Pagkatapos naming ayusin ang mga pinamili namin sa grocery ni Jag ay sakto namang dumating ang order naming pagkain, natuwa agad si Inday sa nakita, dahil kagaya ng sinabi ko ay mahilig siya sa pizza. Si Inday na ang nagkusang loob na kumuha ng mga plato at kutsarang gagamitin namin sa pagkain, ako naman ay agad na dumiretso sa fridge para kumuha ng tubig na maiinom. I took the whole pitcher out and placed it on the dining table, and right after everything is ready, we started eating. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang tumunog ang doorbell ni Jag, akmang tatayo si Inday pero pinigilan siya nito. “Kumain ka lang, ako na.” Nakangiting saad ni Jag. Agad naman siyang tumayo at naglakad papunta sa pinto. Pinanuod ko siya habang patuloy na kumakain at pinapasok niya ang isang matandang la