Chapter 27 - His Family

2141 Words
"New shoes?" Natigil si Rona sa paghakbang nang pansinin ni Axell ang bago niyang sapatos nang tumayo siya para kumuha ng box na paglalagyan niya ng mga pinamili nitong mga inumin at ilan pang grocery items. Nandoon na naman kasi ito sa pinagtatrabahuhan niya para mamili ng mga inumin sa condo nito at para na rin sunduin siya dahil pauwi na rin siya maya-maya lang. Day off niya bukas at gaya ng nakagawian nila ni Axell ay sa condo siya nito uuwi mamaya at doon na magpapalipas ng gabi. Siyempre, ilalabas na naman nila ang init ng katawan sa isa't-isa pero hanggang 3 rounds lang kahit madalas ay gustung-gusto pa niyang dagdagan! Kailangan niyang panindigan ang sinabi niya bilang boundary na rin sa damdamin niya. "Ahm.. Oo.. Bigla kasing nasira ang sapatos ko." Aniya at nginitian ito ng tipid. Wala siyang balak ipaalam dito na si Michael ang bumili niyon para sa kanya. Baka kasi magtanong pa ito kung sino si Michael at masabi pa niya rito at humaba pa ang usapan nila. Wala naman talagang sila. Strangers with benefits nga lang sila eh. Doon lang siya sa safe zone kung ano lang ang kasunduan nilang dalawa. "Hmm. Why didn't you tell me? Naibili sana kita—" "Ano ka ba? Ang dami mo na ngang ibinigay sa'kin eh. Kaunti na lang baka maisip ko nang sugar daddy kita." Pabirong sabi niya bandang huli. Pabulong lang din niya iyong sinabi para di na marinig ng iba, lalo na ng mga katrabaho niyang inborn na yata ang pagiging tsismosa. "I don't intend to make it look like that. I just want to provide your needs while we're in this arrangement. Baka lang kasi maisip ng iba na pinababayaan kita. People around you know that I'm your boyfriend, right? I don't want anyone to think poorly of me, or of our relationship." Paliwanag nito na naunawaan rin naman niya. Siyempre nga naman, mayaman ang boyfriend niya tz sira-sira ang mga gamit niya? "Next time sasabihin ko na sa iyo pag may kailangan ako." nakangiti na lang niyang pagtatapos sa usapan nila dahil natanaw niya na ang isa pang papalapit na customer na pipila na rin sa lane niya. Matapos ang trabaho niya ay agad siyang sinalubong ni Axell sa exit ng mall at sabay na silang pumasok sa nakaparada nitong kotse. Agad na rin silang bumiyahe papunta sa condo nito. "Are you tired?" Natigil siya sa pagtatanggal ng make-up niya dahil sa tanong na iyon sa kanya ni Axell kasabay ng pagyakap nito sa kanya mula sa likod. Hinalik-halikan din nito ang batok niya at nagsisimula nang humimas sa magkabilang baywang niya ang mga kamay nito. Halatang nag-iinit na naman agad ang malibog na lalaki! "Hindi naman..." Puwede naman niya iyong hindi sagutin, sa totoo lang, dahil parang personal na iyon masyado. Nakakaramdam din siya ng kaba sa kalakip na lambing sa tono ni Axell. Para kasing iba na ang tinutungo ng kasunduan nila sa tuwing parang nagiging sweet na ito sa kanya kahit hindi naman kailangan. Natatakot siya... Paano kung... in-love na pala siya kay Axell at masanay siya sa sweetness nito sa kanya pero biglang darating ang araw na tatapusin na nito ang mayroon sila?? "Are you hungry?" May lambing ulit nitong tanong at bumaba na sa puson niya ang mga kamay nito. Ang mga halik naman nito ay nasa tenga na niya. Hindi pa nga siya nakakapaglinis ng katawan niya ay mukhang gusto na talaga nitong bumaon sa lagusan niya! "Hindi pa naman...." Sagot niya habang umaatake na naman ang kanyang karupukan! Napapikit pa siya at ninamnam ang bawat haplos at halik ni Axell sa katawan niya. Daig pa nila ang magjowa sa mga ginagawa nila! Para na silang mag-live-in partner! Tsk. Iyon nga lang, peke lang ang 'relasyon' nila. Mabilis na nahubad ni Axell ang suot niyang blouse at nang naalis na nito ang pagkaka-hook ng bra niya ay bigla namang tumunog ang cellphone niya. Medyo nagulat pa siya at nagtaka kung sino ang tumatawag dahil hindi naman mahilig tumawag sa kanya si Becka. Once in a blue moon lang iyon kung tumawag sa kanya maging ang Mama niya at mga katrabaho niya. Si Axell lang naman ang madalas na tumatawag sa kanya. "Who might that be?" Curious na tanong ni Axell at tumigil pa ito sa paghalik sa kanya. Hindi kasi niya agad sinagot ang tawag dahil naisip din niyang baka missed call lang naman iyon. Pero hindi talaga tumigil sa kaka-ring ang phone niya kaya napilitan na siyang kumalas kay Axell. "Di ko alam..." Sagot niya kay Axell habang hawak ng isang kamay niya ang bra niya para hindi iyon malaglag at tumambad ang hinaharap niya habang hinahalungkat naman ng isa niyang kamay ang cellphone sa bag niya. Nahanap naman niya iyon agad at natigilan siya nang makitang si Michael ang tumatawag. Bakit naman kaya tumatawag si Michael sa kanya?? Ngayon pa talagang kasama niya si Axell. Tsk! "Who's calling?" Nasa likod na pala niya si Axell at sakto namang pinindot na niya ang answer button. Baka kasi may importanteng sasabihin sa kanya si Michael tungkol kay Shane o sa pamilya niya. Nilingon na lang niya si Axell at hindi na nag-abalang sagutin ang tanong nito. Malalaman din naman nito kung sino ang tumatawag sa kanya. "Michael... Napatawag ka?" Medyo masigla niyang bati nang sagutin niya ang tawag. Kitang-kita naman niya kung paano nangunot ng todo ang noo ni Axell pagkarinig sa pangalang binanggit niya. Tumunghay pa ito sa kanya at parang walang balak na bigyan siya ng privacy! "Hello, Rona. Yayayain sana kitang magdinner tonight. I just need your help about something. Puwede ba?" ani Michael sa kabilang linya. Mabuti na lang at hindi narinig ni Axell ang sinabi nito dahil masama ang kutob niyang baka ikagalit nito iyon. "Ha? Eh... Pasensiya na Michael, may lakad din kasi ako ngayon eh." sagot niya sabay sulyap muli kay Axell na bahagya pang napataas ang kilay. "Ah, ganoon ba? Ok lang. Next time, maybe?" "Next time pag may free time ako..." Nakangiti niyang sabi bago sila nagpaalaman. Pagbaling niya kay Axell ay halatang galit ito. "Who is that Michael and what 'next time' are you talking about?" tila nagpipigil sa galit nitong tanong. Napakunot-noo naman siya. Bakit ito nagtatanong ng ganoon? Wala naman na yata itong pakialam kung sinuman si Michael, di ba? At bakit ba ito nagagalit? Bakit halatang nagdedemand ito ng sagot sa kanya? "Kakilala ko...matagal na. Nagkita kami sa mall noong nakaraan at nagkakumustahan." sagot niya pa rin dito para tumigil na ito. "Why did he call?" Tanong pa nito habang titig na titig pa rin sa kanya at tila di naman nabawasan kahit kaunti ang inis nito. "Niyayaya niya akong lumabas pero tumanggi ako, di ba? Kailangan lang daw niya ang tulong ko para sa isang baga—" "Are you having s*x with him?" putol nito sa kanya na ikinatigagal niya. At sa hitsura nito ay mukhang galit na galit talaga ito. Ano ba ang problema ni Axell?! Tumawag lang sa kanya si Michael ay kung anu-ano na ang itinatanong nito sa kanya! Wala naman iton karapatang magtanong, ah! Wala siyang obligasyong magpaliwanag ng kahit ano dito! Nagtagis ang mga ngipin niya sa tanong nito sa isiping inaakala nitong madali lang sa kanya ang makipagtalik sa iba. "Anong klaseng tanong yan, Axell? At bakit ka nagtatanong ng mga ganyan? Kaibigan ko lang si Michael at hindi ako nakikipag-s*x sa kanya! Pero bakit ba ako nag-eexpalin sa'yo? Malinaw naman ang usapan natin, di ba? Walang pakialaman sa isa't-isa at s*x lang ang namamagitan sa ating dalawa! Ano'ng akala mo sa'kin, porket nagpapakantot ako sa'yo kada linggo ay kaladkaring babae na ako? Hoy Axell, ikaw pa lang ang lalaking nakakagalaw sa akin!" Hindi na niya napigilang singhal dito. Kaya nga ayaw na niyang mag-boyfriend eh kasi isa ang LQ sa mga iniiwasan niya, pero parang ganoon din naman pala! Bigla namang lumambot ang expresyon ni Axell matapos ang mga sinabi niya. Lumapit pa ito sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang magkabilang braso niya. "I-I'm sorry baby if I went overboard. I just remembered someone I hate with that name." Agad naman nitong paghingi ng pasensiya. Tatanungin niya sana kung bakit at kung sino sa buhay nito ang tinutukoy nitong kapangalan ni Michael na ikinagagalit nito pero naisip niyang labas na siya roon. Bumuntong-hininga siya at saka muling nagsalita. "Mag-stick na lang tayo sa usapan natin, ok?" "Alright. Ayaw na ayaw ko lang na may umaagaw ng sa akin. While we have this agreement, you're mine and I'm yours. That's