"Mommy, maari bang magpahinga muna tayo? Gutom po ako." Mahina man ang pagkasabi ng anak niya subalit hindi iyon naging sagabal upang hindi niya narinig. Mga beggars o taong kalsada sila ngunit pagdating sa anak ay sensitibo rin siya. Kaya't kahit nanghihina siya ay agad-agad siyang lumingon-lingon upang tumingin ng magandang puwesto. "I'm so sorry, anak. Nang dahil sa akin ay maaga kang dumanas ng ganitong hirap," aniya saka niyakap ito. Naging masuwerte naman kasi silang nakalayo agad sa nais manakit sa kanilang mag-ina. Iyon nga lang ay napalayo na sila masyado sa main road. Kaya nga may puno silang nasilungan. "Paano po naging kasalanan mo, Mommy? Six years old na po ako sa susunod kong kaarawan ngunit wala naman po akong matandaang pinahirapan mo ako kagaya ng mga bad guys na iyon