Chapter 2 – Kiss

1572 Words
“Oh, Rona, bakit nandito ka? Akala ko ba mamayang gabi ka pa uuwi?” Napaangat ang tingin niya kay Becka nang marinig niya itong nagsalita. Kaibigan niya ito at ito ang kasama niyang umuupa sa boarding house na iyon. Isa itong call center agent at sa gabi ang trabaho nito, siya naman ay cashier sa malapit na supermarket. Alam nito ang balak niya sanang pagpapabiyak kay Carl kagabi at makailang beses siya nitong tinutulan pero hindi rin siya nakinig dito. Iyon pala ay tama ang payo nito. Muli siyang yumuko dahil masakit ang ulo niya. Konte lang naman ang ininom niyang beer kagabi pero nasobrahan yata siya sa kaiiyak at napuyat pa siya dahil halos alas dos na ng madaling-araw siya nakauwi. “Hindi natuloy. Ang gagong iyon, nahuli kong may kahalikan sa labas ng condo niya!” “What? Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang pagmumukha non! Buti na lang nalaman mo kaagad na niloloko ka niya. Ano’ng ginawa mo? Sinugod mo ba?” “Wala…” Napapabuntong-hiningang sagot niya rito at maya-maya lang ay napaiyak na naman siya ng tahimik. Minahal niya naman ng totoo si Carl pero bakit niloko siya nito? “Tsssk. Wag mo nang iyakan ang walang kuwentang lalaking iyon. Alam mo kung ano’ng dapat? Mag-celebrate! Dahil at least nalaman mo kaagad na niloloko ka niya bago mo pa ibinigay ang sarili mo sa kanya. Mag-eenjoy tayo mamaya! Hindi mo na dapat pag-aksayan ng luha ang kagaya niya.” Kinagabihan ay niyaya siya ni Becka na pumunta sila sa bar. Buti na lang at day-off nito at nakapagpahinga rin siya kanina dahil day-off pa niya ngayon. Ang day-off niya kasi kahapon ay pang-last week pa. Sinadya niya talaga sanang magkasunod ang day-off niya para sana i-celebrate ng mas matagal ang Anniversary nila ni Carl pero mababalewala lang pala. Hindi siya fan ng mga bar pero dahil broken hearted siya ngayon ay pumayag na rin siya para makalimutan niya kahit pansamantala ang panloloko ni Carl sa kanya. Mag-eenjoy sila! At sisiguraduhin niyang sa mga susunod na araw ay mawawalan na siya ng paki sa ex boyfriend niyang manloloko! Oo, ex na niya si Carl kahit di pa sila nagbi-break dahil niloko siya nito. Siya na ang nagdecide at isu-surprise na lang niya ito! Patext-text pa sa kanya ang gago ng ‘Happy Anniversary’! Ang kapal ng mukha! Pagkatapos mambabae?! The fvck! “Ang ingay pala dito, Becka!” sigaw niya sa kaibigan niya habang papasok sila sa bar. “Ganoon talaga para mas masaya!” sigaw din nito pabalik sa kanya. Napapalingon siya sa mga taong nadadaanan nila na nakatayo pagkapasok sa entrance at maya-maya pa ay nakikipagsiksikan na sila sa mga tao para pumunta sa nakita nilang bakanteng mesa malapit sa dance floor. “Ako ang taya ngayon, pa-congratulate ko sayo dahil sa wakas ay nakalaya ka na sa boyfriend mong gago.” Umorder na si Becka ng maiinom nila. Hindi niya alam kung ano ang tawag sa inuming iyon basta’t pag-inom niya ay nalasahan niya agad ang kakaibang pait at init niyon lalo na nang humagod na iyon sa lalamuna niya. Muntik pa niya iyong maisuka pero pinilit niya iyong malunok. Nakakailang inom pa lang siya ay tila tinamaan na siya. Parang lumakas din ang loob niya at nawala ang hiya niya. Niyaya pa nga niya si Becka na magsayaw sila sa gitna. “Gago ka, Carl! Malalaman mo rin kung ano ang sinayang mo!” malakas niyang sabi nang nakabalik na sila sa mesa at muli nang tumutungga. Tumawa siya ng malakas at nakipag-umpugan ng baso kay Becka. “Sino ba siya sa akala niya, huh? Akala niya sobrang gwapo niya? Pwe! Kayang-kaya ko siyang palitan kahit ngayon na! Dare me!” malakas niyang hamon kay Becka na natatawa na rin sa kanya. “Gusto ko yan! Ganyan nga ang spirit! Sige, dahil single ka na ulit, pumili ka ng isang lalaking nandito. Then kiss him on the lips!” nakatawa rin nitong hamon sa kanya. “Kiss lang, Rona!” Sigaw pa nito nang lakas-loob na siyang tumayo at naghanap ng gwapo. Mangki-kiss na rin lang siya, siyempre gwapo ang hahanapin niya. Papatunayan niyang balewala na sa kanya si Carl! Inikot niya ang paningin niya sa paligid ng bar. Marami namang guwapo pero walang dating sa kanya. Bigla ay napatingin siya sa isang grupo ng mga nakaupong kalalakihan. Target spotted! Lumingon siya kay Becka at nginisihan ito, ngumisi rin ito pabalik sa kanya at nagsimula na nga siyang maglakad papunta sa grupo ng mga kalalakihang iyon. “Hi!” nang-aakit niyang bati sa apat na kalalakihan. Lasing na talaga siya! Pero keri pa naman. Infairness, ang ga-gwapo! Pero napakunot noo siya nang mapagsino ang isang lalaking naroon. “Ikaw…” pinaningkitan niya ng mga mata si Mr. Overpass! Oo, ito iyong nakabanggaan niya kagabi sa overpass! Pag minamalas nga naman. Good mood na sana siya eh, kaso mababadtrip na naman yata siya. “You again?” maang itong napatingin sa kanya. Nakaupo ito kaya tumingala ito sa kanya at umiling-iling. “What do you need?” tanong pa nito na tila iritable na. Nagkataong ito pa ang mismo ang nakaupo sa tabi ng kinatatayuan niya. “H-Hoy! Wala akong kailangan sa’yo! Malay ko bang nandito ka rin. Hmp.” Dinuro muna niya ito bago inirapan. Narinig naman niyang nagtawanan ang mga lalaking kasamahan nito at tumayo bigla sa tabi niya ang lalaking cute na balak sana niyang halikan kanina. Ito ang katabi ni Mr. Overpass, tsk. Pero ngayon ay nagbago na ang isip niya! Parang bigla kasi siyang nahimasmasan nang makita niya ang antipatikong lalaking nananatiling nakatitig sa kanya. “Hi, Miss. Ako nga pala si William. What’s your name?” biglang naglahad ng kamay sa kanya ang lalaking cute. William is the name pala huh. Sayang, hindi na siya interesado. Tiningnan niya lang ito pati ang kamay nitong nakalahad dahil wala naman talaga siyang balak makipagkilala rito, o kahit sino sa mga kasama nito. Kiss lang naman sana ang sadya niya pero abort mission na siya. “Pre, ipakilala mo naman kami.” Anang isang lalaking gwapo na katabi sa kaliwa ni Mr. Overpass sabay siko rito. Tumingin naman ulit sa kanya ang antipatikong lalaki habang nakataas ang isang kilay. “Kung makataas ng kilay akala mo bakla!” pabulong niyang sabi sa sarili niya saka itinaas sa mga ito ang kanang kamay niya at iniharap ang palad niya. “Akala ko kakilala ko, hindi pala. Sige.” Aniya sa mga kasama ng antipatikong lalaki at mabilis na siyang tumalikod sa mga ito. Pero nakakaisang hakbang pa lang siya ay may pumigil bigla sa braso niya kaya natigil siya sa paghakbang kasabay ng paglingon niya sa likod. “Ano’ng sabi mo?” mariing tanong sa kanya ni Mr. Overpass nang pabulong. Nakatayo na pala ito at ito mismo ang nakahawak sa braso niya. Tila may babala rin sa tono at tingin nito pero hindi siya natinag at inirapan pa ito. “Ang sabi ko—” Biglang naputol ang sinasabi niya nang bigla na lang nitong halikan ang mga labi niya! Nanlaki ang mga mata niya at sa sobrang pagkagulat ay tila tuluyan nang nawala ang espiritu ng ininom niya pero hindi pa rin siya agad nakagalaw palayo sa antipatikong lalaking nanghalik sa kanya! Smack lang naman ang kiss na iyon kaya agad rin nitong inilayo ang mukha sa mukha niya. “Say that to me again at hindi lang yan ang aabutin mo sa’kin.” Mariin pa rin nitong bulong sa kanya at bigla ay naguluhan siya. Napaisip pa siya. “Alin? ‘yong bakla?” naitanong niya bigla at huli na bago niya na-realize ang sinabi niya dahil muli na nitong hinalikan ang mga labi niya! At sa pagkakataong iyon ay hindi na iyon smack! Torrid kiss na iyon dahil may kasama nang dila at nagtagal iyon ng halos isang minuto! Siya naman ay natulala na lang bigla at lihim na inamin sa sarili niyang masarap palang humalik ang lalaking nasabihan niyang bakla. Narinig niya ang paghiyawan ng mga lalaking kasama ng antipatikong lalaking humahalik ng masarap sa kanya kaya biglang nagising ang tila nakatulog niyang diwa. Doon pa lang niya ito naisip itulak ng malakas at nagtagumpay naman siyang makawala sa paghalik nito pero nginisihan lang siya nito. Nakita niya sa gilid ng mga mata niya na nakangisi sa kanila ang mga kasama ng lalaking nanghalik sa kanya kaya nakaramdam siya ng pagkapahiya at agad itong sinampal! “Bastos!” sigaw niya sa antipatikong lalaki sabay martsa paalis, pabalik sa table nila ni Becka. Nakita naman niya kung paano napalitan ng pagtataka ang nakangiting mukha ni Becka kanina. At hanggang sa makabalik siya sa tabi nito ay nakakunot-noo pa rin ito. “Ano’ng nangyari? Bakit mo sinampal?” takang tanong agad nito sa kanya. “Bastos ‘yon eh. Basta na lang nanghahalik.” Aniya rito sabay dampot sa baso niya at lagok ng alak na nandon. Bigla namang tumawa ng malakas si Becka. “Eh di ba nandon ka para sa dare na kiss?” Nakangisi pa nitong tanong. “Ah, basta!” Nang lingunin niya ang kinroroonan ng bastos na lalaki ay nasalubong pa niya ang mga mata nitong nakatingin pala sa kanya. Samantalang ang mga kaibigan naman nito ay nagpatuloy na sa kuwentuhan. Binigyan niya ng pamatay na irap ang lalaking bastos na masarap humalik pero binigyan lang siya nito ng nakakalokong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD