Tahimik kami hanggang sa makarating na kami kina Nanang. Mula sa loob ng sasakyan ay natanaw naming sina Mario at Luigi na nakaupo sa may terasa habang umiinom ng juice, siguro ay nasa loob sina Nanang at Tatang. Akmang bababa na ako pero natigilan din nang magsalita si Jag. “Treat me the way you’re treating me in front of them from before. Ayokong sumama ang loob ni Nanang, baka mas mapaano lang siya.” Napabuntong ako ng hininga sa sinabi niya. “Alam ko sensitive si Nanang ngayon, pero ayokong magsinungaling sa kanya. That’s the reason why I’m here, I’ll tell her the truth, I’ll tell them that we already broke up, because at one point or the other, they’ve been very good to me. Kung magagalit siya sa akin, tatanggapin ko, sa tingin ko nga ay mas magiging pabor iyon sa kanila kasi maiiwa