Magkakasunod akong napalunok habang nakatingin kay kuya Onyx na ngayon ay papalapit sa amin ng lalaking kaharap ko na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang aking kamay. Nagulat ako nang biglang paghiwalayin ni kuya Onyx ang mga kamay namin ng lalaki. Balak na sana akong hilahin ni kuya Onyx para ipasok sa loob ng bahay nang magsalita ang lalaking hindi ko pa kilala. “Dud, baka gusto mo akong ipakilala sa akin ang kapatid mo. Huwag kang madamot,” anas ng lalaki. Ngunit tiningnan muna ni kuya Onyx ang lalaki ng masama. “Maraming babae, Eman, huwag si Farah!” mariing sabi ni kuya Onyx. Pagkatapos ay agad na akong hinila papasok sa loob ng bahay at dinala sa aking kwarto. Tuloy-tuloy kaming pumasok sa loob ng kwarto ko. Narinig ko ring ini-lock niya ang pinto ng aking silid. Pagkatapos ay