"Halika, anak. Doon tayo sumilong sa ngayon." Yakag ni Nathalie sa anak. "Maayos na rito, Mommy. Baka may bad guys na naman po riyan," nakasimangot nitong tugon. Kaya naman ay naupo siya sa tabi nito saka ipinasandal sa kaniya. "Anak, mas maganda sa mas mataong lugar. Dahil kung may bad guys ay mayroon tayong kasama. Kaunting pagtitiis pa, anak. Makakaahon at iiwan din natin ang kalsada." Pang-aalo niya rito kahit walang kasiguraduhan kung hanggang kailan sila maninirahan sa kalsada. "Yes, Mommy. Kahit po beggars tayo ay walang problema. Pero alam mo po bang lagi kong napapanaginipan ang dalawang big brothers na nagbigay ng pera? Sana muli natin silang makita. Dahil gusto kong magpasalamat sa kabutihan nila," muli nitong sagot. Malaki pa rin ang pasasalamat niya sa Diyos. Dahil kahit