Chapter 21 - Unexpected Encounter

2259 Words
"Uhm! Y-You work here?" Halos walang boses na tanong ni Axell. Mukhang gulat na gulat talaga ito na makita siya roon. Hindi naman siguro magkukunwari si Axell, di ba? Ano ba ang makukuha nito kung magsisinungaling ito? Wala naman. Nakuha na nga nito lahat sa kanya eh. "Uhm... Yes. Nakikita mo naman." Aniya na alanganing ngumiti rito. Cutomer pa rin ito at saka.... Masaya siyang makita ulit si Axell! Pero sekreto lang niya iyon. "I see... It's really surprising. I mean, ang lapit lang pala ng pinagtatrabahuhan mo." anito. Ang totoo kasi ay mas malapit pa ang condo nito roon kaysa sa boarding house nila ni Becka. Sinimulan na niyang i-punch ang bawat item na kinuha nito. Karamihan doon ay beer in can. Mayroon ding wine, soda at ilang juice drinks. Mayroon din namang chips at instant noodles. Napangisi na lang siya nang naisip niya na baka may dadalhin itong babae sa condo nito mamaya. "Why are you smirking?" kunot-noo nitong tanong. "Ah, wala naman sir. Will you pay in cash or card?" tanong niya dahil tapos na niyang i-punch lahat. "Oh! I'll just pay in cash." Kaagad nitong hinugot ang wallet sa bulsa ng pantalon nito. Kasabay noon ay naramdaman naman niya ang presensiya ng isang tao sa likod niya. "Is there a problem, Miss Bonson?" Napalingon siya kay Sir Martin nang magtanong ito. Nakatitig na ito kay Axell at napatitig rin dito ang huli. "W-Wala naman po, Sir Martin... May itinanong lang siya tungkol sa isang item." Mabilis niyang sagot. Di niya rin nagustuhan ang klase ng pagkakatitig nito kay Axell na parang gusto nitong mag-amok ng away. Binasted na nga niya ito pero feeling entitled na naman kanya! Hindi na nadala! "Okay. Nasa malapit lang ako kung may problema." Mahina pa nitong wika sa kanya at tinapik pa ng dalawang beses ang balikat niya. Napatingin naman doon si Axell at nahuli niya ang pagtaas ng isa nitong kilay. Bago tuluyang umalis si Sir Martin ay nag iwan muna ito sa kanya ng matamis na ngiti. Ayan na naman... Akala niya ay tatantanan na siya nito. Mukhang tumigil lang pala saglit. "Suitor... o boyfriend na?" Nagulat pa siya sa tanong na iyon ni Axell habang inilalagay na niya sa isang grocery bag ang mga pinamili nito. Hindi naman kasi karamihan ang mga pinamili ni Axell at bukod doon ay kakaunti na lang ang mga bagger kaya siya na ang nagkusang magsupot ng mga pinamili nito. Tumingin naman siya kay Axell na natatawa at napapailing. Nakalimutan na ba nitong sinabi niyang ayaw niyang magkaboyfriend ulit? "Mukhang may bisita ka mamaya ah. Chix." natatawa pa rin niyang hula na hindi sinagot ang tanong nito. "Wala naman... I just bought some stocks of drinks." anito at tumango lang siya. Nang tapos na niyang maibalot ang mga pinamili nito ay saka lang niya kinuha ang resibo nito maging ang sukli nito. Ang resibo ay isinama na niya sa mga pinamili nito at iniabot naman niya ang sukli kay Axell. "So... What time will you be done here?" tanong nito na hindi pa kinuha ang iniaabot niyang sukli. "Ha?" "Hanggang anong oras ang trabaho mo rito?" Aba't... Anong akala nito, hindi niya naintindihan ang tanong nito kaya tinagalog na lang nito? Nagulat lang naman siya sa tanong, noh! "10pm." maikli niyang sagot. "Okay." saka lang ni Axell kinuha sa kamay niya ang sukli at ewan niya kung totoo ba ang napansin niyang pinaraanan nito ng mga daliri nito ang palad niya habang kinukuha nito roon ang sukli? O baka akala lang niya iyon. Baka aksidente lang nitong nahawakan ang kamay niya. Medyo nadismaya pa siya nang iniwan na lang siya ni Axell ng tipid na ngiti bago ito tuluyang umalis. Akala kasi niya ay yayayain siya nitong lumabas dahil tinanong nito kung anong oras siya matatapos sa trabaho. Iyon pala hindi naman. Tssk. Patanong-tanong pa, umasa tuloy siya! Teka, bakit ba kasi siya umasa? "Psst! Rona! Kilala mo ba 'yon? Ang pogi!" Tinaasan niya agad ng kilay si Mercedes sa sinabi nitong iyon. Nakita marahil nito ng maige ang hitsura ni Axell dahil magkatabi lang sila ng puwesto. Tsk. Hindi na nahiya sa customer na nakapila sa counter nito! Natawa na lang tuloy iyong dalagitang customer. "Babae, may boyfriend ka na, hindi ba?" Mataray niyang pagpapaalala rito. Kung makakerengkeng, akala mo single! "Ano naman? Sinabi ko lang na pogi, di ba? Sinabi ko bang type ko? Oy ikaw Rona ha, don't put words in my mouth. Wala akong sinabing gano'n. Loyal ako sa boyfriend ko. Mahal na mahal ko 'yon!" "Aba't--" "Oo nga naman. Tinatanong lang naman ni Mercedes kung kakilala mo, nambakod ka naman agad." Sabat naman ni Rose na nasa kaliwang banda na counter. Maang naman siyang napatitig dito dahil sa kumento nito. Siya, binabakuran si Axell?? Sinabi lang naman niyang may boyfriend na si Mercedes at ipinarating ditong wag na itong lumandi! Siya pa itong masama?? "Anong nambabakod? Wala akong--" "So ano, kakilala mo? Mukhang close kayo eh." Malisyosang pahayag pa ni Mercedes habang may makahulugang ngiti. "Mukha ngang close na close! Siguro si Pogi ang dahilan kaya binasted mo si.. you know..." Makahulugan din siyang nginitian ni Rose habang sinasabi iyon. "Kung ganoon ba naman ka-gwapo ay hindi na nakakapagtaka!" nakangisi namang sang-ayon ni Mercedes kay Rose. Naiiling na lang siya sa mga ito at imbes na sumagot ay pinagtuunan na lang niya ng pansin nakatayong customer sa lane niya at nagsisimula nang ilatag ang mga items na dala nito. Tumitingin-tingin pa ito sa kanya maging ang ilang mga customers na nakapila na rin kina Mercedes at Rose. Mukhang narinig pa ng mga customer ang tsismisan nina Rose at Mercedes! Tsskk! Itong mga katrabaho talaga niya ang magpapahamak sa kanya pag nagkataon. Makalipas ang lampas isang oras ay uwian na nila at kasalukuyan na siyang palabas sa mall para umuwi kasabay sina Rose at Shamy na isang baguhang cashier. Bigla naman ay humabol sa kanila si Sir Martin at naglakad ito sa mismong tabi niya, sa kanan dahil si Rose ay nasa kaliwa niya at napapagitnaan nila nito ni Shamy. "Hi ladies, would you like to grab a drink?" Nagkatinginan naman silang tatlong babae nang makahulugan. Ipinarating niya sa mga ito na ayaw niya at halatang ganoon din si Shamy. Ngumiti ng alanganin si Rose sa Sir Martin nila at magalang na tumanggi. "Naku, Sir... late na po kasi..." Anito. "Tsaka hinihintay na po ako sa bahay.. Ewan ko lang po dito sa dalawa kung gusto nila." Dagdag pa ni Rose at nang-aasar siyang nginitian. Iyon lang! Sarili lang pala nito ang ililigtas nito! Makakatikim ng kurot itong babaeng ito sa kanya bukas! "Pasensiya na sir, may kailangan pa po kasi akong daanan bago umuwi." Agad namang tanggi ni Shamy sa Sir Martin nila. Bigla tuloy napatingin sa kanya ang tatlo. Shit! Nasa hot seat na naman siya bigla. "How about you, Rona?" Nakangiti pang baling sa kanya ni Sir Martin. Para tuloy gusto niyang itanong dito na 'are you serious, sir?' Makailang beses na nga niya itong tinanggihan at iniwasan hanggang sa binasted na niya ito ng harapan, pero hindi pa rin ito titigil? Sobrang ganda ba niya para-- "Uhhm!" Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng malakas na tikhim na iyon at para siyang nakahanap bigla ng tagapagligtas nang makita niya sa harapan nila si Axell. Nakatayo ito roon at nakatingin sa kanya na blangko ang ekspresyon sa mukha. Kung anuman ang dahilan nito kung bakit ito nandoon ay mamaya na niya itatanong! Ang importante ngayon ay maitaboy niya palayo si Sir Martin! "Ah, Sir... pasensiya na po, may sundo po kasi ako... Sige po mauna na ako sa inyo. Bye girls!" Nakita niya ang gulat sa muka nina Rose at Shamy, lalo na ang una nang makita si Axell! Pero hindi na lang muna niya inisip ang tsismis na mabubuo tungkol sa kanya dahil ang mas impprtante ngayon ay makaiwas siya kay Sir Martin! Nakakainis na kasi. Napapagod na siyang umiwas rito. Prinangka na niya ito pero tuloy na naman ito sa pangungulit! Kaya mas mabuti pa sigurong magsinungaling na lang siya rito pati na rin sa mga katrabaho niya na may jowa na siya para matahimik na ang mga ito. Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ni Axell at kaagad siyang humawak sa kanan nitong braso. Nakatingin lang naman ito sa kanya at wala namang bakas ng pagkontra sa reaksiyon nito. Para ngang naa-amuse pa ito sa kanya pero hinayaan na lang niya. "Halika na!" Mariin niyang bulong dito at hinila na ito palayo. Pero isang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang bigla nitong hilahin ang braso mula sa mga kamay niya! Nanlaki tuloy ang mga mata niya rito sa takot na mabuking siya nina Rose! Pero agad na lang siyang napakurap-kurap nang ipulupot rin naman agad nito ang brasong iyon sa baywang niya sabay giya sa kanya sa kabilang direksiyon. "This way, sweetheart." Malambing at medyo malakas nitong sabi na siguradong narinig ng mga nasa likod! Bigla tuloy siyang napangiti. Siguro naman ay tatantanan na siya ni Sir Martin dahil ang alam nito ay may bago na siyang boyfriend. Di naman pala kalayuan ang kinapaparadahan ng kotse ni Axell dahil malalim na ang gabi kaya marami na ang bakante sa parking lot sa harap ng mall. Doon pala ito nag-park. At para makasiguradong mapapaniwala niya ang mga katrabaho niya na 'taken' na siya ay talagang sumakay siya sa kotse ni Axell nang pagbuksan siya nito ng pinto sa tabi ng driver's seat. Pakiramdam kasi niya ay nakatanaw pa ang nga ito sa kanila ni Axell, lalo na si Rose na isa sa mga pinakatsismosa niyang katrabaho! Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang nakaupo na siya sa loob ng kotse nito. Hayy salamat! Lihim pa niyang usal sa sarili niya. Nang makapasok at makaupo na si Axell sa driver's seat ay hindi muna nito pinaandar ang kotse nito bagkus ay tahasan lang siya nitong tinitigan. Binalewala na lang niya iyon at naisip magtanong. "Bakit nga pala nandito ka pa? May pupuntahan ka ba rito? May kikitain ka ba?" Pormal niyang tanong. Magsosorry na lang siya kung maaabala niya ito saglit. "To fetch you." "Huh?!" Tama ba ang dinig niya? At tama ba ang intindi niya? Sinusundo talaga siya ni Axell kaya ito nandoon? Pero bakit?? "Tsk. Do I always have to repeat everything I say?" Bigla siyang napakurap-kurap dito. Sinusupladuhan ba siya nito? Tsaka bakit naman siya nito susunduin? Close ba sila? What she means is... Magkaanu-ano ba sila para sunduin siya ni Axell? "Bakit mo ako sinusundo? Iyon ang ibig kong sabihin." Pairap niyang sagot. "Why? May masama ba roon?" Wala naman siguro. Actually natulungan pa nga siya nito.. "Pero...." "Why didn't you call me even for once? You have my business card. You already knew who I really am. You have my office address and you personally know where is my condo. Why didn't you contact me?" Bigla ay usig nito sa kanya. Pakiramdam niya ay masyado itong frustrated. Bakit ba ito mukhang galit? Dahil lang doon? Bakit? Pagkatapos ba ng mga nangyari sa kanila ay required na mag-usap pa sila?? At dapat ba na lagi silang magkita? "Bakit... kita tatawagan?" tanong niya kahit lihim nang bumibilis ang t***k ng puso niya. Kung sa makipagcommunicate pa kay Axell, gusto niya! Gustung-gusto niya! Pero ang pag-iwas lang dito ang tanging paraan para maprotektahan niya ang puso niya na tuluyang mahulog dito. "Damn it. You can't just play innocent to me, baby." Sa pagkagulat niya ay bigla na lang dumukwang si Axell sa kanya at mariing hinalikan ang mga labi niya. "T-Teka--" Hindi siya nito pinayagang magprotesta at kinabig pa ng mariin ang batok niya. Shet! Hayan na naman ang masarap na halik ni Axell. Naamoy niya ang mabango nitong hininga at nalasahan niya ang masarap nitong laway. At nang pilit ipasok ni Axell ang dila nito sa loob ng bibig niya ay tuluyan na siyang nadarang. Napayakap na rin siya sa batok ni Axell at wala nang pag-aalinlangang gumanti ng halikan dito. Ngayon niya tuluyang napagtanto kung gaano niya na-miss si Axell! Kung gaano niya lihim na hinahanap-hanap ang mga halik at yakap nito... Ang maiinit nitong hapos at sarap ng mga pagbayo nito. Naramdaman niya ang paglapat ng kamay ni Axell sa ibabaw ng suot niyang blouse. Hindi na iyon ang uniform niya sa trabaho dahil nakasanayan na niyang magpalit ng blouse bago at pagkatapos ng trabaho niya. Naramdaman na rin niya ang kaliwang kamay ni Axell na humahaplos na sa hita niya.. pataas... pataas pa hanggang sa maabot nito ang singit niya at boluntaryo niyang naibuka ang mga hita niya. Malandi! Malanding babae! Hindi nito ipinasok ang mga daliri sa loob ng panty niya bagkus ay nilaru-laro nito ang hiwa niya sa labas lang ng panty niya. Ramdam niyang agad iyong nabasa. Sobrang nasasabik na naman siya kay Axell! "Axell... please...." daing niya rito. Gusto niyang haplusin siya nito sa pekpek niya! Gusto niyang ipasok nito ang daliri nito sa lagusan niya! Pero mukhang sadya yatang binibitin siya ni Axell at nanatili lang sa labas ng panty niya ang mga daliri nito kahit alam nitong laway na laway na siya sa ibaba niya. "Where do you want us to go, sweetheart... my place or your place?" "Ughhh.." Oh gosh, hindi na siya makapaghintay! "Sa condo mo na lang..." napapakagat-labi niyang sagot kay Axell. "If you say so, sweetie..." Binitiwan na siya nito at tuluyan nang pinaandar ang kotse nito. Mabilis nitong minaniobra ang kotse at habang nasa biyahe ay kinuha nito ang kamay niya at inilagay sa ibabaw ng pantalon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD