“Happy birthday Becka!”
“Happy birthday to me!”
Sabay pa silang napasigaw ni Becka at nag-cheers sila ng basong hawak nila.
Nandito na naman sila ngayon sa bar. Pero this time, magsi-celebrate talaga sila dahil birthday ni Becka at dito siya nito dinala bilang treat nito. Ayaw daw kasi nitong sa bahay lang sila mag-celebrate at bumili lang ng cake at pagkain dahil hindi naman na sila mga bata.
“Oh, ngayong 24 years old ka na, magbo-boyfriend ka na ba?” natatawang biro niya rito.
Ewan lang kasi niya kung bakit parang hindi interesadong magkaroon ng boyfriend si Becka. Maganda naman ito, makinis at sexy, mas makinis pa nga yata ito sa kanya ng 1%. 1% lang dahil kahit hindi siya mayaman ay alaga niya ang skin niya at natural na maganda ang balat niya. Hindi niya alam kung may lahi ang Ama niya dahil sa tuwing nagtatanong siya noon sa Mama niya tungkol sa tunay niyang Ama ay sinasabi lang nitong matagal nang patay ang Ama niya. Hindi na lang siya nangulit pa.
Ngayon ay may bago nang pamilya ang Mama niya at mayroon na itong isang anak sa asawa nito. Kaya heto at pinili na lang niyang mamuhay mag-isa dahil minsan pakiramdam niya ay naa out of place siya sa bahay ng bagong asawa ng Mama niya although mabait naman ito sa kanya. Siguro ay nahihiya lang siyang ipagsiksikan ang sarili niya dahil hindi naman talaga ito ang tunay niyang ama. Kaya na rin naman niyang buhayin mag-isa ang sarili niya kaya pinili na lang niyang maging independent.
“Hindi pa rin.”
Saglit pa siyang napaisip kung para saan ang sinabing iyon ni Becka. Nagtanong nga pala siya rito kung may balak na itong makipag-relasyon ngayong 24 years old na ito.
“Kita mo nga, ikaw na nagseryoso na sa boyfriend mo, ano’ng napala mo? Sineryoso ka ba? Hindi, di ba? Kaya ok na ako sa pagiging single, Rona.” Nakangisi pa nitong dagdag.
Sabagay, tama naman ito. Kaya sa susunod ay hindi na rin siya magsiseryoso. O mas mabuti pang magpakasingle na lang din muna siya kagaya ni Becka.
Hindi niya sure kung may ka-fling ito o kung virgin pa ba ito gaya niya. Basta ang sigurado niya ay single ito pero masaya at mukhang kuntento naman ito.
“Tama ka! Idol na talaga kita Becka!”
Muli pa siyang uminom ng alak. Libre iyon ni Becka kaya susulitin na niya. Wala namang ibang uubos non kundi silang dalawa.
Pagbaba niya ng baso niya ay may nahagip ang mga mata niya na papasok sa bar.
Agad umasim ang mukha niya nang masiguradong si Mr. Antipatiko na naman ang nakita niya! Oo iyon iyong lalaking una niyang nakita sa overpass at nang sunod na makita niya ay hinalikan siya! Not just once but twice! Pag minamalas nga naman! Ibang bar na nga itong pinuntahan nila ni Becka pero nag-krus na naman ang landas nila ng bwisit na lalaking iyon!
“Bakit nakasimangot ka na naman?” tanong ni Becka pero bago pa siya makasagot ay nagvibrate ang phone nito na nakapatong sa mesa.
“Thank you!” agad nitong sabi sa nasa kabilang linya . Mukhang binati ito ng tumawag dito.
Nagpatuloy naman siya sa pag inom at pagkain ng pulutan. Iniwasan na lang niyang mapatingin sa gawi ng antipatikong lalaki at buti na lang ay hindi siya nito nakita kanina pagpasok nito.
“Nasa bar ako, eh… kasama ko ang kaibigan ko. What? Dito na lang tayo… Pero… oh, sige, isasama ko na lang itong friend ko. See yah!” Pagkababa ni Becka ng cellphone nito ay agad tumuon ang tingin nito sa kanya.
“Friend, sama ka.” Anyaya nito kaya napakunot-noo siya. Wala naman kasi itong sinabi kung saan sila pupunta. Pa-mysterious effect pa si Becka kaya tinaasan niya ito ng kanang kilay.
“Saan?” mataray niyang tanong. Kahit kasi nahagip ng paningin niya ang antipatikong lalaki kanina ay nag-eenjoy naman siya sa bar na iyon. Isa pa ay kumportable na siya sa kinauupuan niya at sa pag-inom nila kaya nakaramdam agad siya ng pagkatamad nang mahimigan niyang tila lilipat sila ng lugar ni Becka.
“Sa nightclub, para mas intense.” bulong nito sa kanya.
“Ano? Ano naman ang pinagkaiba non dito eh parehas lang naman siguro may ibinibentang alak doon at dito? Ok naman na tayo rito.” Usisa niya kay Becka. Ipinahalata niya talagang ayaw na niyang lumipat sila ng lugar.
“Nandoon din kasi ang mga katrabaho ko... Nakalimutan ko kasing may usapan na pala kami na doon kami magja-jamming…” nanghihingi ng dispensang paliwanag ni Becka.
“Tsaka… Para makapasok ka naman sa ganoong lugar. May mga nagsasayaw doon na… basta iba roon.” ani Becka sabay kindat sa kanya.
“Ikaw na lang Becka, ok na ako rito. Tsaka baka ma out of place lang ako kasama ang mga katrabaho mo.” Aniya pagkatapos ay muling uminom ng alak. Ang totoo ay solve na rin siya sa nainom niya. Medyo nahihilo na nga siya.
“Hindi iyan, ako’ng bahala sa iyo.” Pamimilit pa nito pero umiling siya rito.
“Ayos na ako, Becka. Solve na rin ako sa ininom ko. Sige na, pumunta ka na roon at mag-enjoy ka dahil birthday mo. Uuwi na rin ako maya-maya.” taboy niya rito.
“Sigurado ka ba?” nagdadalawang-isip pa ring tanong nito kaya tumango siya ulit at nag-thumbs up pa.
“O sige kung ayaw mo talaga… Ingat ka pauwi ha. Itext mo ako.”
Nang makaalis na si Becka ay isinalin na niya sa baso niya ang natitirang alak sa bote. Iisahing lagok na sana niya iyon nang biglang may tumayo sa harap ng kinauupuan niya. Naantala tuloy ang paglagok niya at napatingala siya.
Agad namang nagsalubong ang mga kilay niya pagkakita sa lalaking nakatayo sa harapan niya at tila biglang kumulo ang dugo niya.
“Honeybunch….”
“Ano’ng ginagawa mo rito, Carl? Hindi ba’t sinabi kong lubayan mo na ako? Break na tayo!” inis niyang asik rito.
“Gusto lang kitang makausap ng maayos, please hon. Tsaka hindi kita sinundan, nagkataon lang na nakita kita rito pagpasok ko.”
Inirapan niya ito at tuluyan na lang ininom ang natitirang laman ng baso niya.
Leche! Kanina ay ang antipatikong lalaki ang nakita niya, ngayon naman ay ang manlolokong ex niya na lumapit pa talaga sa kanya!
“Hindi mo ba talaga ako tatantanan?!” nauubusan ang pasensiyang tanong niya rito ng mariin. Ilang beses na itong nakatanggap ng sampal sa kanya pero hindi pa rin tumitigil sa pangungulit sa kanya!
“Gusto ko lang namang magpaliwanag, honey… Totoong nagkasala ako sa’yo pero ikaw ang mahal ko kaya sana ay patawarin mo na ako.. Please honeybunch…”
Kung noon ay kinikilig siya sa sobrang sweet nito sa kanya, ngayon ay naaalibadbaran na siya!
Inirapan niya ulit ito at sa pagbaling ng mukha niya ay nahagip muli ng mga mata niya si Mr. Overpass! Naglalakad ito malapit sa kinaroroonan nila nang mag-isa at isang plano ang naisip niya.
“Puwes wala na akong pakialam sa iyo o sa paliwanag mo. Isa pa ay may bago na ako.”
Mukhang mabait sa kanya ngayon ang tadhana dahil nagkataong papalapit sa kinaroroonan niya si Mr. Overpass! Hindi na muna ito si Mr. Antipatiko dahil kailangan niya ito ngayon para maitaboy ang ex niyang manloloko!
Hindi siya nito nakita noong una pero nang tumayo siya nang ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanya ay napatingin ito sa kanya. Nginitian niya ito ng matamis para makita ni Carl, at buti na lang ay hindi nakita ni Carl ang pagkunot ng mukha ni Mr. Overpass dahil sa pagngiti niya!
Walang sabi-sabing sinalubong niya si Mr. Overpass at nangunyapit siya sa leeg nito sabay lapat ng mga labi niya sa mga labi nito!