Naabutan namin ni Jag si Inday sa bahay na nagzu-zumba. Bahagya pa akong natawa dahil mukhang nahiya siya nang makitang kasama ko ulit si Jag. “Ay ate, hindi po kayo nagsabi na uuwi na pala kayo.” Saad niya at nagpunas ng pawis. “Teka lang po, ipaghahanda ko kayong mirienda.” Dagdag pa niya. “Huwag na, Inday.” Pagpigil ko naman agad sa kanya. “Nakapaghanda ka na ba ng mga gamit?” Tumango naman siya sa tanong ko. “Akala mo ate hindi ko na-gets sinabi mo kaninang tumawag ka ‘no? Inaantok ako ate pero gets ko iyon.” Tumawa pa siya kaya napangiti ako. “Akala ko nga.” Halakhak ko sa kanya. “Hindi ko alam kung saan kami sa Pangasinan bukas pero pwede ka namin idaan sa inyo. Siguradong matutuwa ang mga magulang mo.” Tumango-tango si Inday sa sinabi ko. “Gusto ko nga sana sumama sa inyo, ate.