Chapter 1

1505 Words
"Noted ma'am, thank you," I politely said to my homeroom teacher before I left the faculty room. I sighed. Hindi na talaga mapipigilan pa ang paglipat ko ng school. Nasa third year high-school na ako, 17 years old and I have good grades, I am also an athlete. I play volleyball for fun, and unlike others, hindi ko kailangan ng scholarship. That's also the reason why I had to go to the faculty room, nag quit na ako sa team. I was a regular player, a wing spiker to be specific. I have to transfer school for some reason. One of them is that my Dad wants me to enroll in a bigger University, sabi nila para raw masanay ako sa mas maraming tao, because I have to be sociable, it runs in the family daw. I don't want to inherent any of our family businesses, siyempre hindi ko pa sasabihin 'yon. Wala pa akong plano para sa sarili ko, gusto ko munang maging sigurado bago ako mag-desisyon. I know despite not saying it, they expect me to be an Alpha one day. Iniisip nila na hindi ko pa oras at darating din 'yon kapag may nakatagpo ako ng Omega. I've had Omega people around me more than Alpha, pero wala namang pagbabagong nadulot 'yon. Naglalakad ako sa hallway nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko. "Neil!" I smiled at ipinasok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Nagpanggap akong hindi ko siya naririnig at patuloy lang ako sa paglalakad. "Aw." Napahawak ako sa braso ko. "Stop ignoring your girlfriend, stupid!" she exclaimed. Lumingon ako sa kanya, she's a little short but it fits her. I messed her hair causing her to pout. Cute. I laughed. "Okay, I'm sorry. What about an ice cream?" alok ko, nagliwanag ang mukha niya at isiniksik ang sarili sa'kin. She's my girlfriend for a year now, maayos kami dahil sweet siya, madalas mag tampo pero mabilis lang suyuin. "Buti na lang hindi kita matiis!" masayang sabi niya, that made me happy too, she's easy to tame that's why I like her. "I know," I said at sabay kaming lumakad papuntang room. She's really bubbly, and I'm glad we're together. She's very vocal about what she feels, nagtatanong din siya kapag may nararamdaman siyang kakaiba sa'ming dalawa. She's not paranoid, I actually appreciate that she acknowledges her feelings. She's an Omega. It is given dahil babae siya, her body can bear a child if she mates with an Alpha or a Beta katulad ko. Pero hindi 'yon ganon kadali iyon. Omegas, Betas, Alphas. Sa totoo lang hindi ko maintindihan kung para saan ang mga label na 'to, at kung bakit kailangan pa magkaroon nito, hindi pa ba sapat ang babae at lalaki? nakakabobo. Omega ang mga taong may kakayahang magdalang-tao. Kadalasan ay mga babae ang may katangian nito, pero may mga lalaki rin subalit mas bihira. Sa katunayan, sila pa ang mas napapansin at mas maraming naaakit, kakaibang appeal daw sabi nang marami. Beta naman ang mga kagaya ko, kami ang pinaka-stable sa lahat. Ang role namin sa mundo ay maging taga-alaga ng mga Omega na hindi kayang protektahan ang sarili nila laban sa mga Alpha na inaabuso ang kakayahang mang-akit. Swerte raw kami sabi nang marami, mas madali kaseng tanggapin ang mga Beta dahil wala kaming dahilan para mag leave o mag-resign. We do not experience being in heat, only Omega and Alpha goes through those. Ang mga araw na hindi nila kontrolado ang kanilang libido, they have to mate or take pills to calm down. If not, they will be in extreme pain, ang iba ay nawawala pa sa tamang pag-iisip. Ang mga Alpha naman ay natural na malalakas at dominante, matatangkad at may talinong lagpas sa average, may roon silang 'pheromones' na nakakaapekto sa isa't isa. The stronger the male Alpha, the stronger the scent, and it varies according to most people, hindi ko naman naaamoy kaya anong pakielam ko? I witnessed a scene of two Alpha fighting over a girl. Nanghina ang isa matapos maglabas ng malakas na pheromones ang isa. Kaming mga Beta naman ang inaasahang papagitna sa mga ganitong pangyayari, why? because we cannot smell or sense the pheromones. I should be glad, right? "What? lilipat ka next school year?" she shouted in shock, causing some students to glance at us. I'm actually not in the mood to talk about this matter, but I think she deserves to know. I sighed and held her hand, "Calm down, Trish. Hindi pa naman 'yon sigurado," I told her, even though I doubt it's not sure. Sigurado na ang mukha ni Dad when he told me. Trish pouted more, her exaggerated movements attracts more people, "Neil, what about me? kung iiwan mo ako, paano kapag nasa rut period ako, how are you going to protect me? Neil." she started crying and it was gaining attention. I grabbed then hugged her. "Shh, I'll protect you, okay?" I just told her, hinagod ko ang likod niya habang binubulong na "I'm here." because it assures her. That's the best I can say for now, I feel bad dahil hindi ko magawang sabihin ang totoo. Kumalma naman siya kalaunan, "Ice cream, dalawa," she said, pouting. I pinched her nose, I think I spoiled her too much. Natapos ang break at bumalik na kami sa classroom. Nagsimula na ulit ang klase para sa huling subject. Hindi ko rin maunawaan kung para saan pa ang break kung mag uuwian na rin naman pag tapos ng isa pang oras. "Pst. Bakit umiyak si Trisha?" bulong ni Kiro. Patuloy lang ako sa pakikinig sa teacher. I'm not in the same class as Trisha, pero magkatabi lang ang room namin. Mas okay 'yon kahit pa hindi siya sang-ayon, may pagkakataon na clingy siya kaya nasasaway kami ng teachers, at ako ang nahihiya para sa'ming dalawa. Natatawag pa akong f*ck boy, hindi ko lang talaga maamin na wala pa akong karanasan sa ganyan, I don't feel like doing it dahil na rin sa hindi ko pa nadidiskubre kung ano ang bubuhay sa libog ko. "Manahimik ka," I said, still focusing on the front. Natapos ang klase at naglabasan nang muli ang mga estudyante. Maingay at magulo, nanatili ako sa classroom para hintaying humupa iyon. Nang mawala na ang mga kaklase ko at natira kami ni Kiro ay sinabi ko na ang plano. "I'm transferring schools next school year," sabi ko kay Kiro. Gulat siyang napatayo, magkaklase na kami mula kinder hanggang ngayon, ganoon na rin kami katagal na mag-kaibigan. He's a Beta like me so we can relate to each other. "Seryoso, pre? g*go kaya pala umiyak girlfriend mo," sabi niya. I buried my face on my palm, I don't like complications. Should I break up with her? I do not deserve being her boyfriend kung hindi ko naman siya kayang protektahan. "Neil!" There, I saw her. Tumayo na ako para lumabas, "Sasama ako," sabi ni Kiro. Napangiti ako, kahit kailan talaga buntot sa'kin 'to. Napagkamalan na nga kaming mag-kapatid o pinsan. "Oy Trisha!" bati ni Kiro. "Ikaw na naman? lubayan mo nga boyfriend ko," Trisha said and clinged into my arm. "Mas lamang naman ako sa'yo! kilala ko buong pag-katao ni Neil," he boasted. Alam ko na na simula na naman ito ng pagtatalo nila. "Excuse me? it's not always about the years you've spent together!" she said. Totoo naman, pero iba ang pagkakaibigan namin ni Kiro, hindi lang panahon ang sumubok. Pero siyempre, hindi ko na sinabi 'yon dahil baka lalo lang siya magalit. Hanggang sa pagdating sa bahay ay ang paglipat ng paaralan ang nasa isip ko. "You're home," bati ni Dad, na kasalukuyang prenteng naka-upo sa isang single sofa chair habang nag babasa ng articles sa kanyang Ipad. "Nakausap mo na ba ang guro mo?" tanong niya. Malalim talaga ang boses ni Dad, isang dahilan iyon para kabahan ako kapag kausap ko siya. I can't smell pheromones pero ramdam ko ang pagka-dominante ni Dad na isang Alpha. "Yes, Dad," I answered. Bagamat hindi siya tumitingin sa gawi ko at ngumiti siya at tumango, "That's good, then you'll have to say good bye to your friends," he said. I nodded, that's already given. "Nga pala, liliapat din si Kiro, nakausap ko na si Leo," sabi niya patungkol sa Dad ni Kiro. Tumango nalang ako, 'yon pala ang ibig sabihin ni Kiro kanina. Kinagabihan, nakatanggap ako ng mensahe mula sa hindi kilalang profile. Aksidente kong napindot ang chat box kaya bumukas iyon at tumambad sa'kin ang picture ni Trisha. She's on top of a man. I feel... I don't feel any jealousy at all. Muli kong tinitigan ang litrato, it's really her. I placed my hand on my chest, is this the feeling of betrayal? Bakit sa halip na mainis ay nakaramdam ako ng lungkot at pagkalito. I'm confused of myself, bakit? They said one is supposed to feel down after a heartbreak caused by a betrayal. That's not how I feel at all. Napasabunot ako sa sarili, what the heck is wrong with me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD