KABANATA 1

1379 Words
KABANATA 1:         NAMAMAGA ang mga mata ang naimulat ko kinabukasan. Nananakit ang aking katawan, may pasa sa gilid ng bibig, pisngi at ibang parte ng katawan dahil na rin sa pambubugbog ni Madam V kagabi. Halos masuka ako sa masangsang na amoy na naghahari sa luob ng masikip na kwarto, at hindi lang iyon ay may mga maliliit na daga pa na nagtatakbuhan sa loob ng kanyang silid! "Shooo! Shooo! Dun lang kayo sa gilid!"  Panay ang sigaw ko para hindi magsi-takbuhan sa pwesto ko ang mga daga. Pinalibot ko ang aking tingin sa luob ng silid. May maliit na bintana na nagbibigay ng munting liwanag at tanging lamesa at katre ko lamang ang gamit sa luob. Bakal na rehas naman ang nagsisilbing pintuan ko. Mapait akong ngumiti. Pumikit ng mariin at naawa sa sarili. Bakit nga ba nakakagulat na nasa ganitong sitwasyon ako? E, malinaw na sinabi sakin ni Andrea na kapag nahuli ako ni Madam ay dito ang bagsak ko.  Kahit na masakit ang katawan ay pinilit ko paring tumayo. Biglang kumalam ang aking sikmura. Kahapon pa kasi ako hindi kumain. Malamang ngayong araw ay hindi ako pakakainin ni Madam V sa sobrang galit niya sakin. Lumapit ako sa bakal na rehas at sumilip sa labas. "May tao ba diyan?" Mahinang sigaw ko.  "Lena? Lena! Gising ka na pala!"  "Andrea? Nasaan ka?" Kunot noo kong tanong. Mahigpit ang kapit sa bakal na rehas. Pilit kong sinisilip ang nasa labas. Nagulat pa ako nung may lumabas na kamay sa kabilang kwarto! Ibig sabihin ay nakakulong din si Andrea sa kabilang selda! "Lena! Andito lang ako sa kabila. Kumusta ka? Okay ba ang pakiramdam mo?" Bakas sa tinig ni Andrea ang labis na pagaalala sakin.  "A-ayos naman ako, masakit lang ang katawan ko.. grabe ang galit satin ni Madam V pano na tayo nito? Ikaw? Sinaktan ka rin ba nila?" Nanlulumo niyang sabi. "Oo Lena.. hindi parin din nila ko pinapakain. Huwag kang magaalala makakaalis parin tayo dito," mahinahon at may pag-asang sambit ni Andrea. "Andrea, huwag na tayong sumubok pa baka hindi naman tayo magtagumpay at mas malala pa ang gawin satin ni Madam V kapag nahuli tayo…" Unti unti ng pumatak ang luha saking mga mata. "Ano ka ba Lena! Hindi tayo mamatay kay Madam V, isa tayo sa Royal Escort niya. Narinig ko kagabi may auction na naman sila sa susunod na linggo. Malamang ay isasalang na tayo duon! Mas gugustuhin ko pang bilhin ako ng kliyente niya kesa manatili ako rito Lena."   Simula ng nakapasok ako sa Casa ay hindi na ko bulag sa sitwasyon dito sa luob. Ang mga babae ay binibenta ni Madam V sa malaking halaga. Lalo na ang katulad kong birhen pa ay alaga nito para maibenta sa mas malaki pang halaga. Tuwing gabi ay nagkakaron ng kasiyahan ang mga kalalakihan kung saan ako unang lumalabas at nagbigay aliw habang nakamaskara.  Hindi ko lubos maisip na mas malala pa pala sa naisip ko ang mangyayari sakin sa luob ng Casa. Dahil sa ama kong nalubog sa utang at ako ang ginawang pambayad kay Madam V.  Ang akala kong magsasayaw lang sa gabi bilang pambayad ay magiging bangungot pala dahil sa sindikatong aking napuntahan na gusto ng kalaswaan. Napatayo ako ng tuwid ng may paparating na yabag. Si Madam V kasama ang dalawang tauhan nito na si Leo at Reynaldo. Bakas parin ang galit sa mga mata ni Madam habang nakatingin sakin. Nasa edad kwarenta na siya at may dugo itong espanyol. Lumapit ito kay Andrea at narinig ko ang pagbukas ng rehas ng kaibigan. "Ahhh aray! Tama na Madam m-mas-sakit!"  "Andrea! Andrea! Madam! Tama na po yan! Parang awa mo na po! Tigilan mo si Andrea!" Panay ang hampas ko sa rehas. Nagpupumilit na makalabas kahit alam kong imposible.    Sunod sunod na hiyaw at iyak ni Andrea ang aking narinig. Panay naman ang tawanan ng dalawang tauhan ni Madam V sa tabi.   "Ano Andrea!? Pasimuno ka ng pagtakas! Anong tingin mo sakin?! Tanga?! Nanggigil ako sayo alam mo ba yon?! Dahil diyan sa ginawa mo hindi kita ilalabas dito at hindi kita papakainin hanggat hindi ko sinasabi!"   "Madam V! Parang awa mo na! Tama na! Tama na…" rinig niyang paghingi ng tawad ng kaibigan. Panay man ang sigaw ko at paghampas sa rehas ay hindi nila ko pinakinggan. Nakangising lumapit si Leo sakin. Ang shirt nitong halos mapunit na ata sa sobrang hapit sa maskulado nitong katawan. Ang maitim at balbas saradong si Leo ay matagal na siyang pinagiinitan. "O, Lena! Gusto mo? Ganyan din mangyari sayo katulad ng sa kaibigan mo? Malamang niyan hindi na yan makakalakad sa dami ng sipa at suntok na tinamo niya kay Madam." Nakangisi nitong sabi sakin habang malisyosong nakatingin sa malulusog kong dibdib na bahagya ng nakikita dahil sa malalaking punit ng aking damit. Umiling ako ng sunod-sunod habang hilam ang aking mga luha. Ang kaba at takot saking dibdib ay hindi na naman nawala. "Pwede namang di mo maranasan yan eh, pakikiusapan ko si Madam V basta paliligayahin mo lang ako ngayong gabi." Napaatras akong bigla ng haplusin nito ang aking braso.  "Mas gugustuhin ko pang mamatay ako sa bugbog ni Madam kesa magpagamit sayo!" Asik ko sa kanya habang yakap yakap ang sarili. Pilit kong hinahatak pababa ang duster na suot dahil kaunting galaw lang ay makikita na ang panluob ko. "Ang arte mo! E, samantalang pokpok ka naman!" Nanlilisik ang mga mata ni Leo ng ako'y pagbantaan. Mabilis na nakalapit sa kanya si Madam V. "Leo! Tigilan mo nga yang si Lena! Hindi mo yan pwedeng galawin! Ibebenta ko pa yan! Tabi! Buksan mo ‘tong kulungan niya!"  Hindi pa man nakakalapit si Madam ay parang gusto niya na kong kainin ng buhay. Agad na tumalima si Leo habang kamot kamot ang ulo. Sa puntong iyon ay mas lalo akong natakot sa maari pang gawin ni Madam sakin. Dahan dahan akong napaatras. Sunod sunod na naman ang pagpatak ng aking luha.  "Hoy gaga! Ano?! Wala pa kong ginagawa takot na takot ka na? Edi sana naisip mo yan nung pinlano niyong magkaibigan na takasan ako!"  Namumula ang mga mata at halos maputol ang litid ng ugat nito sa leeg dahil sa lakas ng sigaw habang nakatingin sakin.  Napahiyaw ako sa sakit ng nakalapit ito at hatakin ng malakas ang aking buhok. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat sa ginawa niyang pagkaladkad sakin habang hila hila ang aking buhok. "M-madam.. h-hindi n-na p-po namin uu-litin.. p-pangako.. t-tama na p-po. M-masakit na.." Paputol putol kong sabi habang ang dalawang palad ay paulit ulit na nagkikiskisan tanda ng paghingi ng tawad. Halo halo na ang luha at pawis saking mukha pero hindi ko iyon alintana dahil sa labis na galit na nakikita ko kay Madam at sa maari pa nitong gawin sa payat kong katawan. Napaigik ako ng muli ako nitong sipain sa tagiliran.  "L-lena..." mahina man pero rinig ko parin ang pagtawag ng aking kabigan. "Reynaldo! Bantayan mo yang si Andrea! Walang makakapigil sakin! Naiintindihan niyo ba? Ha! Ako ang masusunod dito at wala ng iba! Lahat ng susuway ay makakatikim ng galit ko! Bilang parusa sa inyong dalawa! Tatlong araw kayong mananatili dito sa basement! Walang matinong kakainin maski inumin! Pasalamat ka Andrea at kahit pa paano ay may awa ako sayo na pakainin ka pa. Kung hindi lang ako kikita sayo baka kanina pa kita pinatay diyan!" Malakas ang sigaw ni Madam para marinig sa kabilang selda habang ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin sakin. "Madam! Madam! Andiyan na po ung  magkapatid na Montenegro pati si Bossing! Kanina pa po kayo hinahanap!" Humahangos na lumapit sa selda ang baklang si Christian. Ito ang nagsisilbing mata ni Madam saming mga alaga niya. Taga sumbong sa lahat ng maling nakikita nito samin. "Leo! Isara mo ulit itong selda ni Lena. Siguraduhin mong naka-kandado yang mabuti. Malilintikan kayo sakin kapag nakatakas na naman yan! Bantayan mo iyang maigi! Kapag isa ka rin sa nagpauto diyan papatayin kita!" agad akong tinalikuran ni Madam at nagmamadaling umalis sila ni Christian at Reynaldo.  "Oho, madam! Masusunod!"  Mabilis pa sa alas kwatro ay isinara ni Leo ang aking selda at umalis na rin. Tila nabunutan ako ng tinik ng mawala sila saking paningin. Nakahandusay lang ako sa isang tabi habang iyak ng iyak at awang awa sa sarili.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD