Ilang sandali rin akong nanatili sa kubo pagkatapos niya akong iwanan doon. Pakiramdam ko ay iyon na ang closure na hinahanap ko, pero alam kong kulang pa. Nagawa naming mag-usap na walang nanunumbat at hindi pinagtutulakan ang isa’t isa palayo, siguro ay magagawa ulit naming mag-usap sa huling pagkakataon ng maayos bago ako umalis dito. Ilang sandali lang ang nakakalipas ay nagpasya ako na bumalik na rin sa loob, naabutan ko sila sa maliit na terasa na masayang nakaupo at nakapalibot sa mesa, may pagkain ding nakahanda. “Heto na pala siya, nagpaluto ako ng paksiw na isda, noong huling beses kasi kayong narito ay hindi mo natikman.” Masayang saad ni Nanang. “Ang sabi nitong si Jag ay okay na kayo, at kausap mo lang daw saglit ang Papa mo sa cellphone kaya medyo natagalan ka, totoo ba iyo