang nagagalit siya nang ganito. Not just because gusto niyang maging pulis at hindi siya dapat manakit ng ibang tao basta-basta. Siguro isa na ‘yon sa mga dahilan. Pero ayokong magkaroon din siya ng anger management dahil alam kong mahirap. This started when mom died. Sobrang paborito siya ng mga tita ko noong mga bata pa kami dahil mabait siya, tahimik at matalino. Pero nang mawala si mom, madalas nang uminit ang ulo niya. Mostly kapag naaagrabyado kaming dalawa ni Chanel. Kaming tatlo at si dad na lang ang magkakasama kaya naiintindihan kong gusto niya lang kaming protektahan. Pero habang tumatagal, ayoko na sa mga nangyayari. I don’t want her to solve everything using violence. As the eldest, I want to stop this from worsening. And I have to. “Let’s go back to the cabin now, okay?” sabi ko. “Then, I’ll look for Chanel. Kailangan na nating magpahinga. We’re here to enjoy, not to stress ourselves out.” Nakahinga ako nang maluwag nang masiguro kong kumalma na siya. Hindi na niya ulit tinapunan ng tingin ang lalaki, which is good dahil baka uminit na naman ang ulo niya. I didn’t bother looking at the guy as well. I have to admit that what he said pissed me off too. Kung hindi dahil sa nangyari ay baka nagbabangayan pa rin kami nitong lalaki. I’m just not the violent type. Hindi ko siya kilala at hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa ‘kin. Kung may tao mang nakagawa sa kaniya ng hindi maganda, hindi solusyon ang bigla na lang magsasabi ng kung ano-ano nang walang proweba. Ni hindi niya pinakinggan ang eksplanasyon ko. Anyway, sana lang talaga ay hindi ko na makita ang lalaking ‘yon ulit lalo na ni Carleigh. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari kung nagkataon. Napairap na lang ako sa kawalan nang makita si Chanel na susuray-suray na naman sa isang bar. I don’t know what I’m going to do with this girl. Baka paglaki niya ay puro inom na lang talaga ang gawin niya. Nagpapasalamat na lang ako ngayon dahil hindi siya napapaaway dahil sa ginagawa niya. I heard drunken people tend to pick fights most of the time. “Chanel!” I shouted through the loud noise. “Let’s go back to the cabin. Carleigh’s already there!” “I’m not done drinking yet. You go back first!” she shouted back. “It’s dinner time, Chanel. Come on! Did you at least eat something before drinking?” “I did!” She stopped for a while. “Did I?” Napairap ulit ako nang tumawa siya nang malakas dahil sa sinabi niya. She’s really drunk. Ayokong dumagdag sa init ng ulo ni Carleigh kaya kailangan ko siyang maibalik sa cabin. Dahil kapag may ginawa si Chanel na hindi nagustuhan ni Leigh matapos ang nangyari, ayoko na lang isipin kung ano ang pwedeng mangyari. “Are you going to go back to the cabin or I’ll ask Carleigh to pick you up?” And yhup, that was the cue. Dahil doon ay napanguso na lang siya bago nagpaalam sa mga bago niyang kaibigan. Some of them are drunk too, but some are still sober. Mukhang mababait naman ang mga foreigner na ‘to pero ayokong sumugal. I need to get my twin back to our room. Sinukbit ko ang braso ni Chanel sa balikat ko bago namin tinahak ang daan pabalik. Kung ano-ano na ang kinukwento niya sa ‘kin tungkol sa nangyari sa araw niya pero tanging pag-inom niya lang ang naintindihan ko. Bukod sa hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi niya ay naka-focus lang ako sa paglalakad nang hindi kami madapa pareho. Napahinto ako sa paglalakad nang muli kong makita ang lalaking tumawag sa ‘kin kanina ng gold digger. He was tending to his wound while walking towards us. At hindi naman nagtagal ay napatingin na rin siya sa ‘min bago napahinto. Noong una ay kumunot na naman ang noo niya at mukhang galit na naman. Ngunit nang makita niya si Chanel na akay-akay ko ay nawala ang pagkakakunot n’on at napalitan ng pag-awang ng mga labi. I don’t know what’s up with this guy, but I don’t care about him now. Pero sa oras na komprontahin na naman niya ako ay hindi na ako papatalo. Baka ako na ang bumugbog sa kaniya. Charot. Hindi naman ako magaling sumuntok. Baka ako lang masaktan kapag ginawa ko ‘yon. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay ang tumakbo palayo. “F-ck, Chanel! Huwag ka ngang malikot. Akala mo ang gaan-gaan mo, ‘no?” I exclaimed. “I am! I’m on a diet since birth.” She snorted before laughing out loud. And sarap talagang kutusan ng babaitang ‘to minsan. Actually, lagi naman. Simula pagkabata ay ako na talaga ang madalas niyang trip at ganoon naman ako sa kaniya. Kaya quits lang din. Pero minsan talaga ay hindi ko maintindihan kung paano mag-function ang utak niya. Hinagis ko siya sa kama niya bago nag-stretch ng balikat. Hindi ako nagsisinungaling nang sabihin kong ang bigat niya. Mas matangkad siya sa ‘kin ng ilang inches at medyo mas may laman siya. Sa ‘ming tatlo kasi ay ako ang pinakamaliit at pinakapayat. I’m not too thin. Sadyang mas may laman lang talaga sila. Sa height naman, ayoko na lang talaga magsalita dahil parang kinulang ako sa lahat. Pati yata utak ay napag-iwanan na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD