Chapter 26 - Old Acquaintance

1843 Words
Gaya ng usapan nila ni Axell ay nagkikita sila at least once a week. At gaya din ng kasunduan nila ay hanggang 3 rounds na lang ang s*x nila. Madalas ay tuwing bago ang day off niya sila nagkikita para di niya kailangang bumangon ng maaga kinabukasan. Hindi naman niya pinoproblema kung ma-late o umabsent man sa trabaho si Axell dahil labas na siya sa personal nitong buhay. Ganoon din ang patakaran niya rito. Bawal itong makialam sa personal niyang buhay o ni magtanong, kung magtanong man ay hindi niya kailangang sumagot o magpaliwanag dito. s*x lang ang usapan nila at ang pagpapanggap na magjowa, kaya iyon lang ang isasaisip niya. Nasabi na rin niya kay Becka na 'boyfriend' na niya si Axell at tuwang tuwa naman ang maingay niyang kaibigan. Gusto niya sanang sabihin dito ang totoo, pero baka maging kumplikado lang ang sitwasyon nila ni Axell. Siguro ay mas mabuting sila na lang ni Axell ang nakakaalam ng tunay nilang arrangement. At pag tumigil na sila ay sasabihin na lang niya kay Becka na break na sila! Napangiti na lang siya sa isiping iyon. "Aw, bwisit!" Muntik pa siyang masubsob sa mesa nang bigla siyang matalisod habang papunta na siya sa locker room. Paano ba naman, nakausli pala ang paa ng isang upuan sa gilid ng isang mesang nadaanan niya at hindi niya iyon napansin. "Ayst, tatanga-tanga kasi!" sermon niya pa sa sarili niya. Nang tingnan niya ang suot niyang black shoes ay nakita niyang nasira na ng tuluyan ang harap niyon. Iang beses na niyang idinikit ng maayos ang suwelas niyon dahil palagi nang ngumingiti ang sapatos niya. Hindi niya pinapalitan dahil minsan lang naman niya iyon nagagamit ng todo dahil nakaupo lang naman siya sa trabaho madalas. Pero ngayon ay tuluyan nang bumigay ang sapatos niya. Shit naman! Kailangan na tuloy niyang bumili ng bago. Hindi na niya iyon puwedeng isuot ulit dahil kapag nagawi na naman si Axell sa pinagtatrabahuhan niya at makita nitong sira ang sapatos niya ay paniguradong bibilhan siya nito ng bago. Mula kasi nang nagkaroon sila ng arrangement ay kung anu-anu na ang ibinibigay nito sa kanya. Well, more on gamit lang naman ang mga ibinibigay nito sa kanya kagaya ng bags, mga damit, gamit sa boarding house nila ni Becka maging stocks ng pagkain. Noong minsang maggrocery ito sa pinagtatrabahuhan niya ay nagulat pa siya sa kung anu-anong pinamili nito. Iyon pala ay mga supply nila iyon ni Becka sa boarding house nila! Pati ilang piraso ng magagandang upuan ay bumili rin si Axell para sa kanila ni Becka kasabay ng pagbili nito ng bagong kama niya! Tsk! Paano nila iyon madadala kung sakaling kailangan nilang lumipat ng boarding house ni Becka? Tssk. Pagtagal-tagal ay nagbihis siya ng blouse at nagpalit ng dala niyang tsinelas. Iyong tsinelas naman na maganda at pang-alis hindi 'yong pambahay lang. "Uwi ka na, Rona?" Tawag pansin sa kanya ni Noel, isa sa mga bagger nila at kasama nito si Felip na kapareho din nitong bagger. Kalalabas lang niya sa locker room kagaya ng mga ito. "Hindi pa, may dadaanan pa ako." aniya. Tumango at ngumiti na lang sa kanya ang dalawa at nagpatiuna na ang mga itong umalis. Maaga pa naman dahil pang mall opening ang shift niya ngayon kaya may oras pa siyang bumili ng bagong sapatos. Sa kabila ng pagkasira ng sapatos niya ay maagaan ang pakiramdam na tinungo niya ang department store sa mall ding iyon. Ngayon kasi ay wala na talagang nangungulit sa kanya. Tinigilan na siya ng tuluyan ni Sir Martin maging ng ilan ding nagtatrabaho sa mall na matagal nang nagpapapansin sa kanya. Effective talaga ang pagkukunwari nila ni Axell! Maging ang mga tsismosang katrabaho niya ay napagod