Chantria
“Run!” sigaw ni Carleigh bago may hinugot sa tagiliran at nagpaulan ng putok ng baril.
Napatili na lang ako bago tinakpan ang mga tainga ko. Inakay ko si Chanel kahit na sobrang bigat niya.
Tama pala sila. Iba talaga kapag adrenaline na ang pinag-uusapan. Kahit isang malaking refrigerator pa ang buhatin ay kakayanin mo. I didn’t know that with my small built ay makakaya kong buhatin si Chanel na halos ilang pulgada rin ang tangkad sa ‘kin.
I could hear the reverberating of the gun around me. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang namamaril. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong makaalis doon kasama si Chanel. I also wanted to drag Carleigh out of there, but I know that I can’t. Alam ko kung gaano katigas ang bungo ng kakambal ko.
Hindi ko namalayang katabi ko na pala si Carleigh at tinutulungan akong buhatin si Chanel. Sa sobrang kaba ko ay tanging daan na lang ang nakikita ko.
“I need you to get out of here, Chan,” ani niya. “Take Chanel with you. Sa dulo ng daan na ‘to naghihintay si Joaquin kasama ang mga guard. They should probably be marching their way here. Gagawin ko ang makakaya ko para ma-divert ang attention nila for the time being.”
Agad akong tumutol. “I think that’s not a good idea.”
Napakagat siya sa ibabang labi. “I know. But I have to. Kung hindi ko ‘to gagawin ay mamamatay tayong lahat dito.”
“What if you die?” Halos mapahikbing ako sa sarili kong tanong.
“I won’t die so easily, Chantria. Matagal mamatay ang masasamang damo. You know that.”
Kung normal na pagkakataon lang ito ay baka tinawanan ko siya at sumang-ayon. Kaya lang ay hindi ko magawa. She’s sacrificing herself for our safety. Alam kong mas malaki ang chance na makabalik nang ligtas si Carleigh kumpara sa ‘kin, pero hindi pa rin ako mapakali dahil alam kong mapanganib talaga ang balak niyang puntahan.
There’s f-cking guns out there! Hindi siya isang walking bulletproof human para makipaglaban sa kanila nang harap-harapan. She’s still a human like us. Kahit gaano siya kagaling humawak ng baril, kung magaling din ang makahaharap niya ay wala pa rin siyang kawala.
I’ve seen her shoot a gun. Madalas kami sa shooting range kasama si Chanel. Our dad insisted that we learn how to hold and fire it for our safety. Carleigh was a natural at it. I was okay and Chanel hated it. Pero hindi ko alam na magiging malaking tulong pala ‘yon sa mga ganitong sitwasyon.
I should have taken that lesson seriously. Ni hindi ko naisip na mangyayari ‘to. Now I know what dad meant about learning how to protect ourselves. Masyado kami nasanay na may ibang pumoprotekta sa ‘min, not thinking that this would happen.
Pero wala nang magagawa ang pagsisisi ngayon. Narito na kami. That driver must have been an enemy. That’s why Carleigh killed him. It was self defense. Kung paano siya nakalusot as our driver, I don’t know.
Gaya ng sabi ni Carleigh ay natanaw ko na ang ilang armadong mga guard ni dad. Noong una ay napahinto at napaatras pa ako, thinking that they were enemies. Pero nang makita ko si Joaquin na pinangungunahan ang grupo ay nakahinga ako nang maluwag.
I trust him as much as I trust dad. He was with us ever since we were kids. Noon ay naglalaro pa kaming apat ng habulan. Ngayon ay hindi ko na siya makilala.
“Chantria!” he called.
Para siyang kidlat na mabilis tumakbo sa dereksyon namin. Tinulungan niya akong buhatin si Chanel samantalang ang mga gwardiya naman ay pinalibutan kami. Para silang mga agila na nakamasid sa paligid. Kaunting maling galaw ay bubulagta ang sinumang makita nilang hindi pamilyar.
“Where the hell is Carleigh?” bulalas na tanong niya. Nakakunot na naman ang noo niya gaya ng dati. Nakaka-miss tuloy makita iyong masayahing Joaquin.
“Nagpaiwan siya. She said she’s going to divert the enemy’s attention, or the enemies.”
“That idiot,” dinig kong bulong niya.
Hindi ko na narinig pa ang sunod niyang sinabi dahil pinasok na niya kami sa loob ng van na pagmamay-ari ni dad. May ilang mga gwardiya ang naiwan doon sa loob at miski ang driver ay armado. Doon ko napagtanto kung gaano kapanganib ang kinalalagyan namin ngayon. Mas lalo akong nag-alala kay Carleigh.
“Take them back to the mansion,” utos ni Joaquin sa driver.
Agad akong umapila. “No! We need to wait for Carleigh. Hindi natin siya pwedeng iwan dito.”
“Your safety is our priority, Yvonne. Ako na ang bahala kay Carleigh. I won’t let anything, or anyone hurt her.”
And I know that he won’t let anyone. He loves Carleigh as much as he loves Chanel and me. Pero kahit na ganoon ay nag-aalala pa rin ako. Hangga’t hindi ko nakikitang ligtas si Carleigh ay hindi matatahimik ang loob ko.
“Anong nangyayari?”
Sabay kaming napatingin ni Joaquin nang marinig ang boses ni Chanel. Nakahawak siya sa sentido niya at litong nililibot ang tingin sa paligid.
“You’re awake.” Agad ko siyang dinaluhan. “We need to leave here. We’re not safe anymore.”
“What about Carleigh? Where is she?” Napansin ko agad ang pagpa-panic niya nang hindi makita si Leigh.
“I’m going to go get her,” sagot ni Joaquin.
Bago pa man siya makatalikod upang umalis ay narinig na namin ang sigaw ng isa sa mga gwardiya. Noong una ay hindi ko naiintindihan pero nang makita ko ang isa sa kanilang tumatakbo sa dereksyon namin ay binundol ako ng kaba.
“Carleigh!” sabay na hiyaw namin ni Chanel.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang makita ko siyang tumatakbo sa likod ng gwardiyang iyon. Agad kong sinipat ang buong katawan niya at mukhang wala naman siyang sugat. Kahit iyon lang ay sobra na ang pasasalamat ko.
Napangiti ako dahil sa wakas ay makaaalis na kami sa mapanganib na lugar na ‘to. Muli akong sumigaw, “Carleigh, let’s go!”
Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi nang makita kami. Mabilis namang tumakbo si Joaquin palapit sa kaniya. Binuhay lang ng driver ang sasakyan para makaalis na kami rito.
Ngunit tumigil ang mundo ko nang marinig ang isang nakabibinging putok ng baril. Napatili kami ni Chanel at sabay na napatakip sa mga tainga dahil sa lakas nito. At that moment, we know that the enemies are near and we need to leave as soon as possible.
Pero nang ibalik ko ang tingin kay Carleigh ay halos nanlumo ako. Umawang ang bibig ko nang unti-unting bumagsak ang katawan niya. Kung hindi dahil kay Joaquin ay baka nakahandusay na siya sa lupa. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Ni hindi ko magawang sumigaw para tawagin ang kapatid ko. Samantalang humahagulgol na si Chanel sa tabi ko at sinusubukang lumabas.
The other two guards stopped us from getting out. Sinara ng isa sa kanila ang sasakyan na ikinabigla ko. Binalik ko ang tingin kina Joaquin na ngayon ay nakikipagpalitan na ng putok ng baril sa mga kalaban. Sinubukan ko ring lumabas sa van para puntahan si Carleigh pero masyadong malakas ang mga lalaking ‘to.
“Let go!” Sa wakas ay nagawa ko ring magsalita. “Carleigh… Carleigh’s shot! We need to go back. Please!”
“Kailangan ka naming dalhin sa ligtas na lugar, Ma’am Chantria,” ani isang lalaki. “Bilin ng Don Zima na iuwi ka nang ligtas.”
Nanlisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. “What about Carleigh? She’s out there. We need to help her!”
“Pakiusap, Ma’am. Naroon si Sir Joaquin para iligtas siya. Kapag bumalik tayo ay pati ang buhay niyo’y manganganib.”
Wala na akong nagawa dahil tuluyan nang nanghina ang katawan ko. He’s just too strong. Not to mention the pain that’s starting to resurface again. Tuluyan nang bumigay ang katawan ko at unti-unting nanlabo ang paningin.