Chapter 2

1417 Words
"Neil!" Gulat na lumapit sa'kin si Trisha. May kausap siyang lalaki sa labas ng gate ng school, pero iniwan niya 'yon nang makita ako. Alpha. Matangkad at may tindig na pamilyar. "Kanina ka pa?" tanong ko. Umiling siya at ikinawit ang braso sa'kin. Muli kong nilingon ang lalaki at nahuli itong nakatingin sa'kin. Pamilyar ang presensya niya, pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Isinantabi ko ang nararamdanag pagdududa, gusto ko munang aralin ang mga kilos ni Trisha. I can't get rid of the thoughts of her with a man in that picture, but what's more troubling is what I felt when I saw it. "See you later babe," paalam niya nang makarating kami sa tapat ng room nila. Tumango lang ako, tanaw ko ang mga kaklase niyang napatingin din sa gawi ko. Ngayon ko lang narinig si Trisha na tawagin akong babe. One thing for sure, she's not thinking of me when she said that. I noticed how she was alarmed, but decided to act on it. 'Yon din ang ginawa ko, nagpanggap na hindi ko alam. "Tulala ka ah, break na kayo ni Trisha?" walang pigil na tanong ni Kiro. Binato ko ng papel si Kiro, napatingin pa tuloy ang mga kaklase namin, "Hindi, g*go." Mukha siyang dismayado sa sagot ko, hindi talaga siya magkasundo."Eh paano siya 'pag lumipat ka?" tanong niya, hindi lang talaga matahimik. Buong klase ay wala ako sa sarili, napapatulala lang at hindi makapag-focus sa ginagawa. "You're creeping me out dude, why do you keep looking at me?" Umiling ako, nandidiri ako sa ideya na pumasok sa isip ko. I can't be into men if I can't and won't even imagine seeing myself with my bestfriend, right? "May iniisip lang ako, 'wag kang maingay." Umabot sa break hanggang sa uwian, wala akong narinig na nagsalita o kahit bulong tungkol kay Trisha. Kung ganon ay ako lang ang pinasahan ng kung sino man. "Isa ka namang b***h!" "Anong sabi mo?" "Ah!" Lahat ng kaklase ko ay nagtakbuhan palabas ng room. Naalarma ako nang marinig ang boses ni Trisha, agad akong tumakbo palabas at hinawi ang mga kaklase kong nakaharang sa pintuan. "Trisha," tawag ko, hindi niya ako nilingon at patuloy lang sa pakikipag-sabunutan. "Ayan! sabihin mo sa boyfriend mong Beta ang ginagawa mo, ewan ko lang kung hindi ka niya iwan." "Manahimik ka!" "Trisha!" Agad kong hinawakan si Trisha sa magkabilang kamay at hinila paalis sa eksena, nagpatianod naman siya sa'kin, at pagod na humikbi. Nakarating kami sa dulo ng hallway, nakita ko ang isang bakanteng laboratory room, hinila ko siya papasok at doon siya kinausap. "Anong ginagawa mo?" The Trisha I know is not someone who will act like this, she is not war-freak. She likes to be peaceful and friends with everybody. "You don't understand," sabi niya habang ang tingin ay nasa ibaba. "Then make me understand," sagot ko. Hindi maaayos ang problema niya kung sasarilihin niya 'yon kahit pa alam niyang hindi niya kaya. "No," umiling siya, "Kahit anong paliwanag ko hindi mo maiintindihan." Naestatwa ako. Alam ko. "Sinusubukan ko, 'di ba?" "You're not an Alpha nor an Omega, Neil. Any of the two won't be satisfied being with you." Gulat akong napatitig sa kanya. I felt my hand shakes, and my heart grips. I never knew I would hear these words from her, but I also never thought it would feel this bad when forced to face the truth. Natahimik ako at nanatili ang tingin sa mga mata niya, I saw her tears falling from her eyes to the floor. "N-Neil I'm--" "I know." I nodded, kinapa ko ang panyo sa bulsa ko. Nang makuha ay marahan ko 'yong ipinunas sa mukha niyang puno ng luha. She must have felt lonely, spending a year with me. During the days she needed a man to satisfy her, to keep her sane, I cannot help. I must be selfish, I haven't thought of what she'd feel if her desires aren't met. Yes, she might have liked me first, but I am the man in our relationship. "Shh." Sa halip na tumahan ay lalo lang siyang humangulngol. She looked at me with guilt, but there's no need to. Alam kong iyon ang totoo, kailangan ko rin 'yon marinig. "It's okay, hindi ako galit." Muli ay yumakap siya sa'kin, it's an apologetic embrace, and it felt like it wasn't meant for a lover but for a friend. Sa halip na sakit at disappointment, ang naramdaman ko ay ginhawa. Gulo-gulo pa ang buhok niya kaya tinulungan ko siyang ayusin 'yon, hindi siya nagsasalita pero alam kong alam na niya na nalaman ko ang ginawa niya. "Ice cream?" I asked, her face lit up, and she nodded in response. After Trisha, I tried to enter new relationships with different approach. In the end, they all have similar response which made me question if I am meant for love. For example, Yuna. "Ayoko na Neil, bakit ka lumalayo kapag sinusubukan kong hawakan ka?" tanong niya isang araw, nasa loob kami ng apartment niya at ang sabi niya'y manunuod lang kami ng movie matapos mag-aral. Hindi ako makasagot, hindi ko masabing hindi pa ako handa sa mga ganoong bagay. "My Gosh, you're handsome but you have no balls!" I mean, I have balls. Literally. Pero sa s*x lang ba nasusukat ang pagmamahal? Napabuntong-hininga ako, mga kagaya ko lang na Beta ang makakapagsabi na ang pakikipagtalik ay hindi essential. Doon natapos ang relasyon namin, hanggang sa makalipat ako ng eskwelahan ay ganoon pa rin ang sagot ng mga nakakarelasyon ko. "What? hindi ka man lang tinitigasan? sigurado ka bang normal 'yan?" singhal ni Irene sa'kin. Hindi ako makasagot, sinubukan kong pumayag subalit kahuhubad palang niya ng pang-ibaba ay mukhang hindi na matutuloy ang plano niya. "I'm sorry--" "Ugh! I'm out of here." Marahil ay hindi ako naging agresibong sapat para mapantayan ang init na nararamdaman nila. Sinubukan kong muli, kay Meghan, ang pinagkasundo sa'kin ng parents ko. Hindi ako tumanggi dahil wala rin naman akong gana na maghanap pa at kumilala ng iba. At least they know her. "Woah, chill," sabi niya at tinulak ako nang subukan ko siyang halikan. Napangisi ako, is she playing hard to get? "Come on, let's get it done," sabi ko. Shocked, she slapped me in the face. "You're not an Alpha but why are you such an ass?" she exclaimed. Natauhan ako at ibinalik ang tingin sa kanya, she's different, I forgot she isn't into me. Of course she wouldn't want to be touched by me. She then laughed, "Iniisip mo na hindi kita type, girl, am I even your type?" she asked at inilagay ang magkabilang kamay sa bewang. "What do you mean? Do I have to like you for us to feel each other?" I asked like how an Alpha would. Lalo siyang natawa, nainsulto ako ron pero hinayaan ko lang siya. "No, but are you sure you need an Omega?" she asked. Inayos ko ang sarili ko, nasa isang hotel kami at may event ang pamilya nila sa function hall sa baba. Our parents encouraged us to have a room, I bet her parents don't love her enough para ipagtulakan siya sa isang Beta. "Shut up," sagot ko kaya lalo siyang natawa. "One look and I know what you needed, although you're not as slender as an Omega. Your face can pass as one," nakangiti niya pang sabi habang sinusuri ang katawan ko. "Bahala ka," sagot ko. "You know what, I like you!" Binalingan ko siya ng tingin, kanina lang ay ayaw niya akong halikan pero ngayon gusto na niya 'ko? She laughed, again. "You're so funny! I mean as a friend, I think we'll be good as besties," excited niyang sabi. Hindi ko pa 'yon naintindihan noong una, tutol pa ako sa ideyang maging magkaibigan nalang kami dahil sigurado ay madidismaya ang mga magulang namin. "Shot pa here!" sigaw niya sa waiter. Nasa isang gay bar kami, sabi niya ay dito ko raw malalaman ang tunay kong kailangan. "What the f*ck," I cursed when I saw a two Alpha-looking male kissing each other. Siniko ako ni Meg dahilan para maalis ang tingin ko ron. "That's not normal, but that's okay," sabi niya bago lagukin ang tequila. Natulala ako, she is exposed to this, she isn't surprised but actually tries to explain what is happening to me. "How is that even possible?" I asked again. Sino sa kanila ang magiging dominante? lalo na sa kama kung pareho silang Alpha? "Everything is possible when you allow yourself."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD