KABANATA 2

2202 Words
KABANATA 2     "Lena kumain ka na rin muna," ani ni Girlie habang inilapag pansalamatala sa sahig ang baso na puno ng tubig at plato na may lamang bahaw na kanin at isang piraso ng galunggong. Marahan nitong sinusian at binuksan ang selda pagkatapos ay kinuha ang inilapag na kanin at tubig sa lapag. Bumangon ako sa higaan. Naglalagkit at kinakati na ko sa suot kong damit. Pano ay pangatlong araw na kong hindi naliligo. Maski ang buhok ko ay naninigas na at nangangamoy pa. Maging ang mga pasa saking katawan ay sariwa parin.  Lumukot ang mukha ni Girlie habang inilalapag sa lamesa ang aking hapunan. Hindi ko naman ito masisi. Maski ako nga ay nasusuka narin sa sariling amoy. Tumingin ito sakin at pilit na ngumiti.  "Girl, ang baho mo na talaga. Mukha ka pang bruha. Di bale bukas ay makaalis ka na rito. At sana sumunod ka na lang kasi kay Madam para hindi ka na umabot sa ganito," bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Isa si Girlie sa mga babae na nandito sa Casa Temptasyon mukhang siya na naman ang napag-utusan ni Madam dahil masunurin ito. Balingkinitan ang katawan at morena. Ang buhok na hanggang balikat ay itim na itim at tuwid. Lahat naman ng babae dito sa Casa ay maganda. Hindi ito pag aaksayahan ni Madam kung hindi ito mapagkakakitaan. "Si Andrea ba kumain na?" sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya. Pinili ko munang umupo habang kausap siya para magkaron kami ng distansya. Mamaya na lang siguro ako kakain kapag umalis na siya. Nahihiya kasi akong lumapit baka bigla na lang si Girlie sumuka. "Ay oo! Kinain naman niya yung dala ko. Tahimik nga siya simula nung nanatili kayo rito.” Hindi na nito maiwasang lumukot ulit ang ilong at humingang malalim. "Salamat Girlie, makakalis ka na. Baka mamaya sukahan mo pa ko rito," biro ko sa kanya. "Huy! Naku hindi ah!" Tumawa ito pero halatang pilit. Tingnan muna ako bago muling nagsalita. "O, sige aalis na nga ko! Busy ngayon kasi dumating na naman ang bisita ni Madam!"  Kumunot ang aking noo. "Sinong bisita? Bakit parang aligaga ata kayo? Kanina ko pa nga naririnig yung mga takbuhan sa taas." Nagtatakang tanong ko.  "Ah! yung magkapatid na Montenegro na naman yun. Inaanak ni Boss Sy. Royal VIP yun girl! Wag ka! Yummy ng magkapatid na yun kaso mukhang masungit. Yung isa kasi parang laging galit. Yung bunso naman tahimik lang."  Tumango ako. Si Boss Sy ay leader ng malaking sindikato sa pilipinas. Siya din ang may-ari nitong Casa na pinamamahalaan ni Madam V na pinsan naman nito. Palaging busy ang mga tao dito at normal lang na dumalaw sa Casa si Bossing. Pero nakakapagtaka ang halos pagkakataranta nila para lang sa magkapatid na iyon.  Ikinibit balikat ko na lamang ang mga naisip. "Sige alis na, baka hanapin ka na ni Madam ang tagal mo dito sa selda ko." Pagtataboy ko sa kanya ng maramdamang muli ang gutom. "Okay! See you tomorrow!"  Nagmamadali kong tinungo ang lamesa at sinimulang lantakan ang aking hapunan. Maski papaano ay okay na rin itong kinakain ko kesa sa parang kaning baboy na pinapakain ni Madam V sa ibang alaga niyang suwail. Ang gabing ito ay iba sa mga nagdaan kong gabi. Dahil alam ko na simula bukas ay ibang Lena na ang nasa Casa. Hindi ko na gugustuhin pang umalis. Alam ko rin namang imposible dahil mahigpit ang pagbabantay ng mga tauhan ni Boss Sy sa Casa. Malawak kasi ang lupain na pumapaligid sa Casa, at lahat iyon ay kay Boss Sy. Kung kaya, ilan pang kilometro ang aking lalakarin bago ko matatapakan ang lupain na hindi nito pagmamay-ari. Nagising ako sa pagsigaw ni Madam V. Kinukusot ko ang aking mga mata habang tinatamad na tumayo para sana ito salabungin. Pumasok si Reynaldo sa loob habang nakatakip ang ilong.  "Ay grabe ang baho!" Pinaypayan muna nito ang ilong bago muling nagsalita. "Mabuti naman at gising ka na babae! Bilisan mong umakyat at pumunta don sa kwarto niyo at maligo. Siguraduhin mong maglinis ka ng mabuti at maging kaakit-akit para mamayang gabi. Isasalang ka ulit sa Super Club.”   Mabilis na sabi ni Madam V sabay alis. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Walang imik na inilapag ni Reynaldo ang susi sa lamesa. Palatandaan na maari na kong lumabas sa selda.    "Lena!" masayang bungad sakin ni Andrea. Magyayakapan sana kami ngunit nahinto ng maamoy ang bawat isa. "Kailangan na natin talagang maligo." Natatawang sabi niya sakin at hinatak na ko para umakyat sa kuwarto. Isang oras siguro akong nagtagal sa banyo para lamang ibabad ang katawan ko sa bath tub. Pagkatapos ay nakailang kuskos naman ako saking balat. Pakiramdam ko kasi ay makapal na ang libag ko sa ilang araw ko na pananatili sa selda ng walang ligo. Maski ang pagsesepilyo ay inabot ako ng bente minutos. Ang buhok kong nagdikit dikit na ay talagang binabad ko sa shampoo at conditioner. Hindi ako pwedeng magmukhang bruha sa harap ng costumer ni Madam kung hindi ay makakatikim na naman ako ng ilang araw sa selda.   Ang Casa na ito ay naghuhumiyaw sa karangyaan. Kaya hindi basta basta ang mga taong nais na pumasok dito. Kailangan mo ng malaking halaga lalo na kapag may gusto ka ng i-take out.  Alam ko naman yun na isa ako sa ipapasubasta ni Madam V. At kapag may nabibili sa mga alaga niya ay paniguradong may ipapasok na naman siyang bago sa Casa at tuturuan niya. Hindi ko naman gusto ang buhay dito sa Casa. Ang buong akala ko ay magsasayaw lang ako ng disente at mag seserbedora sa mga parokyano ni Madam hanggang sa mabayaran ko siya. Pero hindi pala ganun kadali tulad ng naisip ko. Lahat kami ay abala sa show na kalahating oras na lang ay magsisimula na. "Kailangan mo din lagyan ‘to oh!" Sabay turo ni Girlie sa mga pasa ko sa braso. Tumango ako at tahimik na pinahiran ng concealer ang mga pasa sa braso. "Ayan! Perfect! Hindi halatang wala kang ligo ng ilang araw! Ikaw ang tunay na dyosa! Lalo kang sumexy ah!" Tuwang tuwang sabi ni Girlie habang idinikit ang kabilang pisngi niya sa pisngi ko at ngumuso siya sa harap ng salamin na para bang nangaakit. Natawa ako ng sumipol pa talaga siya bago ako iwan at magtungo sa sarili nitong pwesto. Tumayo ako at inayos ang pagkakabuhol ng itim na silk robe ko. Nasa sampu kami na andito sa dressing room. Mga nakamaskara. Ibig sabihin ay katulad ko din sila na tinuturing ni Madam V na espesyal at para lamang sa VIP customers. Ang buo kong mukha at katawan ay nararapat lamang sa Royal VIP na kaya akong bilhin sa napaka laking halaga na ipinatong ni Madam V sakin. Mas lalaki pa iyon depende kung gaano kataas na ang i-bid ng mga parokyanong may gusto sakin. Sabi kasi niya kailangan ng may kaunting pa msytery effect para mas exciting at mas masaya. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Hindi mababakas ang anumang hirap na pinagdaanan sa labas at sa luob nitong Casa. Mukhang hindi naman napipilitan. Kalahati ng aking mukha ay natatakpan ng red and black lace na maskara. Nagmumura sa pagka pula naman ang aking labi.  Ang costume na hapit na hapit at halos lumuwa na ang dibdib sa sobrang sikip. Naka sexy black harness crop top bondage ako na tinernuhan ng itim na ring boots na hanggang tuhod.  Magpo-pole dancing ako ngayong gabi. Hindi naman ako nahirapan matutunan iyon dahil marunong akong sumayaw noon pa man. Nakakatawang isipin na nuong unang sinout ko ito ay halos hindi ko magawang lumabas sa apat na sulok ng silid na ito sa sobrang hiya. Hindi ako sanay na ilantad ang balat lalo na sa mga kalalakihan. Nagwisik muna ako ng kaunting pabango bago ko lapitan sana ang upuan ni Andrea ngunit sumungaw ang ulo ng tauhan ni Madam sa pintuan. Kinalabog nito ang pinto bago pumalakpak para makuha ang atensyon naming lahat. "Girls! Be ready! In five minutes magsisimula na yung show niyo. Magsipag punta na daw kayo sa back stage,"  sabi ng baklang tauhan ni Madam. "Kinakabahan ako ah! Andyan daw kasi yung magkapatid na naman manunuod daw!"  "Naku pareho tayo! Grabe kasi ang titig nung mga yon parang kakainin ka ng buhay! Well, magpapakain naman talaga ako kung sila lang din naman." Humagalpak ng tawa si Margie at halos magtulakan silang dalawa ni Tintin.  Narinig ko ang pagismid ni Andrea kaya napatingin ako sa kanya.  "Masyado naman silang tuwang tuwa sa magkapatid na yon. Ano ba yun? Sobra ba talagang guwapo nun? Tss... minsan etong sila Margie OA din eh. Ganyan din sila kay Marion noon tapos nung nakita natin may itsura lang pala. Hindi naman guwapo. Mababa naman pala ang definition nila ng guwapo." Humalukipkip ito habang nakanguso. Umiiling ako habang nakangiting kinuha ang pure red lace mask niya at ibinigay sa kanya. "Hayaan mo na sila. Ganyan naman yang mga yan. Suot mo na ‘to tara na."  Aya ko sa kanya. "Tanggap mo na Lena ano? Kasi hindi ka na nagrereklamo at hindi ka na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Sa tuwing nagsusuot ka kasi ng sexy-hing damit e, naiiyak ka pa." Hinawakan nito ang aking kamay at pinisil. Ngumiti ako sa kanya ng pilit.  "Andrea, mapapagod lang ako sa kakatakas pero di naman ako magtatagumpay isa pa ano naman ang maabutan ko sa labas? Tatay ko na wala namang pakialam sakin? Kaya sinabi ko sa sarili ko na bahala na ang nasa itaas."  "Di bale Lena, matatapos din lahat ng to. Makakaalis tayo." Ngumiti siya sakin ng may puno ng pag asa ang mga mata. Sinuot nito ang maskara at tumayo na. Kelan kaya yun? O baka akala mo lang makakalabas nga dito pero impyerno parin naman ang pupuntahan mo. Napailing na lang ako sa sariling naisip. Alam ko naman na makakalabas kami dito. Oo kasi may bibili naman samin eh. Ang tanong sa mabuting kamay kaya kami mapupunta? E, lahat ng parokyano dito sa Casa ay may masasamang gawain. Lahat kami ay nagtungo sa back stage. Rinig ang malakas na hiyawan ng mga parokyano ni Madam sa labas. Dumadagundong sa lakas ang electro dance music na nagmumula sa speakers. "O, ready na mga pokers!" Malakas na sigaw samin ni mamu iyong bading habang nakapila kami sa hagdanan sa likod ng back stage. Una ako sa linya. Mahigpit ang hawak ko sa pagkakabuhol ng aking roba. Tsinek ko rin kung nakaayos parin ang aking maskara. Ngayon, e-enjoyin ko na lang ito. Tutal isa ito sa hilig ko. Iisipin ko na lang na hindi manyakis itong nanunuod sakin.  Biglang pumailanlang ang kanta ni Jason Derulo na Talk Dirty kasabay niyon ay ang pagbukas sa gitna ng stage kung saan buong kumpiyansa akong lumabas. It's showtime! Halos mayanig ang buong Casa sa hiyawan ng mga manunuod ng isa isa kaming lumabas ng nakaroba. Agad akong nagtungo sa gitna at nakangiting pinalibot ang tingin sa buong paligid.  May mga babaeng naka sexy costume na may bunny ears ang palakad lakad para magserve ng inumin para sa mga panauhin. Mga halos may edad na ang parokyano ni Bossing at Madam. Bilang lang sa daliri ang mga bata-bata pa.  Natigil ang aking paningin sa may bandang gitna sa itaas. Mayroong tinted na sliding window duon na ngayon ko lang nakita.  Malilikot na laser lights ang nakadagdag sa excitement ng lahat. Kasabay ng smoke effect ay hudyat ng simula naming paghataw sa stage.  Bawat pag pump ng katawan ay nagwawala na sila lalo lamang nanggigil na ipahubad na samin ang suot na roba. Ito ang unang parte ng sayaw namin. Paiinitin muna sila bago tuluyang gigiling na halos maselang parte ng katawan na lang ang kita. Maarte akong naglakad sa gilid ng stage ng nakangisi. Duon ako sumayaw nung chorus na ang tumugtog. Natawa ako ng hinampas ng lalaki ang mesa nila sa labis na tuwa nung nagpump na naman ako. Anim sila sa table na iyon at halos nasa edad bente pataas.  "Yeah! Talk dirty to me baby! Whoa!" Natatawa at pa-sexy ko silang iniwan duon na nagtutulakan habang naghihiyawan.   "Take it off!"   "Take it off!"   Idinaan ni Andrea sa flying kiss ang hirit ng ilang matandang parokyano. Um-exit na ang ilan naming kasama ng muling pinatay ang ilaw. Apat na lang kaming natira. Dali dali kaming nagpunta sa kanya kanyang pole at pumosisyon na.   Biglang tapat ng ilaw saking pwesto. Pumailanlang ang saxophone instrumental ng Versace On The Floor ni Bruno Mars.   Mas lalong ginanahan ang mga parokyano dahil alam nila ang mga susunod na mangyayari. Hindi magkamayaw ang mga hiyawan. Mapang akit akong gumiling sa pole. Ang aking mga mata ay itinuon sa tinted window para hindi madistract sa mga mata ng mga nanunuod na punong puno ng pagnanasa. Dahan dahan akong umikot sa pole pagkatapos ay kagat labing gumiling. Maya maya pa ay isa isa ng inilawan ang bawat pwesto ng aking mga kasama. Sabay sabay kaming umakyat sa kanya kanyang pole at lumambitin duon. Pagkatapos ay unti unting tinggal ang suot na roba. Lalo pang naghiyawan ang mga parokyano ni Madam ng lahat kami ay naka costume na lamang. Patuloy sa pag giling at marahang paggawa ng stunts sa pole. Sinasabayan ng galaw ng katawan ang tunog ng saxophone. Dahan dahang dumausos pababa at umi-split. Pasexy-ing tumayo at nagflying kiss. Ipinikit ko ang aking mga mata ng bahagya akong yumuko habang hinahawakan ng marahan ang aking binti, pataas sa puson hanggang sa dibdib. Pagdilat ay isang pares ng kulay asul na may pagka abong mga mata ang mataimtim na nakatingin sakin habang sumisim ng alak.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD