"Boss, ano ngayon ang plano mo?"
"Make it sure that she will not provokes her anymore."
"Okay, Boss, masusunod. Pero maari bang magtanong?"
"Sure. Go ahead and have that question."
May hinala na siya kung ano ang nais itanong ng tauhan. Ngunit gusto niyang makasigurado. Kaya't hinayaan niya itong ipahayag ang gustong malaman.
"Tungkol sa dati mong nobya, boss. Ang ina ng kambal ang pinag-iinitan dahil sa hindi pagkatuloy ng kasal ninyo noon. Ayon sa aming imbistigasyon ay siya rin ang dahilan kung bakit napunta si Miss Nathalie Morris sa club na iyon. So, paano ka nakasiguradong tatantanan niya ito?"
Iyon na nga! Sabi na nga ba niyang iyon ang nais alamin ng kanang kamay niya. Ganoon pa man ay hinarap niya ito at sinagot ng maayos.
"Actually, they are both disgusting. That filthy woman has a family already and that freak continues her life as a model but she doesn't know how hold close to her heart. About your question, dahil siya ang ina ng mga anak ko ay kaawaan ko ang tulad niya. Pay her bills in the hospital without showing up. At ang eskandalosa ay gawan mo ng paraan upang makulong habang-buhay. Nang sa ganoon ay hindi na niya magulo ang walang kadala-dalang babae."
But deep inside of him, despite the fact that he is longing for her, he need to abandon her completely. May asawa at anak na ito. Mabuti sana kung wala dahil baka magkaroon pa ng himalang lapitan niya ito for the sake of his children.
'Ang makating babae na hindi marunong makuntento sa iisang lalaki! Aba'y ilang buwan lamang simula noong iniuwi ko sa Madrid ang kambal ngunit may asawa at anak na naman siya. Tsk! Tsk! Mabuti sana kung mabuhay at masuportahan siya ng napangasawa!'
Tinuran niya sa sarili subalit hindi namalayang napaismid na pala. Tuloy ay napantastikuhan siya ng iwinagayway ng right hand man ang palad sa tapat ng mukha.
"Hey, what are you doing?" tanong niya habang salubong ang kilay.
"Pasensiya na, boss. Pero bigla ka kasing napaismid. May nasabi ba akong labag sa kalooban mo?" tugon nito.
"Oh, no. Don't think it that way. Naisip ko lang ang ina ng mga anak ko. Sa ilang buwang pagkawala ng kambal ay may anak na naman ito. Kaso mukhang hindi naman yata sila kayang buhayin ng napangasawa. By the way, we will be heading back home in Madrid Spain tonight right after my meeting. So tell your companion to be ready."
Wala namang masama sa sinabi niya. Dahil sa katunayan ay talagang iyon ang nasa isipan. Hindi na nga lang niya inaming namimiss din niya ito. Iyong nga lang ay may pride pa siya upang gawin iyon. Lalong-lalo at may asawa at anak na rin ito. Laking pasasalamat niya at hindi na ito muling nag-usisa pa.
AFTER SOMETIMES, sa pagamutan kung saan nanganak si Nathalie.
"Madam Hera, hindi ko alam kung paano ako magpasalamat sa kabutihan mo," taos-puso niyang saad nang nasilayan ang taong wala ng ibang ginawa kundi ang tulungan siya.
"Hmmm, sa palagay ko ay hindi mo pa alam. Kadarating ko lang Miss Morris at wala pa akong nagawa para sa iyo," anito saka kinanlong ang isang malusog na batang lalaki.
"Sa lahat-lahat ng taong tumutulong ay ikaw yata ang mapasalamatan. Dumating kanina ang nurse at sinabing fully paid na raw ang bill namin ni baby at maari na kaming lumabas anumang oras. Wala naman akong alam na maaring magbayad kundi ikaw. Dahil ikaw ang bukod tanging malapit sa akin sa kabila ng kapobrehan ko."
Totoo iyon! Mas mabuti pa nga ang taong hindi niya kakilala o hindi kapamilya dahil natulungan siya. Kaya't gagawin din niya ang lahat upang masuklihan.
"Wait! Saglit lang, Hija. Aba'y wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi mo. Anong bill ninyo ni baby? Sabi ko naman sa iyong kadarating ko dahil alam mo naman ang oras na maraming tao sa restaurant. Promise, Miss Morris. I never pay your bill."
Karga-karga man nito ang bagong silang niyang sanggol ay hindi naging sagabal iyon upang hindi siya napagtaasan ng kilay. Kaya naman ay mas nagtaka siya dahil sa inasta nito. Subalit dahil bagong panganak ay hindi siya agad nakasagot. Dahan-dahan niyang iniayos ang sarili bago muling nagsalita.
"Kung hindi po ikaw, Madam Hera, sino? Sa matagal na panahon ay isinumpa at kinalimutan ako ng sariling pamilya. Kaya't imposible namang sila ang nagbayad sa bill ko," may pagtataka niyang saad.
"Tsk! Tsk! Hayaan at kalimutan mo na lang ang tungkol sa bagay na iyan, Miss Morris. Ang mahalaga ay ligtas na kayong dalawa ni baby. Ang perang itinabi mo para sa panganganak mo sana ay maari mong gamitin sa pang-araw-araw na buhay. At magpalakas ka dahil anumang oras ay maari kang bumalik sa club. Malakas ang hinala kong si baby boy ang magiging suwerte ko sa buhay."
Mahaba-haba ang binitiwan nitong salita. Subalit wala talagang pumasok sa isipan. Dahil na rin sa kadahilanang labis-labis pa rin ang pagtataka niya kung sino ang umako at nagbayad sa hospital bill niya.
SA KABILANG banda, labis-labis ang pagtataka ni Miss Morales dahil maaga pa lang kung tutuusin. Subalit ayaw na siyang patulugin ng door bell. Kaya naman ay dali-dali niyang isinuot ang bathrobe kahit hindi pinagkakaabalahang ayusin ang sabog-sabog na buhok.
"Those pest! Where did they go? Kailan pa ang amo nila ang taga-bukas ng gate? Damnit! I will really kick them out of my house!" Ngitngit niya habang naglalakad sa baitang ng hagdan paibaba.
Subalit mas nadagdagan ang galit sa puso niya dahil wala man lang siyang makita kahit isa sa mga katulong. Idagdag pa ang nonstop sounds ng doorbell.
"Mga hayop! Nasaan ba ang mga animal na ito? Aba'y nakabukas naman ang main door! Talagang ginagalit n'yo ako ah!" Napakuyom na rin ang kamao niya dahil sa inis.
Kaso!
"MISS MORALES, you are under arrest. You may come to the police station to answer all our queries."
Mga salitang sumalubong sa kaniya pagkabukas niya sa main gate. At doon napagtantong nandoon ang mga katulong na kaniyang hinahanap. Kaya naman ay hindi pinansin ang binitiwang salita ng police.
"Ano ang ginagawa n'yo rito? Aba'y kailan pa kayo natutong makipaglandian sa mga police sa mismong pamamahay ko?" tanong niya saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga ito.
"Miss Morales, dahan-dahan ka sa iyong pananalita. Dahil maari naming idagdag iyan sa kasong nakahain laban sa iyo," saad ng pulis.
Dahil dito ay napalingon siyang muli sa kinaroroonan ng mga ito.
"Kasong nakahain laban sa akin ba kamo? Aba'y sino ka ba at ang lakas-lakas ng loob mong sabihan ako ng ganyan? Tsk! Tsk! Baka gusto mong ikaw ang ipakulong ko ngayon din!" sigaw niya rito.
"Wala na tayong magagawa pa kundi ang arestuhin niya by force, Sir. She is disrespecting us already---"
Kaso ang pananalitang iyon ng isang police ay pinutol ng taong aarestuhin. Ito ang suspect pero ito pa ang matapang!
"Sige! Subakan ninyong arestuhin ako sa salang hindi ko alam at kayo ang idemanda ko! Trespassing at disturbance kayong lahat! Alam n'yo namang maaga pa at oras ng pamamahinga ko!" Pamumutol nito sa malakas na boses.
Subalit hindi rin nagpatinag ang mga pulis. Dahil sa kabila nang pagbanta ni Miss Claire Morales ay ginawa nila ang kanilang tungkulin. Dahil iyon naman talaga ang nararapat. At isa pa ay hindi sila naging alagad ng batas kung balat-sibuyas.
"Mga hayop kayo! Wala kayong karapatang arestuhin ako! Isinusumpa kong pagsisisihan n'yo ang araw na ito! Pakawalan n'yo ako ngayon din!"
Panay man ang pagwawala ng dalaga ngunit hindi iyon inalintana ng mga pulis. Kahit ang mga katulong ay dinala rin nila para sa kinakailangang testimonials. Ganoon pa man ay pinabantayan nila ang tahanan ng suspect.
Ano nga ba ang dahilan at bakit ito inaresto?
May kinalaman ba ito sa utos ni Mr Hitler Lopez?
Ngayong nanganak na si Nathalie Morris, ano ang buhay ang naghihintay sa kanilang mag-ina?