Hindi ko alam pero sobra akong kinakabahan habang hawak ang dalawang pregnancy test kit. Rinig na rinig ko ang malakas na kalabog ng puso ko, mariin akong pumikit at sa huli ay nagpasya na lang akong ibalik ang dalawang pregnancy test kit sa pouch ko. Hindi pa ako handing malaman. Sa ibang araw na lang siguro. I mean, what if he really got me freaking pregnant? I can’t afford to tell him especially now that he’s acting a total jackass most of the times. Alam ko ay wala namang magiging kaibahan ang pakikitungo niya sa akin kung buntis nga ako o hindi, pero natatakot pa talaga ako sa ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Naghilamos ako ng mukha at bumuntong hininga bago nagpasyang lumabas. Bahagya pa akong nagulat nang makita si Jag na nakaupo sa sofa kasama si Rae, kinabahan ako pero hind