our deal." Tumango siya kay Axell at pagkatapos niyon ay unti-unti namang bumaba ang mukha nito sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata niya at hinintay na lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya habang tuluyan niyang kinakalma ang sarili niya. Exclusive s*x buddies lang sila ni Axell, hindi sila lovers! Iyon ang pinakatatandaan niya! Paisa-isa nilang hinubad ang mga saplot ng isa't-isa at nang pareho na silang hubo't-hubad ay binuhat siya ni Axell at dinala sa shower room. Isang beses silang nagniig doon habang naliligo bago sila lumipat sa kama at doon naman nila ginawa ang second round nila. Matapos iyon ay saka lang sila kumain ng dinner at nakatulog na siya. SAMANTALA, pagkalipas ng ilang minuto nang makatulog na si Rona ay napatitig naman si Axell sa dalaga. Nagtagis ang mga bagang ni Axell nang maalala niya ang pangalang binanggit ni Rona. Michael.. Of all the names, bakit kapangalan pa ng taong kaaway niya ang kaibigang iyon ni Rona? He also needs to know kung sino ang Michael na tumawag kay Rona. If that Michael looks like a threat to him, he will have to make that Michael stay away from Rona! Michael... his cunning half-brother. Naalala na naman tuloy niya kung paano siya itinaboy ng asawa ng Daddy niyang si Mario Villarial na si Carmen Villarial nang ibilin siya ng Mommy niya sa Daddy niya more than 10 years ago bago namatay ang Mommy niya. That time, mahirap pa sila sa daga dahil sunud-sunod ang pagkakasakit ng Mommy niya. Hindi rin niya alam noon na pinalayas pala noon ang Mommy niya ng Lolo at Lola niya nang nabuntis ito ng isang lalaking nakatakda nang ikasal sa iba, sa babaeng tunay nitong mahal. Pero ang masakit ay hindi siya kinilala ng Daddy niya. But when his Mom was almost dying ay dinala pa siya nito sa mansiyon ng Daddy niya only to be kicked out by that Carmen Villarial and her son Michael, his half brother. Ipinagtabuyan siya at ang Mommy niya ng mga ito at wala namang ibang ginawa ang walang kuwentang Daddy niya kundi tingnan lang sila habang kinakaladkad na sila palabas ng gate ng mga guwardiya ng mga ito! He hates his Dad and his family! And he hates Michael more because after that incident, Michael even visited them in their lousy apartment to bribe them to never visit their dad again! Wag na wag na raw siyang babalik sa bahay ng mga ito at sobrang nainsulto pa siya nang tapunan siya nito ng isang bungkos ng pera! Michael was only a teenager then pero may lakas-loob itong apak-apakan siya! Kung hindi lang nagkasakit noon ng malubha ang Mommy niya ay hindi naman sana sila maghihirap ng ganoon. Hindi sana ito lalapit sa Daddy niya para ibilin siya at hindi sana nila ng Mommy niya dadanasin ang ganoong kahihiyan at pangmamaliit! So he promised himself na hinding-hindi na niya kikilalanin ang walang kuwenta niyang ama! Never! After his Mom died, doon pa lang siya kinuha ng Lolo at Lola niya sa mother's side hanggang sa ipamana na ng mga ito sa kanya ang pharmaceutical company. Medyo masama ang loob niya sa mga ito noong una dahil nalaman niyang itinakwil pala ng mga ito ang Mommy niya nang malamang ipinagbubuntis siya. Pero nakipag-ayos naman daw ang mga ito sa Mommy niya ngunit matigas na tumanggi ang Mommy niya. Umaasa pa raw noon ang Mommy niya na mamahalin din ito ng kanyang ama at tatanggapin pa sila sa buhay nito. Pero walang nangyaring ganoon dahil pinabayaan lang sila ng ama niya. Walang pakialam sa kanya ang Daddy niya! Tinanggap na lang din niya sa buhay niya ang Lolo at Lola niya dahil ang mga ito na lang ang natitira niyang kapamilya noon at nakita naman niya kung gaano nagsisi ang mga ito sa pagpapalayas noon sa Mommy niya. Ilang beses pang nagsanga ang landas nila noon ni Michael pero pawang galit lang ang ipinapakita nila sa isa't-isa lalo at pinaparatangan pa siya nitong mukhang pera at mang-aagaw ng pamilya! At hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin sa puso niya ang galit para sa pamilya ng walang kuwenta niyang ama. At kung sinuman ang Michael na tumawag kay Rona, sisiguraduhin niya na hindi nito maaagaw sa kanya si Rona!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD