Ilang araw na nga ba ang nakalipas simula noong nakita niya accidentally ang mga anak? Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya makalimutan. Nag-iwan nga ang mga ito ng kaunting pera pero malaking bagay na iyon sa kanilang mag-ina. Dahil sa katunayan ay ilang araw din silang kumain at natulog ng maayos. 'Sana araw-araw ganito, Mommy.' Naalala nga niyang sabi ng isa pang anak. Subalit paano mangyayari iyon samantalang paubos na naman ang huling sentimo. "Diyos ko, ano po ba ang dapat kong gawin? Ilang taon na bang puro pasakit ang nararanasan ng anak ko? Wala namang problema kung ako lamang sana ngunit ang kaawa-awa kong anak ang nadadamay," aniya sa mahinang boses habang hinahaplos-haplos ang alon-alon na buhok ng anak. Habang lumalaki ito ay mas lumalabas ang dugong nanalayt