Mabilis ko namang binuksan ang makina ng sasakyan, pero hindi ko pa napapaandar ay nagulat ako nang harangan ng sasakyan ni Jag ang dadaanan ko. Padabog siyang bumaba sa sasakyan niya tapos ay marahas na kumatok sa bintana ng kotse ko. Kahit na nanghihina ay binuksan ko naman ito at pilit na ngumiti sa kanya. “Yes?” Instead of answering, he put his left arm inside my car and he unlocked the doors. “Get out of your car or I’ll drag you out.” Puno ng pagbabantang saad niya, pakiramdam ko naman ay nangatog ang binti ko roon, kaya marahan kong binuksan ang pinto at bumaba rito. Nang makababa na ako ay kinuha niya sa akin ang susi at nilock niya ang pinto, tapos ay hinila niya ako pasakay sa sasakyan niya. Nang makasakay na kami ay agad naman niyang pinaandar ito. “W-Where are we going?” m