Dahil na rin sa nangyaring attempted kidnapping ay umiwas na ang mag-inang Morris sa mataong lugar. Kahit pa may kalayuan sa main road ang napili niyang pamugaran ay hindi niya iyon inalintana. Dahil na rin sa pakiramdam na maaring mas safe sila roon. "Mommy, may tao po," dinig niyang saad ng kaniyang anak. Kaya naman ay dali-dali siyang umayos. Sa ilang taon nilang pagiging taong-kalsada ay marami na siyang natutunan at isa na roon ang matulog na dilat ang mata. Kaso bago pa siya makapagsalita ay naunahan siya ng isa sa mga tinutukoy na tao ng anak. "Huwag kayong matakot sa akin. Wala akong balak na masama sa inyo. Nais ko lang sanang magtanong kung okay lang," saad nito. "Are you trying to be nice with us, Madam? If that's the case, just leave here. We are harmless people who are not