Chapter 20 - Missing Him

1800 Words
"Oh, ano? Simulan mo na ang pagkukwento!" Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil sa gulat kay Becka nang pagpasok niya ulit sa boarding house ay bumungad agad ito sa harap niya. Mukhang sadyang hinihintay nitong makabalik siya para masimulan na ang pag-uusisa. "Akala ko ba matutulog ka na? May trabaho ka pa mamaya, di ba?" Tanong niya at nilampasan na lang ito. Dumiretso siya sa kusina at uminom ng tubig. Para kasing nauhaw na naman siya. Pasimple naman na niyang nainom kanina ang gamot para maiwasang mabuntis siya kaya wala nang problema. Si Becka na lang talaga at ang kakulitan nito. "Sa palagay mo ay makakatulog ako agad pagkatapos kong madatnan sa kwarto mo ang Axell mo at pareho kayong nakahubad? Buti na lang may takip na unan iyong ano niya!" "Natuwa ka naman na nakakita ng katawan ng lalaki?" paismid niyang tanong. Baka akala niya ay hindi niya napansin kanina kung paano itong napatitig sa dibdib ni Axell! "Ano?! Oy, babae. Wag mo ngang ibahin ang usapan. Tsaka napatingin lang ako, siyempre may mga mata ako, noh! Tsaka malay ko bang may itinatago kang lalaki sa kuwarto mo kanina. My God, girl! Ang landi-landi mo na! Pero ayos lang yan, boto ako diyan kay Axell mo!" bigla ay ngumisi ito sa kanya ng pilya. "H-Hindi ko siya Axell! Hindi siya sa'kin. Hindi ko naman siya boyfriend tsaka sinabi ko mismo sa kanya na ayaw ko siyang maging boyfriend." Umupo siya sa upuan dahil parang napagod na naman siya. Nangangalay din ang mga hita at balakang niya at medyo mahapdi pa ang p********e niya. "Ano? Sinabi mo talaga 'yon sa kanya? Pagkatapos ng mga nangyari sa inyo? Ano'ng sabi niya?" Mala-tsismosa nitong tanong. Bumuntong-hininga naman siya bago sumagot. "Wala. Parehas lang naman kami ayaw ng commitment. s*x lang ang gusto namin sa isa't-isa." aniya. "Sure ka ba diyan? Parang hindi naman, eh. Eh di sana dinala ka na lang niya sa hotel at hindi iniuwi rito." anito habang umuupo na rin sa silyang nasa tapat niya. Napatitig naman siya rito dahil sa sinabi nito. "Talaga?" "I think so... Kaso kung s*x lang ang habol niya, iiwan ka na lang niya nang basta-basta. Pero tingnan mo, naki-join pa nga sa'tin sa pagkain--" "Pinilit mo kasi!" "You're wrong, girl! Isang beses ko lang siya niyaya at um-oo naman agad siya." "Baka gutom lang siya." rason pa niya. Sa mga ginawa nila ni Axell kagabi hanggang madaling araw ay malamang nagutom talaga ito. "Tss.. Ewan ko sa'yo! Pero teka, kailan ba talaga kayo nagsimulang magsex?" Muli ay tanong nito. Nangalumbaba pa ito at tinaasan siya ng kanang kilay. "Mahabang kuwento. Basta alam mo naman na pagkatapos ni Carl, ayaw ko na ulit makipagrelasyon. Kinukulit pa niya ako noon tapos nagkita kami ni Axell.. Uminom kami at... iyon na." "Pinilit ka ba niya noong una?" Bigla ay parang naging seryoso si Becka kaya agad siyang umiling dito. "Pero alam mo Rona... Parang pamilyar iyang si Axell sa akin. Parang nakita ko na siya dati pa... Di ko lang matandaan--" "Baka naman naka-one night stand ka rin niya?" agad niyang hula habang napataas na rin ang isang kilay niya. Gilalas namang napatitig sa kanya si Becka hanggang sa hinampas nito nang may kalakasan ang braso niya. "Sira! Ano'ng akala mo sa'kin?! Baliw kang babae ka! Basta parang pamilyar talaga siya. Dati ko pa iyong naiisip pero hindi ko talaga maalala." Nagtataka naman siyang napatingin kay Becka. Kung sakaling nakilala na nito noon si Axell, bakit wala man lang rekognasyon sa mga mata ni Axell nang makita nito si Becka? Kanina lang naman ang first time na nakita ni Axell si Becka dahil noong una ay malayo na sila sa grupo nito at bahagya pang nakatalikod dito si Becka. Kung sakali mang kilala na talaga ni Axell si Becka, sana ay nahalata niya iyon kanina. Pero wala talaga siyang napansin na kakaiba kay Axell sa pakikiusap nito kay Becka. Dapat ba siyang mag-alala? Pero bakit naman? Sabi naman ni Becka ay sure itong hindi nito naka-one night stand noon si Axell. So bakit siya mag-aalala? At bakit nga ba kailangan pa niyang isipin iyon gayong 's*x' lang naman ang gusto nila ni Axell sa isa't-isa? "Siya, sige na muna. May utang ka pang kwento sa'kin ha. Inaantok na talaga ako kaya matutulog na ako." Agad na ring tumalikod si Becka at pumasok na ito sa kwarto nito. Napabuntong-hininga na lang siya at pumasok na rin sa kwarto niya. Naka-leave naman siya ngayon kaya makakapagpahinga siya buong araw. Kailangan niya rin talaga ng mahabang oras ng pahinga dahil sa pinaggagawa nila ni Axell. Pagpasok niya sa kwarto ay napangiti pa siya nang makita ang ginamit nilang foam ni Axell na nakasandal na sa pader. Naiiling na lang siya sa sarili niya dahil sabik na sabik din talaga siya kay Axell kagabi. Hindi siya maka-hindi! At hindi naman siya nagsisisi dahil nag-enjoy siya at sobrang nasarapan. May kung anong craving siyang na-satisfy. Hihiga na sana siya sa kama nang mahagip ng mga mata niya ang hindi pamilyar na maliit na papel sa maliit na side table niya. Nilapitan muna niya iyon at kinuha. Calling card ni Axell. At nag-iwan pala ito ng calling card, huh? BRUCE AXELL MARTINEZ CEO, FM Pharmaceuticals FM Pharmaceuticals--sa kanya iyon?? Agad siyang napamaang sa reyalisasyong iyon. Malaking kumpanya ang FM Pharmaceuticals at isa ito sa mga nangunguna sa pagmamanufacture ng mga gamot dito sa Pilipinas! Ang alam niya ay mayroon itong malalaking laboraties dito sa bansa! Tapos ay mayroon din itong sariling Pharmacy--Ow, kaya pala ganoon na lang kakumpyansa si Axell na hindi talaga siya nito mabubuntis dahil sigurado talaga ito sa ibinigay nitong gamot sa kanya. Now she understands why. Pero bakit parang down to earth naman si Axell sa kabila ng tagumpay nito? At bakit sabi nito ay tumira rin ito sa isang pangit na apartment? Heto na naman siya sa pagiging curious kay Axell kaya ipinilig niya ang ulo niya. s*x lang ang namamagitan sa kanila! s*x!! Tiningnan niya pa ang ibang nakasulat sa calling card nito. Nandoon ang cellphone number nito maging ang office address nito. Pero walang nakalagay na home address nito. Bakit sa condo lang nakatira si Axell kung mayaman naman ito at afford nitong bumili ng mansiyon? Tssk! Bakit na naman ba niya pinoproblema iyon? Hays. Inilagay na lang niya ang calling card ni Axell sa loob ng drawer niya. Walang dahilan para tawagan niya ito o kitain niya ito. Wala siyang balak makipagrelasyon dito kaya bakit pa siya makikipaglapit dito? Humiga na siya sa kama niya at pinilit matulog. Tapos na ang libog kaya back to reality na siya. LUMIPAS ang mga araw na nangangati na ang mga kamay niyang itext man lang si Axell. Ok, aaminin niya sa sarili niya na nami-miss niya ito! At gustung-gusto na niya ulit itong maka-s*x, putcha! Dahil kay Axell, parang lagi nang nangangati at nababasa ang 'ano' niya! Naging malibog na yata talaga siya! Pero hindi naman siya naaakit sa ibang lalaki. Bakit kaya ganoon? Pero kahit gaano niya gustong makita at makasama ulit si Axell ay pinigilan niya ang sarili niya na kontakin ito. WALA SILANG RELASYON. Iyon ang katotohanan. Isa pa, ipinangako niyang hindi na siya maghahabol at magkakagusto sa isang lalaki, di ba? Kaya sarili na mismo niya ang kinokontra niya ngayon. ••••• "Uy, Rona, binasted mo ba talaga si Sir Martin?" Napalingon siya kay Rose nang bigla itong sumulpot sa likod niya habang inaayos niya ang mga pera sa kaha niya. Wala silang masyadong customer ng mga sandaling iyon dahil lunch time pa. Mamaya rin pag lunch break na nila ay magsasalitan na lang silang mga cashier sa pagkain para may tatao pa rin sa mga kaha. "Kanino mo naman narinig ang tsismis na 'yan?" Hanggat maaari kasi, ayaw niyang mapahiya ang Sir Martin nila dahil binasted niya ito. Baka isipin pa ng iba na masyado siyang feeling maganda kaya binasted niya ang supervisor nila. Supervisor na yan nila ha! Gwapo at mabait rin naman. Siguro rin ay hindi naman ipagkakalat ng Sir Martin nila na binasted niya ito, ano? Kaya saan kaya nalaman ni Rose ang tungkol doon? Matapos nga ang pangyayaring iyon sa restaurant ay ilang araw pa at linggo ang nakalipas na wala namang nakaalam sa pangyayaring iyon. Kaya bakit natsismis bigla? Dahil ba kay Mila?? Oo nga pala, kailangan pa niyang kumprontahin at pagsabihan ang babaing 'yon! Pero sinasadya yata nitong pagtaguan o iwasan siya kaya halos hindi na niya ito nakikita. "Diyan lang, sa tabi-tabi." Ani Rose sabay abot ng isang libong papel. Kunwari ay nagpapapalit ito ng barya para di mahalatang kumakalap ito ng balita. Napaismid siya rito bago kinuha ang isang libo at pinalitan ng ilang dadaanin, tag sisingkuwenta at mayroon ding barya. "Magtrabaho na lang kayo hindi kung anu-anong tsismis ang pinagkakaabalahan niyo. Mabait lang talaga si Sir Martin, na-misinterpret niyo lang ang pakikipagkaibigan niya sa akin." Palusot niya. "Ows? Di nga? Halata namang may gusto siya sa'yo Rona. Bibigyan ka ba niya ng mga bulaklak at chocolates kung hindi siya nanliligaw? Wag mo nga akong gawing bata!" anito at pinanlakihan pa siya ng mga mata. "Hindi talaga iyon para sa'kin kaya tigilan niyo na ang kaka-tsismis tungkol sa amin." "Huh?" Hindi na lang niya pinansin ang reaction ni Rose at mabuti na lang ay saktong may pumila na sa counter niya. Di rin nagtagal ay halos sunud-sunod na ang mga pumipila sa counter nila kaya nawalan na ulit ng pagkakataon si Rose na lapitan siya at usisain. Nauna na lang din siyang kumain kay Rose at sa ilang mga alam niyang may pagka-tsismosa at binilisan pa niya ang kain niya. Nang gabi na, nang malapit na siyang mag time-out sa trabaho niya ay papaunti na ang mga customers nila kaya may mga mangilan-ngilan na lang na pumipila sa mga counter. Ngayon kasi ay closing shift na ulit siya dahil ibang buwan na naman. Busy na siya sa paghahanda nang may maglagay ng ilang bote ng alak at ilang mga inumin at pagkain sa counter niya. Sa gilid ng mga mata niya ay napansin niya kaagad na lalaki iyon dahil sa suot nitong pantalon at sapatos. Binitiwan muna niya ang ballpen na hawak niya at inihanda ang isang magandang ngiti sabay baling sa customer. "Do you have a loyalty card, Si--" Agad naputol ang sasabihin niya nang makita ang lalaking customer. A-Axell?? Nagkita na naman sila sa di inaasahang pagkakataon? Sinusundan ba siya nito?? Sinadya ba siya nitong puntahan doon dahil hindi niya ito kinontak kahit nag-iwan ito ng calling card? O baka namamalik-mata lang siya dahil sa pagka-miss niya rito? Kumurap-kurap siya at tinitigan ang lalaki. Si Axell nga! Saka lang niya napansin na nakatulala na rin pala ito sa kanya at tila di makapaniwalang nagkita na naman silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD