BIGLANG kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ng Dugong na ‘to. Hinahanap kaya ako ng lalaking ‘to? Napatingin din ako aking kamao na hawak pa rin nito. Ramdam kong sobrang higpit nang pagkakahawak ni Onyx. Hanggang sa makita kong ngumisi ang lalaki. Inangat din ng lalaki ang kamay niya upang kuhanin ang aking suot na shades. Kitang-kita ko naman ang pagtaas ang gilid ng labi ni Onyx. Napansin ko ring bumaba ang mga mata nito sa aking leeg hanggang sa buong katawan ko. “Dalagang-dalaga ka na nga Farah…” bulong ng lalaki. Kitang-kita ko rin ang pag-galaw ng apple adams nito. Kasabay ng pagkagat ng ibabang labi ni Onyx. Hindi ko alam kung ano ang nilalaman ng utak nito. Ngunit pakiwari ko’y may naglalaro sa isip ng Dugong nito. Hanggang sa agad kong hinila ang aking kamao upang mabitawa