FEW YEARS LATER "Hey, guys. What's the matter with you two?" maang na tanong ni Hitler sa mga teenagers na anak. And yes it is! Ang mga anak niyang ipinagamot ilang taon na ang nakaraan ay mga binatilyo na. Ngunit kagaya sa kaniya ay late bloomer. Dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala siyang nabalitaang na-link na babae. Well, hindi naman niya maaring pakialaman ang personal na pakiramdam ng mga ito. Kahit pa sabihing mga anak niya ang kambal. "Dad---" Kaso sinadya yatang bitinin ang nais sabihin dahil napatungo ito. Subalit mas naawa siya dahil sa inasta nito. Dahil bukod sa mukhang naiiyak ay kinagat-kagat pa ang pang-ibabang labi. "Hilary, anak. Kung may nais kang sabihin ay huwag kang matakot. Dad will do anything that you want as long as I can." Pangungumbinsi niya. Kaso si Nath