na lang ding pag-usapan ang lovelife niya dahil nakikita naman ng mga itong 'masaya' siya kay Axell. Ang sabi pa nga ni Axell ay puwede siya ritong magpasundo kada uwian pero matigas na siyang tumanggi. Oo alam ng mga tao na 'boyfriend' niya ito pero ayaw naman niyang abusuhin ang arrangement nila ni Axell. Baka masanay pa siya at hanap-hanapin niya. Eh di siya lang din ang mahihirapan at masasaktan sa dulo kapag tumigil na sila sa kasunduan nila. Habang tumitingin-tingin ng mga sapatos sa department store ay bigla na lang may tumawag sa kanya kaya agad naman siyang napalingon para kilalanin kung sino iyon. At nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Michael! Si Michael na close friend ng half-brother niyang si Shane. Half-brother kasi kapatid lang niya si Shane sa ina. Oo, may bago nang asawa ang Mama niya. Correction, 'may asawa na' ang mama niya at nagkaroon siya ng kapatid dito, si Shane nga. Matanda lang siya ng tatlong taon dito at kasalukuyan ito ngayong kasama ng Mama at ng step-father niya. Siya lang talaga ang kusang lumayo sa mga ito. Ni hindi niya rin alam ang pangalan o apelyido ng tunay niyang ama kaya apelyido ng Mama niya ang dala-dala niya. At oo, isa siyang bastarda. "Michael? Oh my gosh! Ikaw nga! Ang tangkad mo na talaga at ang laki na ng katawan mo!" gulat niyang bulalas dito pagkatapos ay napanguso. Noong nasa poder pa siya ng Mama at step-father niya ay madalas niyang makita si Michael. Palagi kasi itong kasama ng kapatid niya kahit na malayo ang agwat ng edad ng mga ito. Matanda siya ng apat na taon sa kapatid niya at matanda naman sa kanya ng isang taon si Michael. In short, limang taon ang tanda ni Michael kay Shane. "Ikaw naman, pandak pa rin kagaya ng dati." Natatawa nitong biro sa kanya kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi ako pandak! 5'3" ang height ko at normal lang ang ganitong height sa mga Pilipino!" Nang umalis kasi siya sa bahay ng step-father niya ay kaka-eighteen lang niya noon. Iyon din ang mga panahong huling nakita niya si Michael, pero medyo payatot pa ito noon. Pero ngayon... malaki na ang katawan nito at lalo itong gumwapo! Na-appreciate niya lang pero wala naman siyang gusto rito kahit noon. "Really?" Pabiro nitong tanong pagkuway tiningnan ang hawak pa pala niyang sapatos. "Buying new shoes?" Seryoso na nitong tanong. "Oo, eh nasira kasi iyong sapatos na ginagamit ko sa trabaho." aniya rito. Hindi na rin niya binitiwan ang hawak niyang sapatos dahil iyon na ang bibilhin niya. Sinipat naman iyon ni Michael at tipid na ngumiti. "Hmm. Pumili ka pa ng iba at ako na ang magbabayad." Nakangiti pa nitong alok kaya agad siyang umiling-iling. "Ano ka ba! Alam kong mayaman ka pero hindi mo ako kailangang ilibre! May trabaho naman ako kaya afford kong bumili ng mga gamit ko." "Oh, come on! Sige na, ako na ang magbabayad niyan. Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita. Pumupunta ako sa inyo minsan pero hindi ka na raw doon bumibisita." "Eh... busy sa trabaho..." umiiwas ang tingin na pagdadahilan niya rito. "Ganoon ba? Why don't you join me for dinner para magkakumustahan naman tayo? Ok lang ba? Wala bang magagalit? It's just a friendly dinner. For old times' sake." masigla nitong pagyaya sa kanya. Parang kapatid na rin ang tingin niya kay Michael at pakiramdam niya ay ganoon din ito sa kanya. "Sige na nga!" Pagpayag na lang din niya maya-maya. Wala namang magagalit dahil wala naman talaga siyang boyfriend. Isa pa, makikibalita na rin siya kay Michael kung kumusta na roon ang pamilya niya. Nagti-text at tawagan naman sila minsan ng Mama niya, pero walang malalim na usapan. Hindi rin sila masyadong nagku-kwento sa isa't-isa. Ok naman sila pero siguro ay nasanay na lang talaga siyang mag-isa. Mag-isa sa buhay kasama si Becka. Napapayag na lang siyang ito na ang magbayad sa sapatos na napili niya at dinagdagan pa nito iyon ng isang pares. Gusto pa nga sana siya nitong ipamili ng mga damit pero matigas na siyang tumanggi at tinakot ito na hindi na siya sasamang magdinner dito. Ang dami na nga niyang damit dahil kay Axell, dadagdagan pa iyon ni Michael? Tsk. "So, kumusta? Saan ka pala nakatira? I heard from Tita Myrna and Tito Edcel na nangungupahan ka raw. Where?" curious na tanong ni Michael habang kumakain na sila sa isang sosyal na restaurant. Ilang beses na rin siyang niyayaya ni Axell na kumain sa labas pero lagi siyang tumatanggi dahil naiilang siyang kumain sa mga ganoong lugar. Pero ito kasing si Michael, kuntodo mangulit! Wala na tuloy siyang nagawa kundi pumayag na doon na sila kumain. Tsaka wala namang malisya sa kanilang dalawa dahil magkaibigan lang din naman sila. Iba talaga siguro ang nagagawa ng maturity, kasi dati hanggang ngitian at batian lang sila madalas. Ngayon ay nakakapagkwentuhan na sila bilang mga sibilisadong tao at kumakain pa sila sa labas. "Diyan lang, sa malapit." Aniya habang pasikrerong namu-mroblema kung alin sa mga kutsara sa harap niya ang dapat niyang gamitin sa dessert? Tssk. Andami naman kasing kutsara, iba-iba pa ng sizes! Iniiwasan din niyang magbanggit ng mga detalyadong bagay. Baka kasi puntahan pa siya roon ng Mama niya at pilit pauwiin. Eh mas masaya na siya sa tinitirhan niya ngayon kasama si Becka na itinuturing na niyang kapamilya. "Saan naman?" "Basta, diyan lang." aniyang muli. Hinding-hindi talaga niya sasabihin kay Michael. Tumango na lang ito at nirespeto ang desisyon niyang wag sabihin dito. "By the way, 4th year college na pala si Shane, alam mo ba? He's taking up criminology." pag-iiba na lang ni Michael ng usapan. "Oo, nabanggit sa'kin ni Mama. Mabuti at mukhang nagtitino na sa pag-aaral si Shane at hindi na madalas magbulakbol." Naiiling niyang wika. "Oo nga. Perhaps he's inspired. Nabanggit niya sa'kin one time na may natitipuhan siyang babae." Natatawa namang pagkukwento ni Michael. "Talaga? Binata na talaga si Shane. Eh ikaw ba, wala pa rin? Sa hitsura mong 'yan mukhang matinik ka sa mga babae." pabiro niya namang wika kay Michael. Bigla namang tumawa ng may kalakasan si Michael dahil sa sinabi niya. Nagsasabi lang naman siya ng totoo, ah, ano'ng nakakatawa? "You're still frank like before. But to answer you question, well, may nagugustuhan na rin akong babae. How about you?" "Ako? Uhmm.. Ano.. May boyfriend na ako." nag-aalangan niyang sagot sa tanong nito. Pero mukhang di naman nito napansin iyon dahil nagliwanag agad ang mukha nito at bahagyang ngumiti. "Really? That's nice. Buti at may nakakatiis sa ugali mo." Pabiro nitong hirit kaya pinaningkitan niya ito ng mga mata! Pero maya-maya lang ay nagtatawanan na ulit sila habang nagku-kuwentuhan ng kung anu-anong bagay. Hanggang sa matapos na silang magdinner at napansin niyang tatlong oras na pala silang magkasama mula pa kanina. "Where do you live? Ihahatid na kita." Alok ni Michael pagkalabas nila sa restaurant pero agad siyang umiling-iling. "Salamat na lang Michael, may dadaanan pa kasi ako." Pagsisinungaling na lang niya rito para hindi na ito mangulit. "Okay. Pahingi na lang ako ng number mo." Pagkabigay niya ng cellphone number niya kay Michael ay agad na rin silang nagpaalam sa isa't-isa. Magaan ang awrang sumakay siya ng jeep pauwi sa kanila. May bago na siyang sapatos tapos nagkita pa sila ng dati niyang kakilala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD