Chapter 8

1494 Words
Chantria Napadilat ako nang maramdamang may tumatapik sa pisngi ko. Dahan-dahan ang naging pagdilat ko hanggang sa maaninaw ko ang nag-aalalang mukha ni Carleigh. Nang ilibot ko ang tingin sa paligid ay roon ko napagtantong hindi iyon isang panaginip. Nasa labas na ako ng nakataob na sasakyan habang si Carleigh naman ay pilit hinihila palabas si Chanel na wala pa ring malay hanggang ngayon. Doon ko naramdaman ang sakit sa buong katawan ko. Ni hindi ko alam kung ano ang parting masakit dahil pakiramdam ko ay may sugat ako sa buong katawan. Sinubukan kong tumayo ngunit sumigaw lang ang katawan ko dahil sa sobrang sakit kaya muli akong napahiga sa damuhan. In-adjust ko ang paningin ko dahil wala na iyon sa pokus. Nanlalabo na rin ito at para bang ilang segundo lang ay mawawalan na naman ako ng malay. Honestly, gusto ko na lang pumikit at matulog dahil sa sobrang bigat ng katawan ko. But I know that I shouldn’t. Something’s wrong. I can feel it. Iyong tingin pa lang kanina ni Carleigh sa ‘kin ay alam kong may nangyayaring hindi maganda. “Wake up, Chantria,” ani Carleigh. Nababakas ko ang pagod at sakit sa tono ng pananalita niya ngunit hindi niya ininda. “We need to get out of here. We’re not safe here anymore.” “Anong nangyayari? Hindi ito ang daan pauwi sa bahay natin.” “I know.” Napatingin siya sa gawi ng driver na ngayon ay wala ring malay. “I didn’t have a choice.” Noong una ay hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin, ngunit nang mapagtanto kong wala ng buhay ang driver ay unti-unting binundol ng kaba ang dibdib ko. “Someone’s after our lives, isn’t it?” paghingi ko ng kumpirmasyon. At nang hindi siya sumagot ay alam kong iyon ang paraan niya upang sabihin sa ‘king tama ang hinala ko. Sinubukan naming gisingin si Chanel na siya namang dumilat. Ngunit kumpara sa ‘min ni Carleigh ay wala talaga siya sa sarili para maglakad mag-isa. Wala na kaming nagawa kung hindi ang akayin siya paalis sa lugar na ‘yon. Nagtago kami sa isang madamong parte ng lugar na ito nang nagpaalam si Carleigh. “Don’t go,” pagpigil ko sa kaniya. “Baka mamaya ay narito na pala sila para patayin tayo. We need to stick together!” “Babalik ako agad. I promise.” Nagdadalawang isip pa rin ako sa pag-alis niya pero wala na akong nagawa. Tumakbo siya pabalik sa kinaroroonan ng sasakyan namin habang napadasal na lang ako para sa kaligtasan niya. I can’t leave Chanel alone here lalo na at nawalan na naman siya ng malay. Wala siyang malalim na sugat pero may mga galos siya sa katawan. Ang kinatatakot ko ay baka mayroon siyang sugat sa loob na hindi nakikita ng normal na mga mata lang. We need to go to the hospital as soon as possible. Napatili ako nang biglang may sumabog sa hindi kalayuan. Napahawak ako sa bibig ko nang mapagtantong ang pagsabog na 'yon ay nanggaling sa sasakyan namin. Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa dereksyong iyon, nagbabaka sakaling makikita ko si Carleigh. Halos mapatakbo naman ako sa dereksyon niya nang makita ko siyang patungo sa kinaroroonan namin. “What happened?” tanong ko. “What was that explosion? Nasaktan ka ba?” Agad siyang umiling. “I set the car on fire, so we need to get out of here before they see us.” “They? Who are they? Is someone trying to kill us?” Tinulungan ko siya sa pag-akay kay Chanel paalis sa lugar na ‘yon. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya habang deretso lang ang tingin sa daan. “Someone is trying to kill you, Chantria. It seems like they already know who’s going to inherit dad’s business and they’re already making their move.” I involuntarily gulped. Walang ibang nasa isip ko kung hindi ang maaaring mangyari sa ‘min, sa ‘kin, sa mga oras na ‘to. Ni hindi pa nga tuluyang napoproseso ng utak ko ang nangyari sa ‘min kanina. Maliban sa sakit ng katawan ko ay para bang nasa panaginip lang ako. Everything feels surreal. Para akong nasa panaginip at pinanonood ang sarili ko at ang mga nangyayari sa paligid. Ni hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon. Hinahayaan ko lang si Carleigh na igaya kaming dalawa ni Chanel sa ligtas na lugar. O kung may ligtas pa nga bang lugar para sa ‘kin. Nang marinig ko ang mahinang pagmura ni Carleigh ay roon lang ako bumalik sa reyalidad. Sa harapan namin ay ang kalsada. Doon ko lang napagtantong kanina pa kami naglalakad sa madamo at mapunong lugar na ito. “What is it?” tanong ko. Hindi ko alam kung bakit siya napamura dahil wala naman akong nakikitang kahit na sino sa paligid. Pakiramdam ko ay kahit anong lumitaw sa harap ko ngayon ay ikatatakot ko na. Hindi ko na alam kung ano ang pwedeng mangyari. “It’s a road. We need to look for another way to sneak out. Baka may nag-aabang sa ‘tin sa daan na ‘yan.” We took the long path. Kahit na humihiyaw na ang katawan ko sa sobrang sakit ay hindi ko ininda ‘yon. Kailangan kong sundin ang sinasabi ni Carleigh. She knows what to do in times like this. She’s not taking up criminology for nothing. Bukod sa pisikal na lakas ay matalino siya. She can solve difficult puzzles like this. Normally, I can, too. Pero dahil sa sobrang windang ko dahil sa kaligtasan naming tatlo ay ayaw na talagang gumana ng utak ko. Kahit na sinabi niyang ako ang pakay ng kung sino man ang may pakanan nito ay nag-aalala pa rin ako para sa kanilang dalawa. Pwede silang madamay rito. Halos mapahiyaw ako sa tuwa nang makakita kami ng isang abandunadong gusali. Hindi ito kalakihan at medyo paguho na ang kalahating parte. Ngunit dahil dumidilim na rin ay nagpapasalamat na lang ako at nakita namin ‘to. Hindi magiging maganda kung patuloy kaming maglalakad sa dilim nang ganito ang lagay. “Bantayan mo si Chanel,” utos niya. “Kailangan natin ng gamot para sa mga sugat natin. Huwag na huwag kang aalis dito. Huwag ka ring sasagot sa kahit sinong dumating maliban sa ‘kin. Okay?” “Bakit hindi na lang tayo magpunta ng hospital? It’ll be safer.” Agad siyang umiling. “Tiyak akong nasa malapit lang sila. I need to call dad or Joaquin who can help us. Maliban sa kanila, wala na akong ibang pinagkakatiwalaan. Just listen to me, okay? I’ll not let anything hurt you two.” Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. I know that I need to be strong in times like this. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit gusto ko na lang umiyak. If not for Carleigh, baka puro iyak lang ang gawin ko hanggang sa makita ako ng mga taong gusting pumatay sa ‘kin. Nang kumalma ako ay sinuri ko ang lagay ni Chanel. Wala pa rin siyang malay. May ilan siyang mga sugat at galos sa katawan pero wala naman siyang malalim na sugat. Pakiramdam ko ay dahil din sa bigla kaya wala pa rin siyang malay. Bukod sa masakit ang buo kong katawan ay wala rin akong malalim na sugat. Wala naman akong ibang magawa kung hindi ang hintayin si Carleigh para magamot namin ang mga ito. I feel so weak and useless right now. Wala akong magawa kung hindi ang ngumawa. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Gusto kong sigawan ang sarili ko kung wala lang kami sa ganitong kalagayan. Napatingin ako sa labas nang makaranig nang kaluskos. I peeked a little, cautious. Baka gaya ng sabi ni Carleigh ay narito na sila para hanapin ako at kumpirmahing patay na. I don’t know who they are, but I won’t trust anyone but my twins and dad right now. Kung bakit kasi wala sa ‘kin ang phone ko ngayon kung kailan kailangang-kailangan ko. “It’s me,” ani Carleigh bago lumitaw mula sa madilim na bahagi ng gusali. Nakahinga ako nang maluwag. “Let’s clean Chanel’s wounds first.” Mabilis namin siyang ginamot bago ang mga sarili namin. Bukod sa mga gamot ay may dala rin siyang mga pagkain at inumin. Nang tingnan ko siya ay may hawak na siyang cellphone at patuloy sa pagtipa. Mukhang may tinatawagan siya ngunit wala namang sumasagot. Muntik na niyang maihagis iyon kung hindi ko lang pinigilan. “Baka wala lang signal sa parte na ‘to,” sabi ko. “Bukas na bukas, kailangan nating umalis dito dahil baka mahanap nila tayo. Tiyak na makakahanap din tayo ng signal. Let’s just pray that we’ll find it sooner than those guys.” Kumuyom ang kamao niya habang sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ngunit isang kaluskos ang muling nagpabalik sa bilis ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD