“G@go ka, Carl! Baboy! Sana magkasakit ka ng AIDS t@ng-ina mo!”
Ilan lang iyan sa mga sigaw ni Ronabeth habang nasa gitna siya ng overpass sa taas ng isang MRT station.
Medyo nalasing yata siya sa ininom na beer in can na nabili niya sa tindahan, huh!
Kaya heto, inabot na lang siya ng hatinggabi sa labas dahil sa sama ng loob sa boyfriend niya na nakita niyang may kahalikang ibang babae! And take note, hindi lang kahalikan kundi may pahimas-himas pa ito sa puwet at boobs ng babaeng ‘yon!
Napakagago talaga! Ilang minuto na lang ay 1st year anniversary na sana nila tapos malaman-laman niya kanina ay nagchi-cheat pala sa kanya ang mabait niyang boyfriend? Oo mabait, iyon ang akala niya. Kaya pala masyado itong mabait at mukhang perfect dahil isa itong peke!
Balak pa naman sana niyang ibigay na rito ang matagal na nitong hinihingi, at iyon ay ang p********e niya! Tapos, bigla na lang niya itong mahuhuli sa mismong labas ng condo nito na nagsisimula nang gumawa ng milagro! Isu-surprise sana niya ito dahil day-off nito at ‘di nito alam na nakipag-swap siya ng day-off sa kanyang ka-trabaho para ibigay na ang sarili rito bilang pagsalubong sa Anniversary nila, pero siya pala ang masu-surprise nito!
Siguro ay hindi na ito makapaghintay na ibigay niya rito ang hinihiling nito sa kanya kaya hayon, sa sobrang atat ay naghanap ng ibang babaeng aararuhin! Malamang sa mga oras na ito ay panay ungol na ito ang ang babae nito! Samantalang siya, heto at ngumangawa at sa overpass. Dito na niya naibuhos ang pinipigilan sana niyang emosyon.
“f**k you ka!” muli niyang sigaw sa kawalan habang tinatanaw ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada sa ibaba.
Mabuti na lang at halos wala nang dumadaang mga tao roon dahil hatinggabi na. Ang ibang napapadaan ay napapatingin na lang sa kanya at ang iba naman ay napapasulyap lang dahil nagmamadali. Mabuti na lang at walang sumubok na mag-approach sa kanya dahil baka ibang tao pa ang mapagbuntunan niya ng galit niya sa boyfriend niyang manloloko!
Bakit kasi ngayon lang lumabas ang galit niya? Hindi tuloy niya nakompronta ang boyfriend niya at ang babae nito kanina dahil napaiyak na lang siya at napaatras sa nakita niya. Tssk. Iyon minsan ang kinaiinisan niya sa sarili niya. Masyado siyang mahina at mabait kaya heto’t niloloko na siya ng boyfriend niyang g@go! At kailan pa kaya siya nito niloloko?
Di nagtagal ay dahan-dahan na siyang naglakad para bumaba sa overpass. Mabuti pang umuwi na lang siya at doon umiyak. Ngayon ay naiiyak na naman kasi siya. Ang sakit lang kasi na niloko siya ng lalaking minahal niya ng isang taon! Binigay niya naman lahat para rito, bukod nga lang sa p********e niya tapos ay lolokohin lang siya nito? Paligaw-ligaw pa sa kanya noon ng dalawang buwan at paulit-ulit nangakong hindi ito magloloko pero kinain lang nito ang sinabi nito. Siguro nga ay hindi na ito kuntento sa pagmamahal niya at sa kung ano lang ang kaya niyang ibigay bilang girlfriend nito.
Tuluyan na siyang napaiyak at napayuko habang naglalakad. Lumiko na siya sa may hagdan pababa sa overpass ngunit bigla siyang nauntog sa kasalubong niya.
“Hey!”
Nawalan siya ng balanse at muntik pa siyang mauntog sa bakal na railings kundi lang naging maagap ang nakabangga niya at nahawakan siya sa magkabilang balikat.
“Hey! Miss! Ok ka lang?”
Bigla siyang napatingala rito dahil hindi pa rin nito binitiwan ang mga balikat niya kahit nakatayo na siya ulit ng maayos.
Bigla na naman tuloy niyang naalala si Carl dahil sa ganoong pangyayari din sila nagkakilala, ang pagkakaiba nga lang ay sa elevator sa mall at hindi sa hagdan sa overpass! Pagkakataon nga naman. Tssk!
Sayang, gwapo pa naman ang lalaking nakabangga niya pero wala siyang panahong hangaan ito. Bahagya pa nga siyang nainis dahil lalo niyang naalala si Carl dahil dito.
“Are you okay?” tanong ulit ng lalaki.
Aba’t in-english lang naman ang tanong. Tssk. Nagpapapansin lang yata sa kanya ang lalaking iyon eh. Tsaka malay ba niya kung sinadya lang nitong bungguin siya? Baka katulad lang ito ni Carl na kunwari mabait, kunwari nagki-care, iyon pala ay may gusto lang kunin! Hmp!
Tinabig niya ang mga kamay nito sa mga balikat niya sabay tingin dito ng masama.
“Yes, I’m ok! And don’t english me because I will english you too!” malakas niyang wika rito na ikinatigil nito.
Sayang talaga, gwapo pa naman ito at mukhang mabait. Pero ayaw na niya sa mukhang mabait!
At ngayon ay hindi na rin siya magiging masyadong mabait dahil inaabuso at sinasaktan, niloloko lang ang mga tunay na mababait!
“Ok, relax. I was just trying to help.” Anito sabay taas ng dalawang kamay. Bahagya rin itong lumayo sa kanya at akmang maglalakad na palayo pero nagsalita pa ito.
“And next time, you better watch your steps and where you’re going para hindi ka nakakabangga ng kung sino.”
Tila nagpanting ang tenga niya dahil sa mga sinabi nito kaya bago pa ito makahakbang palayo ay pinigilan niya ang braso nito.
“Antipatiko ka ah!”
“Look, miss. Didn’t you see the sign? Ang dinadaanan mong yan ay para sa mga paakyat sa overpass. Doon ka dapat sa kabila.” Anito sabay turo sa kanang bahagi ng hagdan na nalampasan na niya. May nakaharang ding malaking pisi sa gitna ng hagdan bilang harang sa mga paakyat at pababa.
Eh sa ang dami niyang iniisip kanina kaya di na niya iyon nakita. Tsaka hatinggabi naman, ok lang na doon siya dumaan kasi wala naman nang siksikan. Kaso itong lalaking gwapo na mayabang ay lalong sinisira ang gabi niya! Broken hearted na nga siya, binabadtrip pa siya!
“Eh di sana ikaw ‘yong umiwas.” Singhal niya rito.
“You know what, miss? I don’t have time for this.”
Umiling-iling pa ito sa kanya na tila natatawa bago itinuloy na ang paglalakad.
Wala na siyang nagawa kundi sibatin ng masamang tingin ang papalayo nitong bulto.
Bwisit! Sana lang ay hindi na niya ito makita ulit!